Chapter 6

154K 2K 116
                                    

Chapter 6

 

Tuwang tuwa si Aira kasi pinayagan na ako ni daddy magkaroon ng kotse. Alam nya na matagal ko na yung gusto eh. At syempre natuwa talaga sya kasi hindi na namin kailangan bumyahe kapag pupunta kami ng mall. Minsan nga abuso na ang gaga! Kailangan talaga daanan ko sya sa bahay nila bago kami gumala!

“It’s been two weeks since nagkaron ka ng car. Hindi mo man lang ba nami-miss sumakay sa kotse ng asawa mo?” Tanong ni Aira.

“Hindi ano! Bakit ko naman mami-miss sumakay dun sa kotse ng mokong na yun?”

“Suussss!” Sabi nya na nang-aasar. “Nga pala, ano kaya kung gumimik tayo later?”

“Sure! Tagal ko na ding hindi nakaka gimik. Nakaka-miss din yun.”

“Siguro ito na yung time para magka-boylet na din ako! Excited na ako!” Tinawanan ko lang sya. Luka luka talaga si Aira! Hindi yan nagbo-boyfriend. Pero wag ka! Dakilang flirt! Hindi lang talaga siya pumapasok sa isang relasyon.

 

"Oh my gosh, nagpapasikat yung iba dyan. Di ba?" Tumingin si classmate 1 kay classmate 2.

 

"Yeah right. Nagdala ng sasakyan para makaagaw ng pansin sa mga boys. Ugh!” Sabi ni classmate 2.

Nainis naman si Aira sa mga kaklase namin na nagpaparinig sakin kaya nagparinig din sya.

“Ang daming inggitera sa mundo. Palibhasa hindi afford bumili ng sariling sasakyan kaya naninira na lang. Hay. Mga kawawang nilalang.” Sabi ni Aira na umiiling-iling pa.

Nag-crossed arms na lang yung dalawa naming kaklase at padabog na umupo. Hindi ko na naman sila pinansin. Ang dami kasing insecure sa mga kaklase ko. Hindi ako gusto ng iba kong kaklase simula nang maging boyfriend ko si Brian. Sikat kasi yun sa engineering department tapos nanalo pang Mr. Engineering last year. At siguro kaya mas lalong napanindigan nya ang magtaksil sakin kasi mas sumikat sya after nya manalo. Hindi naman alam ng iba na wala na kami ni Brian. Bahala sila sa iisipin nila! Wala naman akong pakialam sa kanila. Kung ayaw nila sakin edi fine! Hindi naman ako nabubuhay para sa kanila eh.

Pagkatapos namin kumuha ng exam sa second subject namin na pang Thursday ay may two hours break pa kami kaya pumunta kami sa gym ni Aira. Papanuorin daw nya yung crush nya sa basketball team ng school. First time ko manuod ng practice game nila. First time ko rin talagang makikita ang mga players. Masyado akong nag-focus dati kay Brian kaya tuloy hindi ko na alam ang mga nangyayring event sa school.

“Go Raffy!” Sigaw ni Aira habang nag di-dribble yung Raffy ng bola. Nag-wink naman sa kanya yung guy saka nag-shoot.

“Waaaah! Kinindatan nya ako! Kita mo ba yun?!” Aira.

“Oo kitang kita ko ang kalandian mo.” Tinapik naman niya ang balikat ko.

“Baliw! Hay naku, gusto ko na talaga si Raffy!” Sabi niya habang kinikilig.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon