Chapter 16: *Ang Bulong.. Bow*

4.2K 87 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 16: *Ang Bulong.. Bow!*

-- Ano nga ba ang binulong ni Arjay? Halina at alamin natin. :D --

~~

Hindi matanggal sa mga labi ni Arjay ang ngiti kapag naaalala niya ang nangyari sa parking lot at sa labas ng bahay nito. Nag-iiba talaga ang pakiramdam niya kapag kasama ang babae kahit pigilan niya. Nawawala siya sa kanyang sarili kahit sabihin pa niya sa kanyang utak na mali.. na hindi pwede.

" Okey, Arjay. Masyado ka ng mapusok. Masyado mo ng nilalagpasan ang mga limits mo bilang guro ni Arianne Flores. Shit! Di ko aakalaing sa Westbridge pa ako magkakaganito at sa kanya pa talaga na alam kong may inis sa akin. Of all girls na lumapit sa akin at nagpakita ng motibo, kay Arianne pa talaga? "

" Alam ko kapag ganyan ang ngiti mo, Romualdo Jayson! Babae yan, ano? Di ba tama ako? " napangiwi na lang siya. Bakit pa siya magtataka? Lagi namang ganun si Grace. Kahit gabi, nagtatalak.. nanenermon.

" Daig mo pa ang nanay kung ikaw ay tumalak, Grace! Wag mo nga akong pakialaman diyan. Pagod ako. Saka pwede ba, wag mo na akong hintayin pag ganitong oras. Hindi na ako teenager. Guro na ako. Nakakairita kasi. Gabing gabi na pero nakadilat pa rin ang mata mo. Tsss. " iritableng sabi ni Arjay.

" Natural -- "

" Isa pa, wag na wag mo akong matawag na Romualdo Jayson diyan! Ang baho pakinggan! Kahit pangalan pa yan ni Papa, hindi bagay sa gaya ko. Pshh. "

" Aba't! Hoy -- "

" At one more thing, ano naman kung babae ang dahilan ng ngiti ko? Lalaki ako e. Magtaka ka na lang kung lalaki din ang pinagkakaabalahan ko. " mabilis na sagot ni Arjay.

" Walang -- "

" Shhh. Gabi na. Tama na ang talak huh? Baka pumangit ka. Ikaw din. Okey? "

" Rom -- "

" Goodnight, Grace. " tinalikuran niya eto at pinagsarhan ng pinto ng kanyang kwarto. Baka tatalak pa eto dun kapag nakapasok. Pinigilan niyang matawa sa mukha ng kanyang nakakatandang kapatid. Gustong gusto nitong magsalita pero hindi niya pinapatapos. Pagod na kasi siya at gusto na niyang magpahinga kaya ayaw na niyang pahabain ang usapan nila ng babae.

Naghubad siya ng damit at nagtungo sa banyo. Maliligo lang siya saglit at matutulog na rin pagkatapos.

" Alam kong bibigay ka din, Arianne. At dun ko din aaminin ang tunay kong nararamdaman sa'yo. " alam niyang hindi narinig nito ng maayos ang kanyang binulong nung nasa tapat ng bahay ng babae. Sinadya niya yun upang hindi marinig ni Arianne. Gusto niyang mag-isip eto kung ano ang binulong niya.

Pero may isang bagay na ikinababahala ng lalaki. Paano kung walang mangyari? Paano kung siya lang pala ang may pagtingin sa babae? Sa huli, hindi pa rin pala niya napawi ang inis nito sa kanya? Wala pa siyang naiisip na maari niyang gawin. Hindi pa niya alam. Natatakot na rin siya na baka tuluyan na talaga siyang mahulog kay Arianne.

" No! Gusto ko lang siya di ba? Maari pang mawala yun.. pero parang mahal ko na ata sya. " natampal niya ang kanyang noo. Past 1am na ng madaling araw pero heto siya't gising at inaalala ang nangyari sa kotse niya. Muntik na talagang may mangyari sa kanila. Paano kung may mangyari nga sa kanila? Ano ang kanyang gagawin? Baka mas lalong magalit eto sa kanya at iwasan siya.

Kinabukasan, hindi niya klase ang department nina Arianne kaya naman hindi niya eto nakita ng umaga. Naisip niyang mas mainam yun. Wala pa siyang mukhang maihaharap sa dalaga kahit nagsabi siya dito na hindi niya pinagsisisihan ang nangyari sa kanilang dalawa. Huli na niya naisip na mali ang kanyang ginawa.

" Sir Tejada! " napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa kanya. Halos ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang mangyari ang engkwentro nilang dalawa kaya hindi niya inaasahang eto pa mismo ang unang kakausap sa kanya.

" Orly, bakit? May kelangan ka? "

" Sir, hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari nung nakaraang araw. At kapag naaalala ko yun, nagngingitngit ako sa galit pero dahil teacher kita kaya naman papalampasin ko yun.. Pero, tandaan mo Sir Tejada. Oras na may makita akong hindi maganda sa'yo, hindi ako mangingiming ipaalis ka dito at ibalik ang ginawa mo sa akin ng araw na yun! "

Tumawa siya ng mahina. " I never expected na ang gaya mo na matalino ay pagbabantaan ako ng ganyan. Wala naman akong nakikitang mali sa ginawa kong pagtulong kay Arianne sa tangka mong pansamantala sa kanya kaya bakit galit na galit ka sa akin? Hindi ko nga inaasahang ganyan ka palang lalaki. Namimilit ng taong wala naman sa'yong gusto. "

Nakikita niya sa mga mata ni Orly ang galit nito sa kanya. Nakakuyom ang mga kamao na animo'y gusto sya nitong suntukin anumang oras.

" Gusto ko si Arianne. Gustong gusto! Kaya pwede ba, layuan mo siya. Lalaki ako kaya alam kong may pagtingin ka din sa kanya. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa'yo! Hindi kayo bagay! At kahit kelan, hindi kayo magiging pwede! "

" Oo, gusto ko nga siya. Hindi, mali pala. Mahal ko na si Arianne. Kahit dalawang buwan ko palang siyang nakikilala. Alam ko na mahal ko na siya. Orly, hindi ka Diyos para sabihan ako ng ganyan. Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na layuan ko siya. Wala kang karapatan na sabihin sa akin na hindi kami bagay dahil hindi ko kasalanang nauna akong ipinanganak sa kanya at naging guro ako at estudyante ko siya! I'm sorry, Orly pero hindi ko masusunod ang gusto mo na layuan ko ang babaeng mahal ko. "

--Orly VS Arjay. ;D

itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon