Chapter 10

144K 1.8K 98
                                    

Chapter 10

 

"Sige lang! Tawanan mo pa ako!" Sabi ko pagkatapos uminom sa orange juice na hawak ko. Nasa loob kami ng cafeteria ni Aira. Tinatawanan ako ng gaga dahil daw ng itsura ko. Ano bang magagawa ko kung halos mabaliw baliw na ako kakaisip sa nangyari kagabi.

Hello? DALAWANG LALAKI ANG NAGPAPAGULO NG ISIPAN KO! Nagseselos si Zeke kay Vince? Si Vince may gusto sakin? Aaaaah! Nakakabaliw!  

"Ang swerte mo sis ha? May asawa ka na ng lagay na yan pero mala-Rapunzel ang buhok mo!" Sabay kuha dun sa natitirang donut ko. Lechugas naman! Kinuha pa eh iisa na nga lang!

“Mababaliw na talaga ako, Aira!”

“Ano ba ang mas pinag-isipan mo kagabi? Yung pag-amin ni Vince o yung pagsasabi ni Zeke na nagseselos sya?” Napaisip ako. Ano nga ba? Hm..

“Yung.. yung kay Zeke.” 

"You know why? Kasi you like Zeke." Sabi nya habang kumakain pa ng kung ano man yun. 

"Gusto agad? Hindi ano! Yun lang yung mas inisip ko kasi hindi ako makapaniwala! Imagine? Yung Zeke na yun magkakagusto sakin eh para kaming aso’t pusa nun eh!”

“Alam mo yung salitang ‘na-develop’? Yun lang yun eh!”

“Basta imposible! Alam mo naman yung taong yun di ba? N-nangtitrip lang yun!”

“Hay, bahala ka nga sa kung ano ang gusto mo isipin.” Sabi nya sabay irap. Dumating naman si Vince samin na may nagaalalang mukha.

“Hello Vince!” Sabi ni Aira saka naglahad ng kamay. “I’m Aira. Bestfriend ni Mafelle.” Nakipag-kamay naman si Vince.

“Vince.”

“Kilala na kita ano! Wow, ang lambot ng kamay mo!” Kinikilig na sabi ng baliw kong bestfriend kaya kinurot ko yung tagiliran nya.

“Aray!”

“Pagpasensyahan mo na lang sya. Sadyang ganyan yan pero mabait naman.”

“Mukhang kailangan nyo atang mag-usap na dalawa ah? Sige, iwan ko muna kayo! Ayiieee!” Tapos umalis na sya. Tama ba naman akong iwanan ng gagang yun?! Kanina lang si Zeke yung inaasar sakin tapos ngayon naman si Vince!

Umupo si Vince sa tabi ko. “What happened last night? Okay ka na ba?”

“Okay naman ako. Kalimutan mo na lang yung kagabi. Wala namang nangyari saking masama eh.”

“Sure ka ha? Hindi ka ba nya sinasaktan?”

“No.” Agad kong nasabi. “Hindi ganun si Zeke.” Hindi naman sinasadya ni Zeke na masaktan yung kamay ko kagabi. Hindi nya alam na mahigpit na pala talaga yung pagkakahawak nya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit parang pinagtatanggol ko sya ngayon.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon