Chapter 15

131K 1.6K 125
                                    

Chapter 15

 

Naghanda kami ni Zeke ng madaming pagkain kasi dadating mamaya yung mga high school friends nya. Bumili naman sya ng mga alak para mapalamig na agad sa loob ng ref. At nang ready na ang lahat ay naupo na lang kami sa living room. Kiniliti ko yung baywang nya kaya agad syang lumayo. Haha! Ang bilis pala nyang makiliti!

Sinundan ko naman sya pero tumakbo sya papunta sa kusina. Nag-ikutan pa kami sa dining table.

“Ano ba Maff! Wag mo nga akong habulin!” Sabi nya.

“Hindi naman kita hahabulin kung hindi ka naman tumatakbo eh!”

“Paano ako hindi tatakbo eh hinahabol mo nga ako!”

“Wag ka naman kasing tumakbo!”

“Wag mo akong kilitiin!” Sabi nya pero tumakbo lang ako palapit sa kanya. Bumalik na naman sya sa living room kaya naabutan ko sya! Bwahahaha! Lagot ‘to sakin! Kiniliti ko sya ng kiniliti at tawa naman siya ng tawa. Hahaha! 

"Hahaha! Ano ba Mafelle! Hahaha— Wag.. Hahah! Aaaah! Ang kulit naman eh! Hahaha!” Napahiga na nga sya sa sahig sa sobrang kiliti eh! Hahaha! Nakakatawa naman yung mukha nya!

“Isa!” Suway nya sakin.

“Dalawa tatlo!” Sabi ko naman. Tapos tinuloy ko na ulit ang pagkiliti sa kanya. Hahaha! Patay ka sakin! 

"Hahaha!— Ano ba! Wag naman kasi—“ 

"Ang weak mo pala sa ganito eh!” Mangiyak ngiyak na kaming dalawa sa sobrang tawa. Pareho na ngang namumula yung mga mukha namin. Hindi ko mapigilan yung tawa ko kasi imagine nyo naman ha?

THE OH SO GOOD LOOKING EZEKIEL DELA CRUZ, gumugulong sa sahig dahil sa kiliti!

Patuloy lang ako sa pangingiliti sa kanya.. 

"Hahaha! Ano ba! Tsk naman! Hahah! Tama na nga sabi Mela! Hahaha!" Napatigil ako sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko? Tumayo naman sya at inayos nya yung damit nya.

“Sinong Mela?”

“Ang sabi ko Maff hindi Mela.” Narinig talaga ng dalawang tenga ko. Hindi pangalan ko ang binanggit nya. 

“Pero narinig ko talaga.”

Bigla na lang may kumatok sa pintuan kaya si Zeke na yung nagbukas. Psh! Umiiwas lang sya sa topic eh! Sino ba kasi yung Mela? Ibang babae ang nabanggit ng asawa ko!

“Tol!” Nakipag-high five siya kay Zeke. Siya yung isa sa mga high school friends ni Zeke na pupunta mamaya dito samin.

“Oh, Kurt. Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah?” Tumingin si Zeke sa relo nya. Yun namang Kurt ay tumingin sakin at saka ngumiti.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon