Chapter 20: *Hero*

4.1K 79 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 20:

*Hero*

" Anyare sa'yo nung nasa bar tayo? Bigla ka na lang nawala. " natahimik sya. Hindi nya alam kung ano ang isasagot sa kaibigan. Kasalukuyan silang naghihintay kay Arjay. Social Science na kasi ang susunod nilang subject nang mga oras na yun.

" Ah, eh Pearl. " nag-iisip sya ng rason na pwedeng paniwalaan nito.

" Bakit ka ba nawala nun? May nangyari ba? " ulit ng kaibigan niya.

" Ah, eh. Wala naman. Biglang lang sumakit ang tiyan ko e. Nagmamadali na ako. Kaya hindi na ko nakapagpaalam sa inyo. Pasensya na, Pearl. Babawi na lang ako next time. " palihim siyang nag-cross finger na sana hindi mahalata nito na nagsisinungaling lang siya. Nahihiya syang aminin dito ang totoong nangyari. Nahihiyang syang ipagsabi na naka-one night stand nya ang guro nila sa soc.sci. Tiyak hindi eto maniniwala dahil alam ni Pearl na labis ang galit nya kay Arjay. Alam nitong hindi nya magagawang ibigay ang sarili ng ganun lang kadali kay Arjay.

" Ganun ba? Basta next time, magpaalam ka ha? Para hindi kami mag-alala sa kakahanap sa'yo.. Pinag-alala mo kami e. " tumango na lang si Arianne. " Absent ngayon si Sir Arjay. Sayang naman! " maya maya ay dinig niya na sambit ni Pearl.

Tiningnan nya eto ngunit saktong hindi naman nakatingin sa kanya si Pearl dahil nasa ibang direksyon ang mga mata nito. Hindi pa rin mawala sa isip ni Arianne ang nangyari. Ipinagtataka lang niya na imbes galit ang mangibabaw sa kanya, parang natutuwa pa siya sa nangyari. ' Bakit? Virginity ko ang pinag-uusapan dito. Bakit parang wala lang yun sa akin? Nakakainis! ' Ipinilig niya ang kanyang ulo upang alisin ang ganung pag-iisip.

Buong araw niyang hindi nakita ang lalaki. Ikinahinga nya yun ng maluwag. Ayaw nya pa etong makita. Kung maaari lang ay wag na nga nya etong makita pa dahil hindi nya kakayanin. Natatakot syang malaman ang sagot sa mga tanong nya.

" Oh, paano ba yan, Arianne. Uuwi na kami. Mauna na kami ha? " kumaway siya sa mga kaklase bilang paalam sa mga eto. Kelangan nya pa kasing magresearch kaya magpapalate sya ng uwi. May sasakyan pa naman kahit past 5pm na kaya hindi siya nag-aalala na gabihin sya ng uwi.

" Pagabi na ah? Di ka pa rin uuwi? " napalingon sya sa nagsalita.

" O-Orly? Anong ginagawa mo dito? " kinabahan siya nang makitang muli ang lalaki. Sariwa pa sa kanyang isip ang nangyari nung huli silang magkita.

" Namiss lang kita e. " lumapit ang lalaki sa kanya ng ilang hakbang, napaatras naman si Arianne.

" Wag kang lalapit! Hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo sa akin dati! " galit na sigaw nya. Nagkataon na umalis na ang librarian roon at sa kanya ipinagkatiwala ang library kaya mag-isa na lang siya roon. Natatakot sya na baka maulit uli ang nangyari. Paano kung walang tutulong sa kanya?

" Yanie, wag kang matakot. Promise, hindi na mauulit. " nakangiting turan nito habang patuloy eto sa paglalakad palapit kay Arianne. " Ako na lang kasi ang mahalin mo. Wag na ang teacher na yun! Please, Arianne. "

" Hindi kita gusto at kahit kelan hindi kita magugustuhan. Kung talagang gusto mo ako, tigilan mo na ako, Orly. Pakiusap. Ayaw kong magalit pa sa'yo. " wala na siyang maatrasan dahil nasukol na siya sa pader. Gusto nyang tumakbo. Gusto nyang tumakas pero parang hindi nya magawang tumakbo ng mabilis sa panginginig.

" SHIT! TALAGA BANG SI SIR ARJAY NA ANG MAHAL MO? KAYA AYAW MO SA AKIN! SHIT! BULLSHIT! WALA AKONG NAKIKITANG DAHILAN PARA SIYA ANG PILIIN MO SA AMING DALAWA! AKO ANG MAS DESERVE SA'YO! AKO! AKIN KA LANG, ARIANNE! AKIN! DI AKO PAPAYAG NA NGAYON, HINDI KA PA MAPASAAKIN! AT KAHIT SUMIGAW KA PA, WALA NG MAKAKARINIG SA'YO! " sigaw ni Orly. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at agad na sinunggaban ng halik si Arianne. Mapilit at mapusok ang halik nito na tila durugo ang labi nya sa ginagawa ng lalaki. Napaiyak na lang siya habang mapangahas siyang hinuhubaran ni Orly. Halos manghina na siya sa pagpigil sa lalaki. Kahit nakikita na nitong umiiyak siya, hindi pa rin eto tumigil. Talagang desperado eto na maangkin sya. Labis ang pagsisisi nyang nagtagal pa sya sa library.

" Mahal na mahal kita, Arianne. Mahal na mahal.. " bulong nito.

" Tama na, Orly. Pakiusap.. Itigil mo na 'to! " pinahiga sya ng lalaki sa sahig at agad na dinaganan. Naging bingi eto sa pakiusap niya. Panay na lang ang iyak nya habang nagpapakasawa eto sa paghalik sa leeg nya. " TULONG! TULUNGAN NYO AKO! TULONG! " nagbakasali sya na sana may tao pa. Na sana may makarinig sa kanya. Na sana.. andun si Arjay para tulungan siya. Si Arjay na palaging nandyan kapag napapahamak siya. Lalo siyang napaiyak dahil dun.

Humalakhak si Orly. " Arianne, wala ng tao dito. At kung umaasa kang nandito ang knight and shining armor mong guro, wala sya! Hindi sya pumasok ngayon! Kaya kung ako sa'yo. Eenjoy mo na lang ang gagawin natin. Sisiguraduhin kong masisiyahan ka sa mga gagawin ko at di ka magsisisi. Wooh! Ang tagal ko 'tong hinintay! " napahiyaw na lang sya ng pinunit na ni Orly ang uniform nya. Tumambad dito ang halos hubad nyang katawan. Kitang kita nya kung paano lalong natakam ang lalaki sa kanya. " Shit! Ang ganda mo talaga, Arianne! Mapapasaakin ka na rin sa wakas! " napapikit sya ng hinalikan sya uli ni Orly sa labi. Wala na syang lakas.. Naubos na ang enerhiya niya sa pagpupumiglas.

' Arjay.. ' bago siya tuluyang nawalan ng ulirat.

ITUTULOY..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon