Chapter 28: *Confirmed*

4.1K 82 4
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 28:

*Confirmed*

" What?! " tumango tumango si Pearl na ngumingiwi.

" Oo e. Nakita nya sa facebook. Hindi ko naman alam na iaaccept nya na ko kahapon e. " nakangiwi pa ring tugon ni Pearl sa kanya. Habang sya ay gulat na gulat.

" Ewan ko sa'yo.. " naiinis sya sa kadaldalan ng kaibigan.

" Uy, FYI Yhanie, hindi nya yun makikita kung hindi ka rin nagpost sa fb mo ng ganung larawan.. Kung hindi ka nagpapicture ng ganun.. " ngumuso na lang sya at itinuon ang atensyon sa laptop na kaharap nya na dala nya.

Hindi nya alam kung ano ang iisipin sa nakita ni Arjay tulad nang ibinalita ni Pearl sa kanya. Natatakot sya sa pwede mangyari. Hindi pa sya ready.

" Ano naman kung malaman nyang may anak na kayo? Tutal, ginawa nyo yan eh at alam ko naman, mahal ka niya kaya matutuwa sya kapag nalaman nyang may anak na kayo.. Oh di ba? Bongga yun. " talak pa ni Pearl sa kanya. Panay na lang ang pag-iling nya.

" Sige pa! Sige pa, Pearl. Kelangang ipagdiinan? Ang akin lang, baka kasi kunin nya sa akin si Arielle o di kaya hindi nya matanggap. Eh di ba galit nga sya sa akin.. Saka, baka wala naman syang iniisip na ganun.. " gusto na lang nyang ikibit balikat yun kahit ang totoo, nag-aalala sya. Ayaw nyang magulo na naman ang utak nya dahil kay Arjay. Lalo na ngayon, graduating na sya.

Nung nagbubuntis sya, kahit malaki ang tiyan nya ay nagpursige pa rin syang mag-aral at pumasok sa Westbridge. Wala syang paki sa mga naririnig at usap usapan ng ilan tungkol sa kanya. Ang mahalaga, makatapos sya. Hindi hadlang ang pagbubuntis niya upang hindi magpatuloy sa pag-aaral. Masaya sya na tinanggap pa rin sya ng pamilya nya sa kabila ng lahat at may tao pa ring naniniwala sa kanya. Yun ang mahalaga.. hindi ang sasabihin ng mga tao.

" Friend, wag kang nega! Okay? Ano ngayon kung hindi nya tanggapin? At kung kukunin nya naman ang inaanak ko, aba! Ibigay mo na! " nanlaki sya sa huling sinabi ni Pearl. Hinarap na niya eto at pinandilatan.

" Pearl!! " malakas nyang turan.

" Haha! Joke lang, Arianne! Syempre, ipaglaban mo ang karapatan mo. Ikaw ang ina e. Teka nga, bakit ba yan ang pinag-uusapan natin e, mukhang wala namang reaksyon si Sir dun sa sinabi ko e. Bigla na lang sya nag-log out. Saka mo na lang isipin kapag nandyan na.. " tumango na lang sya sa pagsang-ayon kay Pearl. Saka na lang nya poproblemahin yun kapag nagkita na nga sila ni Arjay at kapag nalaman na nito ang totoo. Sa ngayon, kay Arielle ang atensyon nya at sa pag-aaral nya. Mag-dadalawang buwan na eto sa susunod na linggo. May mga ilang features ng mukha ng bata na nakuha sa ama nitong si Arjay. Sa ilong at sa mata.

Dalawang buwan na lang at graduation na rin nya. Kahit mahirap ay nalagpasan naman nya ang lahat ng pagsubok sa buhay niya. At kasama nya ang mga magulang nya doon. Ngayon, running for Magna Cum Laude sya.. At ang lahat na nangmata sa kanya nung mga panahon down sya, eto ang ganti nya. Madaming humusga sa kanya nung nabuntis sya. Sabi ng ilan, karma nya yun dahil sa ginawa nya kay Arjay.. Para sa kanya, good karma yun. Umalis man si Arjay at lumayo, may natira naman sa kanya. Yun ang anak nilang si Arielle.

" Sana ma-maintain mo ang grades mo, Flores.. I am looking forward na ikaw talaga ang maging Magna ngayong taon. Labis mo akong pinahangga and i know you deserve that. " napangiti sya sa sinambit ng Dean sa kanya. Isang papuri yun na labis nyang ikinatuwang marinig.

" Salamat, Ma'am.. Asahan nyo po at pagbubutihan ko ang pag-aaral ko ng husto para sa anak ko at sa mga magulang ko.. " gumanti din ng ngiti ang dean sa kanya kaya nagpaalam na rin sya dito nang hindi maglaon.

Pagkalabas niya, sumalubong sa kanya si Pearl na humahangos. Mukhang tumakbo etong pumunta sa dean's office. Tinext nya kasi eto na kung hahanapin sya ng kaibigan, nasa dean's office lang sya. Pawisan eto at hapong hapo. Ibig nyang matawa sa mukha nito.

" Oh? Para kang hinabol ng sampung lalaki.. " hagikhik na bati nya kay Pearl. " Sampung lalaki na aso. Haha. " biro nya pero ngumiwi lang si Pearl sa kanya kaya tumaas ang kilay nya sa reaksyon nito. " Anyare sa'yo at ganyan ang mukha mo? "

" Andito sya.. " nahihingal pa eto habang sinasabi yun.

Medyo hindi nya pa eto naintindihan. Huli na nagsink in sa utak nya ang tinuran nito. " What?! Nagbibiro ka ba? "

" Oo! Nandito si Arjay at may bitbit pang maleta. Jusko, Arianne! Fresh from airport. Haggard! Hinahanap ka sa akin! Nasa gate sya ng Westbridge, hinihintay ka! " an 'O' curve of lips form in her lips. She gulped many times. Parang ang bilis. Kanina, kinekwento lang ni Pearl tapos ngayon, andito na eto. Kung talagang kakarating lang nito, bakit sya agad ang pinuntahan nito at hinanap. Kinabahan sya sa bigla.

" A-Anong sinabi mo sa kanya? "

" Sabi ko, hahanapin lang kita. " tinampal nya ang noo.

" Pahamak ka talaga, Pearl! " tinalikuran nya eto at patungo sa likod na bahagi ng building. Hindi pa sya handa para dito.

" Uyy, saan ka pupunta, Arianne? Hindi mo ba kakausapin si Sir? " dinig nyang sabi pa nito. Lalo syang nairita.

" Hindi. Uuwi na ako! Dyan ka na! "

" Pero Arianne.. " hindi na nya eto pinansin at patuloy na sya sa paglalakad. Natatakot syang makita eto.. ngayon.

Paliko na sya sa isang pasilyo nang may humigit sa kanya. Marahas sya nitong hinawakan sa braso. " Arjay? "

" Iniiwasan mo ba ako? " pumiglas sya at pilit kumakawala sa pagkakahawak nito.

" B-Bat naman kita iiwasan? " maang nyang tanong.

" Eh anong tawag dito? Tumatakas? Gusto kitang makausap pero dito ka nagpunta.. "

" Bitawan mo nga ako. Di ba galit ka sa akin? Kaya ka nga umalis, di ba? Tapos ngayon, gusto mo na akong kausapin. Hindi mo ako masisisi kung umiwas man ako sa'yo. "

" Tss. Arianne, matigas pa rin ang ulo mo hanggang ngayon. Akala ko, nagbago ka na.. " yamot na sabi nito saka hinila sya nito palapit dito at niyakap ng mahigpit. " Namiss pa naman kita.. " bulong pa ni Arjay na ipinagtaka nya. Galit eto sa kanya noon, di ba? Bakit parang wala lang dito ang nangyari?

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon