Chapter 17

120K 1.5K 96
                                    

Chapter 17

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos ko sa hospital. Hindi ko na hinintay si Zeke kaya nag-byahe na lang ako pauwi. Nakakainis yung Zeke na yun! Sabi nya mabilis lang daw sya pero hindi na naman nya ako binalikan! Nag-text na lang ako sa kanya na nasa bahay na ako.

Kanina pa nga ako dito sa kwarto. Nagmumukmok na talaga ako sa kakaisip kung saan pumunta si Zeke. Baka mamaya kasama na naman nya si ate Pam. Nakakainis naman! Siguro dapat sinasanay ko na ang sarili ko na wag siyang tawaging ate. Halata naman na gusto nya si Zeke di ba? Nakakainis na pinagmumukha nya akong tanga.

Bumukas naman yung pinto ng kwarto ko..

“Hey..” Walang ganang bati nya sakin. Para syang may problema.

“Bat ganyan ang mukha mo? May problema ba?” Umiling naman sya.

“Kamusta ang result ng mga test mo?”

“I told you I’m perfectly fine. Mas malakas pa ako sa kalabaw!” Sabi ko sabay belat sa kanya.

“That’s good. Magpapahinga na ako. Hindi na ako kakain mamaya.” Sinuklay nya ang buhok ko gamit ang mga daliri nya sa kamay saka ako hinalikan sa noo. Lumabas na sya ng kwarto ko. Bakit pakiramdam ko may problema sya? Hindi ko na lang siya masyadong inintindi kasi baka pagod lang sya. Nangako nga siya na may chocolate ako sa kanya pero mukhang nakalimutan na nya.

At dumating na yung gabi na makikita ko na naman ang nakakainis na mukha ni Pam. Ito na yung araw na yun! Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya naging ganito pero nakakainis na talaga sya. Naaalala ko pa yung gabi na naghalikan sila ng asawa ko sa Boracay at yung kung paano siya dumikit sa asawa ko. Nakakainis lang!

Formal dinner daw ito kaya nag-suot ako nang maayos na damit. Kinulot ko pa ang ilalim ng buhok ko at nag-apply ng light make up. Natuwa naman ako sa itsura ko ngayong gabi kasi ngayon lang ulit ako nakapag-suot nang ganito. Dati kasi malimit akong pinapasama ni daddy sa mga formal events na pinupuntahan nya.

"Napakaganda mo, hija." Sabi ni yaya na kanina pa palang nanunuod sakin.

"Syempre naman po. Hahaha!" Sabi ko at saka siya biglang niyakap. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko.

"M-may problema ka ba hija?"

"Wala po.. gusto ko lang kayong yakapin."

"Kaw talagang bata ka. Sige na. Nasa baba na si Zeke.” Excited naman akong bumaba. Talagang nagpaganda pa ako para sa kanya. Nagulat ako nang makita sya. Omo! Ang gwapo ng asawa ko. Naka-gel pa ang buhok nya.

“Gwapo Alert! Gwapo Alert!” Pagbibiro ko nang makita sya.

“Bolera Alert! Bolera Alert!” Sabi nya saka tumawa. Lumapit naman sya sakin at hinalikan ako sa noo. “Ang ganda ng asawa ko.” Inamoy din nya ang buhok ko na palagi nyang ginagawa sakin. Hindi ko tuloy maiwasan ang kiligin!

Pumunta na kami sa isang high class restaurant. Pagkapasok namin doon ay pumunta na kami sa table na naka-reserve saming apat. Nandun na si Vince and Pam. Nagulat nga ako nang hindi sila magkatabi sa upuan. Umupo si Zeke sa tabi ni Pam! Wow! Perfect! Sila ba yung couple? I rolled my eyes at tumabi na lang kay Vince. Magkatabi ang asawa ko at ex-girlfriend nya. How great!

“Um-order na kami ni Vince ng food. I hope okay lang sa inyo.” Sabi ni Pam.

“It’s okay.” Sagot ni Zeke. Mabilis na naihanda ang mga pagkain sa table namin. Nilagyan na din kaming lahat ng red wine ng waiter.

Napansin ko na nakatingin sa damit ko si Pam. Ano na namang problema nya?

“Do I look pretty, Zeke?” Nagulat naman ako sa tanong nya! What the hell?! Alam nya ba yung salitang hiya? Parang hindi nya ata alam eh.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon