Chapter 14

127K 1.6K 92
                                    

Chapter 14

May kinausap kanina si Zeke na mga tao sa labas ng rest house namin. Pati ba naman dito sa Boracay eh madami pa rin syang kilala? Mga high school friends daw nila yung kanina at napag-usapan nila na mag-get together bukas ng gabi. Ang tagal na raw nilang hindi nagkikita tapos unexpected pa. Natuwa naman ako dahil may makikilala akong mga kaibigan ni Zeke. Wala pa kasi siyang pinapakilala sakin.

Wala akong magawa kaya naisipan kong ipag-bake na lang sya ng tinuro sakin ni ate Pam na cookies. Nasa akin naman yung mga tamang recipes. Kailangan ko na lang talaga eh magawa nang maayos.

Hinanda ko na yung mga ingredients pero may kulang pa. Naku! May dinala ba kaming itlog?

"Zeke! San ba may itlog?"  Sigaw ko sa kanya. Nasa living room kasi sya.

"Meron ako dito!" 

"Pupunta ako dyan!” Pumunta naman ako sa kanya tapos yung mokong ay nakangiti sakin nang nakakaloko habang naka de quatro yung paa.

“Anong nginingiti mo dyan? Nasan na yung itlog?” Inilahad ko yung kamay ko sa harap nya.

"Lovey naman. Di ba may itlog talaga ako?" Ano daw? Hindi ko nagets eh.

 

1%....10%..............30%...................................60%..................80%........90%..............100% 

"Baliw ka talaga!" Binatukan ko sya pero tawa lang sya ng tawa. Grrr! Pumunta na lang ulit ako sa kitchen. Nakakainis! Ibang itlog pala yung sinasabi nya!

“Nasa ref! Maghanap ka kasi! Inilagay ko na dyan kanina!” Sigaw ni Zeke. Binuksan ko naman yung ref at ang dami palang itlog dito. Dapat kasi naghahanap muna ako bago magtanong!

Pagkatapos ng isang oras ay nagawa ko na rin yung cookies. Ang bango pa nito at mainit. Nilagay ko na ito nang maayos sa pinggan pati nagtimpla na rin ako ng juice.

“Gutom na ako!” Sigaw ni Zeke na nasa living room. Nanunuod sya ng movie sa HBO.

"Wait! Papunta na ako dyan!” Tinikman ko muna yung cookie at pareho naman sa ginawa ni ate Pam. Yes! Nakuha ko agad!

“Ito na ho kamahalan.” 

"Ang tagal naman." Pero kumuha na siya agad nung cookies. Pinapanuod ko lang siya sa pagnguya nya. Hinihintay ko kung masasarapan ba sya o ano sa ginawa ko. Nakatingin lang naman siya sa tv habang kinakain yung cookie.

Nakangiti lang ako sa kanya pero bigla siyang natigilan. Tumingin siya sakin na may halong pagtataka. Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa kamay para itayo.

“Saan mo nakuha ang tinapay na ‘to?!”

“A-ako ang gumawa nyan. Di ba nagbe-bake ako kanina. Bakit? H-hindi ba masarap?” Tinanggal naman nya ang pagkakahawak sa kamay ko at napahawak sya sa noo nya na para bang sumasakit ito.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon