Chapter 12: *Date with my Teacher* -- part two

4.3K 82 3
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 12: *Date with my Teacher* - part two

" I can't believe na niyaya ka ni Sir Arjay na makipagdate sa kanya.. Wow ha! " tila nakikilig na sambit ni Pearl nang ikwento niya ang nangyari sa auditorium kanina. Syempre, hindi na niya sinabi yung kay Orly para hindi humaba ang usapan nila.

" Sige, ilakas mo pa. Mahina pa yan e. " naiirita nyang wika. Nasa canteen kasi sila at madaming tao ng mga sandali na yun.

" Oops! Sorry, Arianne. Naexcite lang ako sa kwinento mo eh. Nagtataka lang ako kasi kung bakit ka niya niyaya. Hello? Isang teacher ay niyaya ang estudyante niya. Hindi kaya gusto ka na niya? Eeeh! Ang romantic naman ng story nyo! " naiirita talaga siya pag ganun si Pearl. Daig pa sya nito sa pagiging taklesa at careless. Kung anu ano ang sinasabi.

" Loka loka! Imposible yang sinasabi mo. Inaasar lang ako ng teacher na yun malamang. Hindi nga ako pumayag eh. Mangisay sya. Hinding hindi talaga ako makikipagdate sa kanya noh! Kahit kelan! Hinding hindi! Ano siya? Sinuswerte? Hmp. "

" Hmm, umaayaw ka na ba? " agad napataas ang kilay nya sa sunod nitong tinanong. Hindi nya naintindihan.

" What do you mean by that, Pearl? "

" I mean, if you want na mawala sya dito. Kelangan mong makisakay sa kanya. One month na sya dito pero walang nangyayari.. Gusto mong matanggal sya di ba? You need to make Sir Arjay to fall in love with you. Mas madali yun kesa i-flirt lang sya. Na-gets mo ba ang ibig kong ipahiwatig, Arianne? " hindi nya alam na isang patibong pala yun ni Pearl para sa kanya. Gusto kasi ng kanyang kaibigan na tumigil na siya sa mga ginagawa nito sa binatang guro. Playing cupid si Pearl sa dalawa para happy.

" Hmmmm! Sounds good at mukhang may nasasabi ka din palang matino. " lihim ngumiti ng nakakaloko si Pearl bilang tagumpay sa kanyang gustong mangyari. Napansin nya kasing bagay si Arianne at si Sir Arjay sa isa't isa.

Samantala..

Gusto nya aminin kay Arianne na may gusto na sya dito nung nasa audi sila pero ALAM nya na pagtatawanan lang sya ng babae. Naisip nya, susuyuin nya eto tulad ng ginagawa ng ibang lalaki. Ang kaibahan lang, hindi alam ni Arianne. Gusto nya kasi na kapag umamin na sya dito, alam din nyang may gusto rin eto sa kanya para hindi na sya nito gustong paalisin pa. Kung aalis man sya, hindi dahil sa gusto ng babae kundi ginusto nya. Nangangamba din sya na baka mahalata sya nito. Wag naman sana para hindi kumplikado. Magiging mabait na sya kay Arianne at pakikisamahan na ang babae ng maayos. Ayaw nyang ihantulad pa sya nito ulit kay Orly. Ibang iba sya dun sa lalaki na yun. Kapag naaalala nya ang nangyari, nanghihimutok sya sa inis at galit. He felt jealousy. Ayaw nya kasing may ibang lalaki na nakakahawak kay Arianne.

' Ugggghh! I never been crazy like this. Magagawa ko ba talaga 'to? Nilalabag ko na ang ethics. Jeez. Kung anu ano na ang nararamdaman ko! Tama ba 'to? Ano 'to? Isn't love i'm feeling right now? Shit! '

Nasa lalim syang pag-iisip nang may nagsalita. " Sir Arjay.. " napaangat sya ng tingin sa pagkakayuko. Bahagya syang nagulat dahil hindi nya inaasahang pupunta eto sa office.

" Flores, what are you doing here? " takang taka sya. Nung nasa audi eto ay galit si Arianne pero ngayon ay nakangiti na.

" Yung sinabi nyo kanina, payag na ako. " nagsalubong ang kilay ni Arjay. Ang tinutukoy ba nito ay yung date?

" Ha? "

" Yung nasa audi tayo, payag na ako. " luminga linga sya. Baka kasi may nakikinig sa kanilang dalawa na kapwa nya guro. Nakahinga sya ng maluwag dahil wala namang nakatingin sa kanila. Mga busy eto sa kanilang ginagawa at nasa dulo ang desk nya kaya wala naman sigurong makakarinig sa pinag-uusapan nila ni Arianne.

" Are you sure? Baka naman ginu-good time mo lang ako? " hindi pa man ay hindi nya napigilang ngumiti pero agad din nyang binawi yun upang hindi mahalatang natutuwa sya sa sinabi nito sa kanya.

" Kung ayaw mo, babawiin ko na lang. "

" No, gusto --- i mean, good! Akala ko kasi ginu-good time mo lang ako e. "

" Name the place, date and time, Sir and i'll be there. " napitlag ang puso nya nung kumindat eto.

' Jeez. Ganito ba talaga ang epekto ni Arianne sa akin? Isang kindat lang, gumugulo na ang tibok ng puso ko. Bumibilis na parang nagkakarerahan. '

" Siraulo! "

" Ano, Sir? " napalakas pala ang pagsambit nya nun. Nakakahiya.

" Ah, wala. " napakamot sya. " Ibibigay ko na lang sa'yo mamaya. " hindi nagtagal, umalis na rin si Arianne sa office. Wala syang ideya kung bakit pumayag eto kalaunan. Basta ang nararamdaman nya ng mga sandali na yun ay tuwa.

**

Sabado, 6pm ng gabi. Sinundo nya si Arianne sa bahay nito. As Arianne went down from stairs, para etong prinsesa kahit simpleng bestida lang ang suot nito. Tulad nung nasa office sila, naging irregular na naman ang tibok ng kanyang puso. This is it! Kumpirmado nga! Hindi lang basta gusto ang nararamdaman nya para kay Arianne. He knew it was love.

" Hey! " Arianne snap. Muntik na nyang makalimutang may date nga pala sila nito. " Natulala ka! Don't tell me, nagagandahan ka sa akin? "

Tumikhim sya bago sumagot. " Ehem. Conceited girl. " nagpout naman si Arianne sa sinagot nito sa kanya. Hindi nito nagustuhan ang sagot nya. " Chill! I'm just kidding! You look very pretty tonight. Para ka ngang anghel na nahulog sa langit eh. "

" Bolero! "

Sa unang pagkakataon, hindi sya nakaramdam ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Waring naging kumportable sila sa isa't isa. Saglit nilang nakalimutang guro sya at estudyante nya eto nang mag-umpisa silang magtungo sa isang restaurant. Iniisip ni Arjay, kung hindi lang sya isang guro malamang higit pa dun ang magagawa nila. Nilabag na nga nya ang ethics nila, lalagpas pa sya sa limit nya bilang guro. Nalulungkot sya kapag iniisip nya na nauna syang ipinanganak at hindi sila magkasabay ng taon ni Arianne. Hindi nya kasalanan kung hindi sila sabay ipinanganak. Nagkataon lang talaga na sya dapat ang mauna dito.

-- Arjay loves Arianne. One sided love ang pilyong guro natin ah? Si Arjay, mukhang sure na sa kanyang nararamdaman. Eh si Arianne? In denial stage?

ITUTULOY..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now