Chapter 10: *Sino nga ba si Grace?*

4.6K 96 2
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 10: *Sino nga ba si Grace?*

" Pwede ba, Arjay? Ganyan ka ba talaga? Ikaw na nga ang inaalala. Sinusungitan mo pa ako. " singhal ni Grace sa kanya nung nasa canteen na silang dalawa.

" Alam mo namang ayaw kong pumupunta ka dito e. Ang kulit mo talaga! Di ka nakikinig sa akin. "

" Hoy! Romualdo Jayson Tejada III, di porke hinahayaan kitang tinatawag mo akong Grace lang eh, pwede mo na ako ganyanin. Ate mo pa rin ako, Arjay. Kaya umayos ka dyan. " taas kilay pa nitong sambit. " Bakit ayaw mo akong papuntahin dito? May tinatago ka bang kalokohan dito, ha? " nilagay na lang niya ang hintuturo sa pagitan ng ilong niya at labi saka minamasdan ang kapatid na nanenermon sa kanya. Nakasanayan na kasing Grace lang ang tinatawag niya rito. Madami ang nagkakamaling girlfriend niya eto dahil di halatang matanda si Grace sa kanya ng ilang taon. At kung mag-usap sila ay parang hindi magkapatid. Para lang magsyotang hindi nagkakaunawaan.

" Wala akong ginagawang kalokohan dito. Tumigil ka nga dyan sa pagbintang ng kung anu ano. Mag-asawa ka na nga kesa ako ang kinukunsime mo.. Tss! Baka isipin ng mga tao eh, girlfriend kita lalo na kung maka-angkla ka eh daig mo pa ang sawa. " napa-Aray na lang siya ng binatukan siya nito.

" Loko 'to ah! Natural magkapatid tayo! Tayo na lang ang natitirang magka-mag-anak dito tapos di pa tayo magkasundo. Hay naku! " himig na pagtatampo na turan pa nito. Di naman niya natiis ang nakakatandang kapatid kaya nawala agad ang pagkainis niya sa babae.

" Okey, I'm sorry. Hindi lang kasi ako sanay na may bumibisita sa akin dito na babae. Okey, tara na. Kainin na natin ang pagkain na hinanda mo. Mukhang masarap ah! " bigla namang lumiwanag ang mukha ni Grace at agad niyang dinalutan ng pagkain si Arjay. Naging masaya ang tanghalian ni Arjay dahil sa masarap na inihanda na pagkain ng ate niya. Sawa na rin kasi sya ng pagkaing niluluto sa cafeteria.

**

" Arianne, kelan mo ba ako papahirapan ng ganito? Ang tagal ko ng nanliligaw sa'yo pero hindi mo pa rin ako sinasagot. " pangungulit na naman sa kanya ni Orly.

" Nakakalimutan mo 'ata, Orly. Matagal na kitang binasted. Ikaw lang naman ang nangungulit sa akin eh. " hinarangan ni Orly ang dinadaanan niya. " Ano ba,Orly! Nagmamadali ako kaya wag mo akong harangan. "

" Masyado kang pa-hard to get, Arianne! "

" Hindi ako nagpapa-hard to get, Orly. Talagang di lang kita gusto. May iba na akong gusto at hindi ikaw yun kaya tigilan mo na ako. " pagsisinungaling niya sa lalaki para tantanan na siya nito pero isang pagkakamali pala yun dahil nagalit pa si Orly sa sinabi niya.

" Sino? Yung Arjay Tejada na yun? Baka hindi mo na alam ko na inaakit mo si Sir Arjay. Minsan na kitang nakitang nakikipag-flirt sa kanya! Magkakagusto ka rin lang, sa teacher pa natin! Bakit hindi na lang ako ang gustuhin mo, Arianne. Di hamak na mas gwapo naman ako dun kesa sa kanya. " nagulat na lang siya nung hinawakan siya nito sa braso at hinila palapit sa kanya.

" Ano ba, Orly! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako! Wala kang pakialam sa ginagawa ko! Problema ko na yun! "

" Hindi! Hindi ako magpapakahirap na ligawan ka para lang mapunta sa guro yun! Hindi ako papayag. Akin ka lang, Arianne! Akin lang! Naiintindihan mo! Kahit kelan, hindi ka papakinabangan ng guro na yun. "

" O-Orly, pakiusap. Bitawan mo na ako. Nasasaktan ako. " nakaramdam siya ng takot sa mga kinikilos ni Orly. Natatakot siya sa maaari nitong gawin sa kanya.

" Ano ba meron ang guro na yun na wala ako? Para dun ka magkagusto? Ang katawan? Bakit? Malaki din naman ang katawan ko ah! May abs din ako. Ano? Sagutin mo ako, Arianne. " habang tumatagal ang pagkakahawak nito sa braso niya, dumidiin din ang mga kamay nito dun.

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat