Chapter 12

135K 1.9K 106
  • Dedicated kay all my readers :)
                                    

Chapter 12

 

Nandito na naman ako sa restaurant ni ate Pam. Gusto raw nya akong makita ngayon dahil wala si Vince pero mamaya ay pupunta na rin daw yun dito. Ang sweet nya sakin di ba? Nakakatuwa naman sya. At dahil sa curiosity ko ay natanong ko sa kanya yung tungkol sa edad nya. 

"Ahhh ate Pam, di ba isang taon ang tanda mo sakin? Kasi ganun din si Vince. Paano ka naging ate ni Vince?" 

"Hahaha! Napansin mo pala ang bagay na yun?" 

"Syempre naman!” Ngiting ngiting sabi ko sa kanya.

"Because we're twins.”

Kambal pala sila?! Waaaah! Ang cute nila! First time ko magkaroon ng friends na kambal! Yung isa ay babae at ang isa ay lalaki. Nalaman ko rin sa kanya na mas matanda siya sa kapatid nya ng 11 minutes kaya naman ate ang tawag ni Vince sa kanya. Ngayon ko lang din nalaman na kaya pala chef na sya ngayon kasi accelerated sya. Nasa kalagitnaan siya ng second year high school noon nang pinakuha sya ng acceleration test. At yun nga, dahil sa sobrang talino nya ay nag-college na sya agad. Sa ibang bansa na sya kumuha ng Culinary. Ang galing naman! Maganda na, matalino pa!

Tinuturuan na nya ako mag-bake ng special cookies nya. Inilista na nya yung mga ingredients na kailangan para sakin. Kailangan ko na lang talaga matutunan yung tamang way sa paggawa. Waaa! Sana naging ate ko na lang talaga sya!

"May boyfriend ka na ba?"  Tanong nya habang kinakain na namin yung natapos namin na cookies.

“Ahh ehh..” Ano bang dapat kong sabihin? Akala ko nasabi na sa kanya ni Vince na may asawa na ako pero hindi naman pala. Wew! Sasabihin ko kaya sa kanya?  

"Looks like meron na. Kawawa naman yung kapatid ko. Ang bagal kasi. Haha!" Wala naman akong masabi kaya tumahimik na lang ako. At isa pa, puno yung bibig ko nung tinapay! Haha!

“Sayang, gusto talaga kita for Vince. Sino ba yang boyfriend mo? Pakilala mo naman sakin." Gusto ko tuloy ipakilala si Zeke kay ate Pam. Hmm. Teka, wag na lang pala! Ang ganda kasi ni ate eh baka pag nakita ng magaling kong asawa ay makalimutan nya yung pangako nya sakin na hindi na sya mamba-babae. Waaah! Hindi pwede yun!

Hay, ang engot ko talaga! Ang sama naman na wala akong tiwala sa asawa ko. Nangako nga sya di ba? Aish! Sige na nga! Ipapakilala ko na si Zeke.

"Sige ate.”

Dumating naman bigla si Vince kaya nagpaalam na ako sa kanila. Nagsabi na ako kay Zeke na kailangan ko rin lumayo kay Vince. Ayoko naman na magkagalit pa kami dahil dun. Kung maaari ay iiwas na lang ako sa gulo. Pupuntahan ko na lang si Zeke at baka wala pa sa bahay yung mokong na yun eh. Pag yun talaga nambabae eh lagot sya sakin! Kuh!

Wala naman silang training ngayon dahil bukas na yung unang laban nila ng basketball. Kailangan nasa kundisyon ang katawan ng buong players bago maglaro. Alam ko naman na mananalo ang Alshin ano! Ang galing kaya ng players namin! Haha!

Nang makarating na ako sa bahay..

"Zeke!" Tawag ko sa kanya sabay talon sa kama nyang malambot. Ang daya talaga! Mas malambot at mas maganda yung kama nya sakin. 

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon