Chapter 23: *Video*

4K 73 0
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 23:

*Video*

Lalo pang naging komplikado ang lahat sa mga nakalipas na araw. Akala niya magiging okay na ang sitwasyon kapag hahayaan nya ang ginawa ni Orly sa kanya at ang kalimutan na lang ang nangyari sa kanila ni Sir Arjay. Ngunit nagkamali siya. Hindi pala madali yun lalo na at parang hinahabol siya ng gulo kahit anong iwas nya.

Isang araw, papasok sa Westbridge. She felt something weird. Lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong niya ay napapatingin sa kanya. Hindi lang basta tingin kundi titig na titig. Parang may kung ano sa kanya na hindi naman nya alam kung ano yun at kung bakit ganun sila makatingin sa kanya. Kinabahan siya bigla lalo na nung tumahimik ang kwarto pagkapasok nya. Lahat ng kaklase nya, nakatingin sa kanya. Mukhang kanina pa siya hinihintay ng mga eto. Unang lumapit sa kanya ay si Pearl. Hinila siya nito sa isang tabi ngunit ang mga titig ng mga kaklase nya ay hindi pa rin maalis sa kanya. Naaasiwa siya lalo na at hindi nya alam kung bakit ganun na lang ang inaakto ng mga kaklase nya at ng mga taong nasa paligid nya. Para siyang isang kriminal.

" A-Anong nangyayari? Bakit halos lahat ng tao nakatingin sa akin? May problema ba sa akin? " nauutal pa niyang tanong sa kaibigan nung nakaupo na sila sa silya.

" Sinabihan na kita pero hindi ka nakinig sa akin. Alam kong mangyayari 'to pero hindi ka naniwala! " tinampal pa ni Pearl ang noo na talagang may mabigat ngang gulo syang pinasukan. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib nya. Hindi nya alam kung saan sa mga naiisip nya ang tinutukoy ng kaibigan.

" Te-Teka Pearl! Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo? Anong.. "

Huminga eto ng malalim bago sumagot sa kanya. " May kumakalat na video ngayon dito sa school natin. Ang halikan nyo ni Sir Arjay sa may bar! Sa may kotse.. Yun yung mga panahong nawala ka. You lied to me, Arianne. Makikipagkita ka pala nun sa kanya. Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Anyway, hindi yan ang problema sa ngayon. Kakalimutan ko muna yan. " kinuha nito ang cellphone sa bulsa at ipinakita sa kanya ang video na nakasimangot. Naguilt siya sapagkat nagsinungaling siya sa kaibigan.

" Ano?! Imposible.. Imposible 'to, Pearl. " tangi na lang nyang nasambit sa sinabi ni Pearl at sa nakita. Talagang imposible sa kanya na may video sila dahil madilim noon sa parte na yun. Imposibleng may makakita. O hindi lang nya napansin dahil sa kalasingan at nalunod na siya sa mga halik ni Arjay. ' God! Bakit 'to nangyayari? Bakit? '

" Anong imposible? Ikaw ang nasa video na 'to. Kayo ni Sir Arjay. Napaka-intimate nito! Para na nga etong.. You know, scandal kahit halikan lang yun sa may tabi ng kotse. Sobrang lapit ng pagkuha sa inyo kaya imposibleng hindi kayo makilala nun.. At hindi nyo napansin yun. Unless.. " tigil nito sa pagsasalita saka binigyan siya ng makahulugang tingin.

Agad siyang napataas ng tono sa binibintang nito. " Hindi! Kilala mo ako. Hindi ko magagawa yan. Wala akong alam sa video na yan! Ngayon ko lang nalaman na may video kami ng.. nun. nyan! Maniwala ka, Pearl. Wala talaga akong alam. "

" Calm down, Arianne. Kumalma ka lang. Ewan ko na.. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Kung naalala mo pa ang sinabi mo dati na gagawin mo ang lahat para lang mapaalis si Sir Arjay dito. Doon pa lang, natatakot na ako sa maari mong gawin. You tried to seduce him. Kaya hindi ko alam kung nasa video na yan ay plano lang din yun. Plano mo.. "

Napahilamos si Arianne ng mukha. " Pearl.. Hindi part ng plano ko yun. Lasing ako nun. Hindi ko na alam ang pinagagawa ko! Oo, maaring sinabi ko yun sa'yo dati pero hindi naman ako ang tipong gagawin ang iniisip mo. Swear! Promise, wala talaga akong alam dyan. Pearl, sino.. sino ang nagpakalat ng video na yan? Kilala mo ba? "

" Akala ko, inutusan mo siya pero sa mga reaksyon mo. Wala ka talagang alam na mangyayari 'to. Si Orly.. Siya ang nagpakalat ng video ninyo ni Sir Arjay. Sabi ng ilang kaklase natin, pinasa nya yun sa lahat ng mga cellphone ng mga estudyante dito. Mukha daw etong wala sa sarili. Kalat na kalat na talaga 'to kaya alam ko, nakarating na 'to sa dean's office. "

" Hindi.. " mahina nyang sabi. Parang naubos ang lakas nya sa nalaman ng araw na yun. Isang malaking kahihiyan ang naganap at hindi nya alam kung paano eto susulosyunan.

" Kaya, Arianne.. Ihanda mo na ang sarili mo. Tiyak akong ipapatawag ka ng dean. Ngayon o mamaya. Natatakot ako sa maaring kahihinatnan nito. " niyakap siya ni Pearl pero hindi yun nakapawi ng nararamdaman nyang kaba.

" Natatakot ako, Pearl. Hindi ko gustong humantong sa ganito ang lahat. Si.. Si Sir Arjay, alam na ba eto? " napayuko siya lalo. Nahihiya siya sa mga kaklase nya at kay Pearl maging sa sarili nya. Hiyang hiya siya.

" I doubt it. Pero malamang baka alam na niya. Diyos ko, Arianne. Ano 'tong napasok mo.. Kumplikado. Sabihin mo nga ang totoo. Bukod dun, sumubra pa ba yun? "

Dahil dun, napaangat siya ng tingin kay Pearl. " Ano ang ibig mong sabihin? "

" I mean, nakipag-ano ka na ba kay Sir Arjay? Yung ano.. Yung alam mo na.. Basta yun. Three letters. Ehem. " matagal siyang hindi nakasagot. Natahimik siya. " Oh my! Don't tell me, meron nga? "

Tumango siya at dun na biglang nagsituluan ang mga luha nya. Hindi na rin nagsalita si Pearl nang mag-umpisa na siyang umiyak. Niyakap na lang siya nito ulit ng mahigpit.

" Sana maging maayos ang lahat. Mamaya, kakausapin ko ang mga may video nun na wag ng ipakalat pa ang video para hindi kumalat pa lalo. "

" Salamat, Pearl. " helpless siya. Iniisip nya kung hindi dahil sa gusto nyang matanggal si Arjay, hindi eto mangyayari. Hindi sya malalagay sa kahihiyan.

**

Nanginginig siya habang nasa loob siya ng opisina ng dean. Hindi siya mapalagay. Kahit malamig dahil sa aircon, pinagpapawisan siya pa rin sya ng malagkit.

" Miss Arianne Flores, you disappoint me. Nasa dean's lister ka pa naman pero hindi mo iningatan ang pangalan mo. Now, explain to me. But, we will wait for Mr. Arjay Tejada. " napalunok siya. Hanggang ngayon, hindi nya pa rin alam ang sasabihin sa dean nila. Natatakot siyang matanggal sa Westbridge sa oras na mapatunayang may affair sila ng teacher niya. Maari siya ma-expell sa kinasasangkutang gulo. O pwede ding hindi kapag may valid reason siyang sasabihin.

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon