Chapter 18

122K 1.5K 141
                                    

Chapter 18

Wow! One week na ang nakakalipas na hindi kami masyado nag-uusap ni Zeke. Parati siyang wala sa bahay. Gabi na sya umuuwi at kung minsan pa ay madaling araw. I don’t have the strength to ask him kung saan siya pumupunta kasi natatakot ako sa isasagot nya. Malakas ang pakiramdam ko na sa KANYA. Dahil parating wala si Zeke ay si Aira at Vince yung malimit ko makasama sa school.

Nahulog ko yung hawak ko.

"Naku.. Ikaw talaga hija oh.” Si yaya na yung kumuha ng nahulog kong gamot. Inabot na nya ito sakin.

“Thanks yaya.”

"Sundin mo lang ang doktor mo ha? Dapat palagi kang nagva-vitamins para lumakas naman yang resistensya mo."

"Thanks yaya! Ito na nga po iinumin ko na.. Salamat po sa pag-aalala. Naiisip ko tuloy si mommy. Siguro kung buhay sya ngayon, katulad nyo din sya."

"Alam mo hija, lahat ng mga ina ay gustong nasa mabuting kalagayan ang anak nila kaya siguradong ganito rin ang mommy mo kung nabubuhay sya.”

"Alam nyo yaya, ang bait nyo. Ang sarap nyo siguro maging nanay."

"Ikaw talagang bata ka oh.." Binigyan nya ako ng tubig. "Sya, inumin mo na yang vitamins mo.. Teka? Nasan ba ang asawa mo?” Ugh! Naalala ko na naman yung mokong na yun!

"Yaya. Nasa impyerno nga di ba?" Umiling-iling na lang sya sakin.

Tumunog yung cellphone ko..

"Hello?"

“Hey sis! Tara sa mall! Shopping tayo!" Si Aira pala. Hindi ko na kasi tiningnan kung sino yung tumatawag bago ko sagutin.

“Tayo lang?"

“Yeah! Manuod na din tayo ng movie.”

“Okay. I won’t bring my car.”

“Why?! Gosh! Ang hirap kaya mag-commute!”

“Ginagawa mo na yan dati pa, wag ka maarte! Haha!"

“Err! Okay! Taxi na lang ako! See you around 2 pm. Bye!”  Tamang tama.. May magagawa na rin ako ngayon. Masyado kasi akong na-stock sa bahay na ‘to.

So yun nga.. Pumunta kami ni Aira sa mall. Ang baliw talaga nitong kaibigan ko! Nakakaloka yung mga trip nya. Ikinuwento nya sakin yung lalaking naka-date nya last week. Hahaha!

"OMG! That’s hilarious! Hahaha!”

"Ugh! Nakakainis talaga! Ang gwapo nya talaga swear!!"

"Pero bading! Hahaha!"

"Yeah right! Nakakainis talaga! Sa gwapo nyang yun bakla sya?! Kainis!"

"Hahahaha! Ikaw kasi eh! Kung sinu-sino na yung nakaka-date mo. Pati ba naman bading!”

"Ugh! Gusto lang pala nyang humingi ng beauty tips sakin! Hiraman ba naman ako ng false eyelashes!" She said sabay roll eyes.

Ang dami na rin namin na nabiling damit at shoes. Pinag-agawan nga namin yung nakita naming sapatos sa loob ng department store, may stock naman pala!

"Hay nako! Tara na nga lang manuod ng movie.”

Pumasok na kami sa loob ng sinehan tapos bumili na rin kami ng popcorn at drinks. Ang papanuodin namin ay Mr. Popper's Penguin. Balita kasi na maganda at nakakatawa yun. Buti na lang pareho kami ng bestfriend ko ng taste sa movie. Pareho rin naming ayaw ng mga horror.

Sa gitna nang panunuod namin ay hindi ko akalain na makikita ko sila dito sa loob ng sinehan. Silang dalawa lang..

Ang babaeng yun at ang asawa ko..

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon