Chapter 16

123K 1.5K 185
                                    

Chapter 16

 

Nagising akong may nakahawak sa aking kamay. Si Zeke..

“Sinabi sakin ni Vince ang nangyari sayo kagabi. What happened? Bigla ka na lang daw nahimatay.” Pumikit ako para itago yung sakit nang maalala ko yung nangyari kagabi. Mukhang walang sinabi si Vince tungkol sa nakita namin sa kanila. Siguro tamang hindi ko na lang ungkatin ang tungkol sa bagay na yun.

“Hindi kasi ako kumain kagabi tapos naglakad-lakad ako. Nahimatay na ata ako sa sobrang gutom.” Bumuntong hininga naman sya.

“Are you sure you’re okay?”

“Yap! Maayos na maayos! Nasan na sina Vince? Si Kurt?”

“Nauna na silang umalis pabalik ng Manila.” Hindi pa rin talaga mapanatag ang loob ko. Natatakot ako na kapag bumalik na kami ng Manila ay iwan na talaga ako ni Zeke. Arrange marriage lang kami kaya it’s possible.

“Lovey..”

“What?”

“I’m giving you a 10.”

“Huh?” Hindi ko maintindihan ang sinabi nya. Ngumiti lang siya sakin pagkatapos nun.

**

"What? loko pala yung Pam na yun eh!"  Si Aira. Ikinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari sa Boracay. I don’t get it. Bakit kay ate Pam sya nagagalit at hindi kay Zeke? 

"You know what sis? She'll ruin your relationship! Gumawa ka ng paraan!"  Para akong bata na sinesermonan nya sa loob ng cafeteria. 

"Ssshhh. Lower your voice. Ang dami nang tumitingin satin oh..” 

"I don’t care! Naiinis ako! Naiinis ako dyan sa Pam na yan! Pag nakita ko yun sasabunutan ko yun eh! At pwede bang iwasan mo na ang babaeng yun? Hindi ka ba nagtataka? Pumunta sila ni Vince ng Boracay kung saan nandun kayo ng asawa mo?” Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. 

Pagdating sa bahay, iniwasan ko lang si Zeke. Ang unang kumausap sakin ay si yaya. Pero dahil nga ayoko ma-open yung topic, minabuti pang hindi ko na lang muna sila pansinin. Si Aira lang ang sinabihan ko ng problema ko. 

Apat na araw na ang lumipas nang ganito pa rin ang set up. Once na makita ko ang anino ni Zeke, lumalayo na agad ako. Inaagahan ko talaga ang punta sa bahay para pag kinatok nya ang kwarto ko nagkukunwari akong tulog. Mas mabuti na ang ganito.. Iiwasan ko na lang sya, kasi sa tuwing makakasama ko sya.. mas nasasaktan ako. Lagi na lang akong may makikitang bagay na di ko magugustuhan. Kahapon nga may basketball game sila sa ibang school pero hindi na ako pumunta. Buti na lang panalo na naman sila.

"Maff!"  Ooops! Bakit kasi ang bagal kong maglakad eh! Palabas na ako ng gate ng school ng biglang kunin ni Zeke yung kanang braso ko. 

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon