Chapter 9

148K 2K 158
                                    

Chapter 9

 

“Kinikilig ako sis! Karirin mo na si papa Zeke ha? Ang swerte mo talaga oh. Para kang may asawang celebrity!”

“Pwede ba Aira? Hayan ka na naman sa mga kalokohan mo!”

“Ang sweet nyo kaya! Hinatid ka pa dito sa classroom oh! Basta bet na bet ko sya. Good vibes ako sa kanya eh.” Akala ko nga tapos na siya sa pagsasalita may pahabol pa pala. "Gusto ko si Zeke para sayo pero bet ko din naman kung si Vince. Kaso married ka na kaya kay papa Zeke ka na lang."

“Luka lukang ito! Pati si Vince nadamay?"

"Alam mo naman ako sis, may pagka-lahing manghuhula. Alam mo naman na hindi pa pumapalpak mga kutob ko sayo di ba?"

"Hindi naman kutob yan eh! Kalandian!"

Ang daming pinagawa samin ng mga professors! Yung unang subject eh nag-report si Aira tapos si ma’am yung nagbigay ng quiz. Unexpected nga eh kahit si Aira hindi alam na magkakaroon ng quiz! Kakainis. Hindi ko pa naman masyado maintindihan ang way nang pagre-report ni Aira sa unahan. Buti pa sya, exempted kasi siya yung reporter. Yung next subject naman ay pinapunta kami sa library at pinag-research. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat! Ang maghanap sa book ng mga sagot! Tapos kailangan pa ipasa agad after ng period na yun.

Inayos ko na agad yung gamit ko five minutes bago kami maglabasan. Waaaah! Gutom na gutom na talaga ako!! Nang magpaalam na si ma’am ay agad akong tumayo para lumabas. Gusto ko na umuwi sa bahay at magpahanda ng pagkain kay yaya. Pero paglabas ko ng pinto ng classroom namin ay nakatayo dun si Vince. Nakasandal siya sa wall habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon nya. 

"Oh, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko agad nang makita nya ako.

"Gusto sana kitang yayain sa labas eh. Kain tayo?" Wow! Pinuntahan nya talaga ako dito para lang yayain lumabas? Saktong nagugutom pa naman ako! Pero bigla ko naalala na sabay nga pala kami ni Zeke. 

"Hindi kasi ako pwede ngayon eh.."

"Bakit? May pupuntahan ka ba?"

"Ahh.. Wala naman. May gagawin lang ako sa bahay."

"Ihahatid na lang kita sa bahay nyo."

"Hindi na. Okay lang naman. Kasabay ko si Zeke."

“Ah sige, hatid na lang kita sa parking lot.”

“Sige. Pero wait lang ha? Pupunta lang ako sa restroom!”

Ginawa ko naman yung dapat ko gawin dun tapos tumingin ako sa salamin. Nag-apply lang ako ng kaunting powder sa mukha ko saka sinuklay ang buhok ko.

 

“Hindi ah.. Cute nga eh.”

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon