Chapter 7

152K 1.9K 103
                                    

Chapter 7

 

"W-wife?" Sabi ni Vince na mukang nagulat sa narinig. Ngumiti si Zeke. Ngiti na nang iinis sa kaharap. 

"Ohh.." Ito na lang ang nasabi ni Vince. Hindi ko alam kung tama ba yung nakikita ko, mukha siyang nalungkot.

“Tara na.” Tumingin si Zeke kay Aira. “Marunong ka ba mag-drive?”

“Ha?”

“Nasan yung bag ni Maff?” Inabot naman ni Aira yung maliit kong bag. Sumasakit na talaga ang ulo ko. Nabigla yata ako sa ininom ko kanina. “Ito yung susi ng kotse nya. Ikaw na mag-drive. Saka mo na lang ibalik.” Inalalayan ako ni Zeke palabas ng bar. Hindi ko na nagawang tingnan si Aira and Vince.

Binuksan niya yung pinto ng passenger’s seat.

“What are you doing here?” Tanong ko.

“Pumasok ka na sa loob.” Madiin yung pagkakasabi nya. Hindi naman ako pumasok sa halip eh humarap ako sa kanya.

“Wait, sinundan mo ba ako dito?”

“Fore Pete’s sake Maff! Ano bang pumasok sa isip mo at pumasok ka sa ganitong lugar?!”

“Ano bang problema mo?! At saka ano naman sayo kung pumasok ako sa ganitong lugar? Matanda na ako!” 

 

“Zeke, honey!” May papalapit na babae sa pwesto namin. Napakunot naman ako ng noo. “Hindi ka na bumalik sa loob. Kanina pa kita hinihintay. Sino sya?”

“Hindi ako pwedeng pumunta sa ganitong lugar pero ikaw pwede?! At may babae ka pang isinama!”

“Iwan mo kami!” Sabi ni Zeke sa lumapit na babae samin.

But honey..”

“ANG SABI KO IWANAN MO KAMI NG ASAWA KO!!” Natakot naman sa kanya yung babaeng kasama nya kaya tumakbo na palayo.

“Wow! At ngayon sinabi mong asawa mo ako sa loob ng bar at dun sa babae mo! Okay lang naman sakin na huwag mo akong ituring na asawa pero yung pigilan ako sa mga ginagawa ko? Don’t you think it’s unfair?”

“Ayoko nang pumupunta ka sa ganitong lugar!”

“Bakit? Nagseselos ka ba kung may mga nakakasama akong lalaki?!” Nagulat ako nang hawakan niya ang likod ko at kinabig ako palapit sa kanya.  

"Why would I be jealous?” He smirked. “And you're mine, got it? You're my property at ako lang dapat ang titingnan mong lalaki. Walang babae ang pwedeng gumawa noon sa akin. Kahit ikaw.”

Itinulak ko siya.

“Anong tingin mo sa aming mga babae? Pag-aari mo tapos ikaw lang ang may karapatan na mang-basura?!" 

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon