Trigger 34 - Unknown pain

7.4K 104 4
                                    

[Edited Ver.]


Unknown pain



Belle's PoV :

One week after..


I entered the entrance of BDA when I heard Demi and everyone's voice from the side.

Demi: "Congrats, Belle!"

Tiningnan ko si Demi na biglang pumalakpak at siya lang naman ang ganoon dahil tahimik ang iba. Nakita ko pa ngang nakasimangot si Kyoko at parang iniiwasang masalubong ang mata ko.

I stopped my track and faced her with my forehead knotted in confusion.

Belle: "What are you saying?"

Demi: "Sus! Alam na namin na may boyfriend ka na ngayon! Kaya kino-congrats kita. Dalaga na si--"

Belle: "Wanna see blood?"

Biglang nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagkunot na parang nagtataka talaga sa inasal ko. She even folded her arms on her chest.

Demi: "Bakit parang hindi ka naman masaya? May love life ka, tapos hindi ka happy? Wow, dearest. You are weird."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nilagpasan ko sila. Mabilis akong naglakad papuntang office ni Boss dahil may sasabihin lang ako. Wala akong ganang lumabas sa totoo lang, pero kailangan ko rin naman sabihin ang sasabihin ko dahil urgent at importante iyon.

Ngayong nasabi iyon ni Demi, naalala ko tuloy ang nangyari noong nakaraang linggo.



Matapos kong kausapin ang isang kaibigan, bumalik na agad ako sa puntod ni Papa at mag-aayos pa ako ng mga binaon kong pagkain para sa amin ni Therbie. Magaan na ang loob ko ngayon at naka-set na rin ang plano sa utak ko, mas lalong naging kongkreto ang plano ko sa narinig ko sa tumawag kanina. It's an important call and i've been waiting for that for a few days now. Mabuti naman at hindi natagalan.

Noong nakarating ako sa puntod, imbes na si Therbie ang maabutan ko ay ibang tao ang nakita ko doon. May hawak siyang gitara at may bouquet ng bulakblak pang nakalatag sa blanket na inilatag ko kanina. He's smiling and I was just in awe and a bit surprised to see him here.

Nilapitan ko si Joseph at tatanungin ko sana siya pero bigla niyang ini-strum ang gitara at ang pamilyar na tugtog ang narinig ko. Mas nagulat ako noong buong puso at seryoso niyang kinanta ang 'truly, madly, deeply' habang nakatitig sa mga mata ko. 

I was just watching him until he finished the song. Lumapit siya sa akin at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at napamulagat ako noong lumuhod siya sa harapan ko. Niluhod niya ang kaliwang tuhod niya at tiningala ako.

Joseph: "B-belle.. s-sorry kung naistorbo kita sa pagdalaw mo sa Papa mo. Pero itong sasabihin ko kasi hindi na makakapaghintay."

Nakikita ko mula sa pagkakatayo ko na parang hindi siya mapakali at aligaga siya. He's also nervous, his lips shaking when he's smiling.

Binigay niya ang bulaklak na kinuha niya sa blanket, tinanggap ko naman iyon at hindi katulad ng gulat ko, naging kalmado na ako at pinilit kong ngumiti kahit na hindi ko naman intensyon.

Belle: "W-what is this for, Joseph?"

Joseph: "B-belle, g-gusto ko sanang sabihin sa'yo na.. I like you. I think, in love na nga ako eh. Will you let me be your boyfriend?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon