Chapter 25

129K 1.5K 154
                                    

Chapter 25

Nilapag ko na sa isang malaking mesa yung mga pagkain na niluto ko para sa kanila. Tamang-tama ito kapag dumating na sina Zeke. Sigurado naman gutom na rin ang mga yun dahil mahaba ang byahe papunta dito.

Hindi ko na iniisip yung nangyari sa kanila ni Mela. Ang mabuting asawa, hinihintay ang explanation ng asawa nya bago mag-conclude ng mga pangyayari. Nadala lang ako sa galit dahil ng nakita ko. Pero naalala ko yung pangako ni Zeke sakin na hindi na sya mamba-babae.

Alam kong may explanation si Zeke sakin. Trust lang ang kailangan ko. At yun naman talaga ang isa sa mahahalagang bagay na dapat meron sa isang relasyon di ba? Hindi lang sapat ang pagmamahal. Kailangan ng trust at ang sunod dun kailangan nyo rin mag-usap. Hindi maganda na pang habang buhay mong itatago kung ano ang nandyan sa dibdib mo. Mas magiging maayos ang relasyon kung magiging open kayo sa isa’t isa. At ngayong araw na ring ito, sasabihin ko na sa kanya ang tungkol sa karamdaman ko. Na sana.. kahit anong mangyari ay matanggap nya.

"Masyado ka atang masaya dyan?" Napatingin ako sa nagsalita. "Oh ano?" Sabi pa nyang muli. Seryoso naman akong humarap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bakit? Hindi ba ako invited?"

"Sa pagkakaalam ko, hindi kita tinawagan na pumunta dito, Pam."

"Ohh well, ganun pala.." Tiningnan nya yung mga pagkain na inihanda ko. "Sa tingin mo ba mas masarap ka ng magluto kaysa sakin Maff?" She smirked. I remained speechless.. Napayuko na lang ako.. "Gusto mo turuan kita? Alam mo na ba kung ano ang mga paborito ni Zeke? O baka naman hanggang ngayon may hipon pa dyan sa niluto mo? Allergic si Zeke dun.. So, gusto mo ba ulit magpaturo sa IDOL mo Maff?"

"You.. you bitch!" Pupuntahan ko sya para sabunutan pero may hinugot sya sa likod nya kaya napatigil ako.

"Aha? Don’t go near me.." She said then smiled. Nakatutok sakin ang baril na hawak-hawak nya.

"P-pam.. anong ginagawa mo?"

"Alam mo, sawang-sawa na ako sa mga ganitong eksena sa pelikula. Kung hindi magiging akin si Zeke, hindi ko naman hahayaan na mapunta sya sa iba."

"Pam, w-wag ang baby ko ohh.." Hinawakan ko yung tyan ko. Ang baby ko..

"Go to hell Maff!" Sigaw nya.

BAAAAAAAAAANNNNGGGG!!!

Narinig ko na lang syang tumatawa habang napahiga ako sa sahig.

"Ang baby ko!!" Hagulgol ko. Madaming dugo ang nawawala... Nahihirapan na akong huminga.. Ito na ata ang katapusan ko..

"Zeke." Sabi ko bago ako mawalan ng malay.

"LOVEY!" Iminulat ko ang mga mata ko.

"Ano ka ba? Bakit dito ka sa labas natutulog? Sorry, natagalan ba ako?" Hinalikan nya ako pisngi at saka biglang niyakap.

"Salamat.. salamat naman at ayos ka." Napahawak ako sa tyan ko. Walang dugo. Panaginip?

Panaginip lang ang lahat? Akala ko naman totoo na.  Salamat at panaginip lang ang lahat ng yun.

"Zeke kain ka muna. Ang dami kong niluto oh." Binigyan ko sya ng plato.

"Hmmmm.. Mukhang masarap yan ahh.." Pinipilit nyang ngumiti. Alam kong fake lang ang ngiti nyang yun. “Papunta na din sina Vince dito. May dinaanan lang.”

"Ganun ba?” Ibinaba naman nya yung platong ibinigay ko sa kanya at tumingin sakin ng seryoso.

"We need to talk Maff."

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon