Chapter 5

158K 2.1K 88
                                    

Chapter 5

 

Tumakbo ako sa direksyon kung saan pumunta si Zeke kanina. Nasaan ba yung lalaking yun? Now I get it! Nakakainis! Ewan ko ba kung mahihiya ako dahil nakita ni Zeke lahat yung nangyari kahapon ng umaga sa school. Alam pala niya kung bakit ako umiiyak kaya hindi na siya nagtatanong. Gusto ko siyang makita para ma-confirm. Pumunta ako sa library para ma-check kung nandun sya. Inisa-isa ko pa ang loob nun. Nakakainis naman! Nasaan na ang mokong na yun?!

In the end, wala nga siya sa library. Gusto ko pa sana maghanap pero nagutom ako kaya pumunta na lang ako sa cafeteria. Um-order na ako ng drink sa isang stall dito. Habang hinihintay ko yung drink ko ay nakita ko si Zeke na nakaupo sa isang table na may katabing babae. Nandito lang pala yun?! Yung kasama nyang babae ay matangkad at sexy. Tiningnan ko yung mukha.. Ahh, katawan lang pala ang maganda. Psh! Hipon! Mas maganda kaya ako sa kanya!

Wait, bakit ko ba kino-compare ang sarili ko sa babaeng yun?

“Miss oh.” Sabi ng tindera. Uminom naman ako habang nakatingin sa dalawang naglalambingan. Ibang babae naman ngayon ang kasama niya? May akbay effect pang nalalaman yung babae. Ang kire! PDA sila sa school! Bawal yun dito ah?! Tuwang-tuwa naman ang kulugong si Zeke. Hindi ko na napansin na naubos ko na pala yung drink ko at na-crumple ko na pala yung basong iniinuman ko.

Nag-crave ako sa french fries pero madadaanan ko yung table nina Zeke. Bahala na nga! Hindi ko na lang sila papansinin! Feeling ko nga nakita na rin ako ni Zeke na dumaan pero hindi na rin nya ako pinansin. Sabagay busy lang siya sa pakikipag-flirt sa babaeng mapula ang buhok. Nakakatakot naman yung buhok nya. Um-order na ako ng french fries at naghintay na lang na maluto.

"Miss, ito na yung fries mo." Sabi sakin ng tindera. Kukunin ko na sana yung fries pero may babaeng umagaw nito. 

"Ohh.. okay na pala yung fries ko!" Sabi nung babaeng mapula ang buhok.

"Excuse me lang miss ha? Pero sakin yung fries na yan." Sabi ko at tinuro yung fries na hawak na nya.

"Oo nga miss kanya yan. Yung sayo lulutuin ko pa. Wala ka pa namang order kanina eh." Sabi nung tindera.

"No. I want this. I'll double the price." Inabot nya yung bayad sa tindera. Aba! At hinahamon ako ng babaeng ito ha? 

"Look! I don't care kung doblehin mo pa ang bayad o kahit triple pa yan. Ang point dito, ako ang nauna." Nakatingin lang siya na parang walang pakialam sakin. Kinain pa nya yung fries at tinaasan pa ako ng kilay. Ugh! 

"Sorry ka na lang pero lahat ng gusto ko nakukuha ko eh." Tapos tiningnan nya ako sa dibdib.

"Wag ka nang umimik dahil wala ka namang maipagmamalaki!" Okay! So pinapamukha ba nya na mas malaki yung dibdib nya kesa sa akin? Ano namang connect nun sa fries?!

"So?? Ipinagmamalaki mo na yang dibdib mo sa akin?!" Di na alam nung babaeng tindera ang gagawin nya dahil sa away namin. 

"Oo bakit?!"

"Well, malaki nga ang dibdib mo. Pero yung mukha mo naman walang maipagmamalaki!" 

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon