Chapter 5: *His fling and Da bar*

5.4K 99 2
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 5: *His Fling and Da Bar*

" Ang bastos mo talaga! Bakit ka pa naging teacher kung ganyan ka kabastos?! " nanggagalaiting singhal ni Arianne kay Arjay na ngayon ay nasa pathway ng unibersidad na mag-isang naglalakad papunta sa admin's office. Pagkatapos ng klase, sinundan nya eto para kausapin dahil hindi nya talaga kinaya ang topic nila the whole time na nagkaklase sila. Tumayo ang mga balahibo nya sa katawan sa nararamdamang asiwa.

" Naging teacher ako dahil ginusto ko. Dahil nakapasa ako. Dahil may kakayahan ako sa pagturo. Kung kabastusan naman ang pag-uusapan, wala akong nakikitang bastos sa leksyon natin. Part yun ng subject na tinuturo ko kaya bago mo ako pagbintangan ng ganyan, siguraduhin mo munang may prove ka na bastos nga talaga yun, Ms. Flores. " ngumiti sa kanya si Arjay ng napakatamis at walang babalang hinawakan nito ang kanyang baba.

" Bastos! " tinapik naman nya agad ang kamay nito na nasa baba nya.

" You know what, lalo kang gumaganda kapag galit ka. Namumula ka. Keep it up! " ngisi nito tapos tinalikuran sya ni Arjay at tuluyan na etong pumasok sa Admin's office. Matatalim na tingin ang pinukol nya rito kahit hindi nakikita ng binatang guro. Alam nyang sinasagad talaga ni Arjay ang kanyang pasensya kaya iniinis talaga sya nito. Gumaganti din yata ang binatang guro sa kanya sa nagawa nya nun sa bar.

' Sige, gusto mo talaga ng laro. Di kita uurungan. Hindi ako basta susuko hanggat hindi ka nagkakagusto sa akin. May araw ka rin talaga na aalis ka na dito! Magpakasaya ka lang ngayon sa mga ginagawa mo dahil malapit na yang mawala! Hindi ka makakawala sa inosenteng pagmumukha na 'to! ' piping usal nya sa kanyang isip habang planado na ang mga gagawin nya sa guro. Sisiguraduhin nya talagang mahuhulog na eto sa kanyang patibong sa susunod nyang gagawin. Malakas ang loob niya na hindi magkakatotoo ang tinuran ni Pearl sa kanya na siya ang magkakagusto sa binatang guro. Alam na niya ang pangalawang gagawin dito para unti unting mahulog si Arjay sa kanya. This time, hindi sya sasablay.

Samantala, muntik nang bumigay si Arjay sa mga pinaggagawa nya kanina sa klase. Aminado syang attracted sya sa kanyang estudyanteng si Arianne Flores dahil tila bata eto kung kumilos at may pagkataklesa, in short cute eto sa kanyang paningin pero kapag pumasok sa utak nyang guro sya at estudyante nya 'to ay bumabalik ang katotohanang hindi pwede ang ganung nararamdaman sa propesyon nya. Dapat lagi nyang ilagay sa kanyang isip na mali ang magkaroon ng feelings towards his students. Pero kapag si Arianne ang nagpapakita ng motibo sa kanya, hindi maiwasang nawawala talaga sya sa kanyang katinuan. Lalo na kanina dun sa labas ng banyo, waring binubuhay ni Arianne ang kanyang katawang lupa na alam nyang hindi maaari. Hindi nya alam kung hanggang kelan nya makakayang kalabanin ang nararamdaman. At kapag nangyari yun, tiyak magtatagumpay si Arianne sa pinaplano nito sa kanya. Mahal nya ang pagtuturo kaya susubukan at pipilitin nyang kontrahin ang mga ginagawa ni Arianne sa kanya. Kanina lang umaga ay hindi nya talaga nakayanang matukso kaya nagawa nya yun. Nagawa nyang hawakan ang dibdib nito. Nagawa nyang i-blackmail ang dalaga. Pero sa nakikita nya, hindi lang dun natatapos ang lahat. Malakas ang kutob nyang may gagawin pang iba si Arianne.

Kinagabihan, dahil laman ng kanyang isip si Arianne ay napilitan syang magtungo sa bar kung saan una silang nagkita nito para kahit papaano mabawasan ang nararamdaman nya. Iinom lang sya ng konti at uuwi din agad para pagdating nya dun sa bahay niya ay matutulog na siya.

Hindi nya malilimutan ang gabi na yun na hinamak nito ang pagkalalaki nya at sinabihan sya nitong bakla. Gusto nya etong patulan pero hanggang salita lang ang ginawa nya. Pikon na pikon sya nun at nagalit ng husto. Hindi nya inaasahang may magsasabi ng ganun sa kanya. To think, makikita pa pala nya etong muli. Hindi sya nagtanim ng sama ng loob dito dahil alam niyang nakainom eto nung nagtalo sila kaya lang naungkat muli eto nung unang araw niya sa Westbridge College bilang Social Science teacher. He don't expect na dun pa niya eto ulit makikita.

" Hi Pogi! " napukaw ang malalim na pag-iisip niya nang may lumapit sa kanyang babae. " Nag-iisa ka. Gusto mo ba samahan kita? " hindi siya agad sumagot pero naisip nyang makakabuti sigurong patulan nya ang babaeng lumapit. Bakasakaling mawala ang atraksyon niya kay Arianne.

" Sige. " hindi na siya nagulat nung pinulupot nito ang kamay sa bewang niya. Dala na rin ng alak na ininom naging malikot na ang kanyang mga kamay at naging pilyo siya. Hinawakan niya eto sa mga maseselang parte ng katawan. Wala silang gaanong pag-uusap ng babae pero sapat na yun para magkaintindihan, hahalikan na niya sana ang babaeng ka-fling na may humablot dito na ikinagulat niya at ng babae.

" Malandi ka! Boyfriend ko yang nilalandi mo! Malandi! Layuan mo ang boyfriend ko! Malandi ka! " halos mapanganga siya sa kanyang nakita. Si Arianne ba talaga ang nakikita niya? Kitang kita nya kung paano humandusay ang babaeng kanina lang ay nakaupo sa lap nya ay ngayo'y nasa sahig at gulong gulo ang buhok dahil sa pagsabunot ni Arianne dito. Isang Arianne na nanggagalaiti ang nakikita niya sa kanyang harapan. Naguguluhan siya sa nangyayari. Sa gulat din ng babae ay hindi agad eto nakatayo at nakatingin lang sa nanlilisik na mga mata ni Arianne. " At ikaw? " baling nito sa kanya. " Manloloko ka! Akala ko, ako lang ang mahal mo pero ano 'to? Nakatalikod lang ako, may nilalandi ka na. Ang kapal ng mukha mo! " bulyaw ni Arianne sa kanya.

" Arianne, anong-- " isang malakas na sampal ang natanggap niya galing dito. Gulong gulo at gulat na gulat siya sa mga pinaggawa ni Arianne. Hindi niya maintindihan ang nangyayari at kung bakit ganun na lang ang ginagawa nito dun sa bar. Magsasalita pa sana siya pero agad din etong lumabas dun at naiwan siyang litong lito..

Naging eksena ang nangyari at nakatingin sa kanya ang mga tao roon. Naawa siya sa babaeng sinabunutan ni Arianne. Humingi siya dito ng paumanhin maging sa mga tao dun sa bar sa nagawa ng kanyang estudyante. Pagkatapos dun ay agad niyang hinabol si Arianne. Gusto niyang itanong kung bakit ganun na lang ginawa nito. Nagtataka rin siya kung bakit boyfriend ang pinagsasabi nito sa kanya.

" Arianne! " tawag niya pero tila bingi eto at hindi siya pinapansin ng dalaga. Patuloy lang eto sa paglalakad. Tumakbo siya. At nang maabutan niya eto ay agad niyang hinila si Arianne at tumigil sa paglalakad. " Bakit mo ginawa yun? " tiim bagang tanong niya.

" Bakit? Naudlot ko ba ang romansa nyong dalawa? Nakakabitin ano? " sarcastic nitong ganting tanong. Napailing na lang siya. Mukhang naiisip na niya kung bakit ginawa ni Arianne yun. Sinadya talaga yun nito para magkaroon ng eksena dun sa bar. Para ipahiya siya.

" Sa tingin mo ba ay naiinis ako sa ginawa mo? Uh-uh! Natuwa pa nga ako eh dahil napatunayan ko pang may gusto ka nga sa akin. " he gave Arianne a smirked. Natutuwa talaga siya kapag ganito sila, ang asaran scene nilang dalawa.

" What!? You're sick! " piglas nito.

" You heard me right. Ayaw ko naman talaga sa babae na yun, pinagbigyan ko lang. Pero since gumawa ka ng eksena, nawala siya nang hindi ako nahihirapan. You gave me a favor. Nice Arianne. " Arjay smiled. " Akala mo talaga magtatagumpay ka sa mga pinaggagawa mo? Ikaw lang ang mapapagod. "

" Talaga lang ha? Ano naman kung hindi mo gusto ang babae na yun. Atleast napahiya ka. At tanggalin mo sa utak mo na magkakagusto ako sa'yo, never akong magkakagusto sa'yo.. Tandaan mo yan! "

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. " Boyfriend pala ha! Mukhang magandang pakinggan.. Hanggang kelan mo kaya ako titigilan? Siguro kapag naging boyfriend mo na ako? Haha. Tutal mukhang yun naman talaga ang gusto mo eh.. " tumawa sya ng malakas para maasar si Arianne.

" Imposible! Titigil lang ako KAPAG IKAW ANG MAGKAKAGUSTO SA AKIN AT HINDI AKO! "

' Attracted ako sa'yo pero gusto? Mukhang hindi pa naman. ' sabi ng kanyang utak habang tinititigan ang estudyanteng dalaga.

" Well, malalaman din naman yan natin sa huli kung sino nga ang unang magkakagusto sa ating dalawa. " inakbayan niya ang dalaga at inakay papunta sa kung saan.

" Ano ba! Saan mo ako dadalhin! "

" Since, sinabi mong boyfriend mo ako dun sa bar, pangangatawanan na natin ngayong gabi. Kain tayo, nagugutom ako eh. " walang nagawa si Arianne nung inakay siya ni Arjay papunta sa isang restaurant para kumain.

** Raaainn's note: Huli ko na narealize na SPG pala eto at restricted. (^_____^)V So, sa mga minors, pasintabi lang ha?

ITUTULOY..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now