Chapter 4: *BASTOS DAW?*

5.3K 113 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 3: *BASTOS DAW?*

Magkasunod na pumasok sina Arjay at Arianne sa kwarto. May mga ilan ilan ng estudyanteng naghihintay roon para sa unang subject nilang Soc.Sci. Walang kibo si Arjay samantalang nakayakap sa libro si Arianne. May mga ilan ang napatingin sa kanila, marahil ay dahil magkasunod silang pumasok sa kwarto.

Pakiramdam ni Arianne, pulang pula sya sa ginawa ni Arjay sa kanya. Tumayo yata lahat ng balahibo nya sa katawan sa mapangahas na paghawak ni Arjay sa kanya. Hindi nya kasi inaasahang hahawakan sya nito sa dibdib at hindi naman talaga nya planong gumawa ng eksena sa labas ng banyo. Bigla tuloy syang nanliit sa sarili, parang hindi nalalayo ang ginagawa nya sa mga babaeng bayaran na nagfi-flirt sa tabi ng daan. Napakagat labi na lang syang umupo sa tabi ni Pearl. May sampung minuto pa bago mag-umpisa ang klase. Hinintay na lang nila ang mga late. At habang naghihintay sila, tulala lang si Arianne.

" Uy Yanie, kanina ka pa tulala dyan? " untag sa kanya ng kaibigan. Lumingon sya rito. " At teka nga, talagang kinakarer mo talaga ang paglalandi slash pang-aakit kay Sir noh? Masyado ng mahalay ang mga suot mo lately! Di mo ba naiisip na baka pati ang mga kaklase nating lalaki ay maakit mo? Sira ka talaga! Nakikita na ang kaluluwa mo eh. Tumigil ka na kasi, Arianne. Huwag mong hintaying bastusin ka pa ng mga lalaki bago ka tumigil. Pag nangyari yun, huwag mo akong sisihin dahil di ako nagkulang sa paalala sa'yo.. " mahabang sermon ni Pearl sa kanya.

" Tumigil ka nga Pearl! Ang ingay ingay mo! Alam ko ang ginagawa ko kaya wag mo akong pangaralan.. Tama na! Naiirita na ang tenga ko sa mga pagdadada mo! Para kang nasa palengke! Mag-uumpisa na ang klase kaya itikom mo na yung bibig mo.. " paasik na pambabara niya dito.

" Bahala ka! Sa akin lang naman ay nag-aalala ako dahil kaibigan kita. Kung ayaw mong mag-alala ako, eh di wag! " medyo nagtampo si Pearl sa mga tinuran ni Arianne sa kanya kaya lumipat eto ng puwesto at iniwan siya dun sa upuan ng nag-iisa. Wala ng nagawa si Arianne dahil nag-umpisa na rin ang klase. Hindi naman nya talaga intensyong saktan ang damdamin ni Pearl, nadala lang siguro sya sa nangyari sa labas ng banyo kaya nasabi nya ang mga bagay na yun.

" Okey class, please silent and listen! Mag-uumpisa na tayo. Ang lesson natin ngayong araw ay all about psychoanalysis. Psychoanalysis is a method of treating mental disorders by investigating the conscious and unconcious elements in mind which sex and aggression ang isa sa mga pinag-aaralan. " habang nagsasalita sa harap ang binatang guro, nagsusulat naman sa notebook nya ng kung ano ano si Arianne. Ayaw nyang makinig dito. " Kapag sex ang naririnig nyo, ano ang unang pumapasok sa utak nyo? " nabigla si Arianne dun sa topic nila. Sa isip nya, bakit yun pa talaga. Nanatili syang yumuyuko at nagsusulat kahit gusto nyang tingnan si Arjay. Naaalangan kasi sya. " Yes? "

" Sexual intercourse, Sir. " dinig nyang sagot ng isa nyang kaklase.

" Yes. Right. May iba pa bang nais sumagot? You can tell it by using tagalog kung hindi nyo kayang e-English ang mga sagot nyo. " mataman lang na nakikinig sya sa mga kaklase nya pero sa loob nya, nababastusan sya sa topic nila. " Oh, ikaw! "

" Sir, lalaki at babaeng nagtatalik para makabuo ng bagong tao. The more, the merrier daw eh. " nagtawanan ang buong klase sa sagot ng isa. Namumula na ata sya sa inis sa ng mga naririnig ni Arianne.

" Oo, tama rin yun. "

" Sir, pwede magtanong? "

" Go ahead. "

" Is it important that when two people having sex, they should do it because they love each other not because of lust and pleasure only? " napakuyom na lang ng kamao si Arianne. Hindi nya alam kung bakit ganun na lang sya kaapektado sa topic ng klase. Umangat ang tingin nya sa harap at nakita nyang nakatayo si Arjay sa tapat ng mesa. Nakita rin nya na game na game ang mga kaklase nya sa pagparticipate at pakikinig sa naturang leksyon.

" Sa panahon ngayon, sa nakikita ko hindi na minsan mahalaga kung may pagmamahal na involve sa dalawang taong nagtatalik, minsan ginagawa lang nila yun kasi kelangan ng katawan nila. Kung sa akin, as my opinion, mas maganda at mas masarap kapag nagse-sex kung may pagmamahal na kasama. Iba kasi yun sa wala. " habang sinasabi yun ni Arjay, na kay Arianne ang mga mata nya. Tila may kung anong ibig ipahiwatig si Arjay sa sinambit nya. " Iba ang pakiramdam. "

" Ibig sabihin Sir, nakaranas ka na? " ngumiti si Arjay bago sumagot dito. Inayos nito ang salamin saka lumapit ng bahagya sa isang row ng upuan.

" Wala akong mapapala kung magsisinungaling ako.. " todo ngiti si Arjay.

" Talaga Sir? Ibig sabihin, talagang nakaranas ka na nga? Sa gf nyo po? Ano ang pakiramdam Sir? Ano ang mga ginawa nyo? " sunod sunod na tanong ng mga usiserong kaklase ni Arianne sa Soc. Sci teacher nila.

" Haha! Students, it is a private thing na dapat i-keep secret na lang. Hindi ako ang tipong kiss and tell. Bilang respeto na rin yun sa tao. Mga ganung bagay ay hindi dapat pinagsasabi. Tandaan nyo yan! Malalaman nyo rin ang pakiramdam kapag dumating ang tamang panahon na mangyayari yan sa inyo. But for now, hindi porke nalaman nyong nakaranas ako eh gagawin nyo din yun especially boys. Guys, pag-aaral muna ang atupagin nyo, OK? Lesson lang natin 'to. Sex education are require na sa mga level nyo para may kaalaman ang mga estudyanteng gaya nyo.. Napakahalaga nito para alam nyo kung ano ang mga naidudulot ng sex sa mga kabataan.. " mahabang lintaya at paliwanag ni Arjay.

Nagulat naman ang lahat nang biglang tumayo si Arianne at nagsalita ng, " Bastos! "

" Bastos? Paanong naging bastos yun. Nakikinig ka ba Ms. Flores? Walang bastos sa mga sinasabi ko. Magiging bastos lang sya kung bibigyan mo ng malisya at kahulugan yun.. " nagsimulang naglakad si Arjay patungo kay Arianne, sa upuang kinatatayuan nito. Binigyan niya si Arianne ng ngiti. " Sa tingin ko, hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng bastos. Nasa klase tayo at yun ang topic natin, walang bastos dun Ms. Flores. If i were you, umupo ka na at makinig na lang ng mabuti dahil may evaluation tayo after this. " napapikit na lang ng mariin si Arianne sa tinuran nito. Naiinis na sya sa kanyang sarili kung bakit sya nagkakaganun.

Nang matapos magsalita si Arjay, nilagpasan sya nito at mahinang bumulong sa likod nya. " Tila apektado ka sa salitang sex kaya napareact ka ng bastos. Interesado ka bang malaman kung ano talaga yun? Pwede kitang turuan kung gusto mo? " kinilabutan sya sa binulong nito. Lumingon sya dito at binigyan nya ng masamang tingin si Arjay. " Oh! I was joking only, Sweetie. " bago eto naglakad muli, ngumisi si Arjay sa kanya. Gustong gusto talaga ata ng lalaki na intrimisin sya, asarin at sagarin ang pasensya nya.

ITUTULOY..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon