Chapter 21

125K 1.5K 139
                                    

Chapter 21

Vince's POV

"Tawagan mo sila!" Sigaw ni ate Pamela sakin.

"Tinawagan ko na pero parehong hindi ma-contact." Sabi ko. Heto na naman sya. Kagabi pa syang walang tigil sa pagmumukmok dahil hindi namin ma-contact at malaman kung nasan sina Maff.

"Ugh! Vince, do something!"

"Ate tama na.. Tumigil ka na. I accept defeat and accept yours." Mukhang hindi nya ako narinig dahil paikot-ikot pa rin sya sa harap ko..

"Naririnig mo ba ako? Sabi ko tumigil ka na! Tapos na kayo ni Zeke!” Mukhang nakuha ko na ang atensyon nya. Gusto ko ng tumigil. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkagnito si ate kasi pinatulan ko ang gusto nya. Dapat di na lang ako sumangayon sa plano nya na magkunwaring may sakit sya. Wala din naman kaming napala eh. Hindi pa rin sya ang gusto ni Zeke at hindi pa din ako magawang mahalin ni Maff.

"What are you saying Vince? Bakit sumusuko ka na agad?!"

"Alam ko kung kailan dapat sumuko. Hindi tayo ang mahal nila. Mahal nila ang isa’t isa at wala na tayong magagawa dun."

"Hangga’t alam ni Zeke na may sakit ako, mapapapunta sya sakin!"

"Hindi na mangyayari yun dahil ako na mismo ang magsasabi sa kanya ng totoo sa oras na makausap ko sya."

"Are you crazy?! Sasabihin mo na wala talaga akong sakit??" Mukha syang nanlumo at napaupo na lang. Ayoko na. Kasalanan ko talaga ‘to eh. Ayoko na ipilit ang sarili ko sa taong hindi talaga ako gusto. Tatanggapin ko na lang kung hanggang kaibigan na lang talaga ako. Pero si ate, kailangan na din nya tumigil.

“Pero hindi mapapasayo si Maff kung nakay Zeke sya! Kapag nasakin na si Zeke magkakaroon ka na ng chance sa kanya!”

“Hayaan na lang natin sila! Wala na akong pakialam kung hindi mapapunta sakin si Maff kasi mali naman itong ginagawa natin eh! Tama na, okay?!”

"NO!"

"Ate si Maff ang may sakit! Sya ang may sakit sa puso! Hayaan na natin sila pwede?!" Nagulat sya sa sinabi ko. Gusto ko man bawiin ang sinabi ko pero hindi na pwede.

"Well.. well.. well my dear brother.." Ngumiti sya bago muli magsalita. "That's a good news for me." Saka sya lumabas ng silid kung saan kami nag-uusap. Gulo na naman ito. Kailangan ko na patigilin ang ate ko kahit anong mangyari.. Kahit pa kapatid ko sya.

**

Mafelle’s POV

“Picture tayooo Zeke!”

“Ha? Kanina pa tayong picture ng picture ah? Hindi ka ba nagsasawa dyan sa mukha mo?” Sabi nya sakin. Halatang naiinis na sya dahil kanina pa kami kumukuha ng mga pictures. Gusto ko kasi madami kaming pictures na magkasama eh.

“Hindi ako magsasawa sa mukha ko. Eh mukha ko ‘to eh! Baka nahihiya ka lang sa mukha mo! Hindi ka kasi photogenic eh!” Biro ko sa kanya. Alam ko naman na mapipikon sya. Hahaha!

“Anong hindi photogenic?! Noong high school ako nanalo akong Mr. Intrams at Mr. Photogenic sa school namin!”

“Eh talaga? Magkano naman ang suhol mo sa judges? Hahahaha!”

“Sige nga, pagandahan tayo ng kuha?” And yun! Nag-picture na ulit kaming dalawa. Ang cute nga nya mag-pout sa camera eh. Haha! Kinuha ko naman yung tripod tapos nag-picture kami together lalo na dun sa may tabing dagat at sa duyan. Tamang tama pa yung malamig na simoy ng hangin.

“Bakit mo ako nagustuhan?” Bigla na lang nyang natanong sa gitna ng pagkukulitan namin. Inaayos ko naman ang camera. Balak ko na sanang i-off at alisin sa tripod dahil gusto ko ng pumasok sa loob pero iba ang ginawa ko. Sinet ko ang camera sa video mode.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon