Chapter 13

133K 1.8K 126
                                    

Chapter 13

 

Yesterday was a blast! Alshin’s basketball team won! Nag-celebrate naman sila kagabi ng unang pagkapanalo nila sa isang bar. Syempre silang buong team lang ang magkakasama. Around 2 am na siguro nakauwi si Zeke. Hindi nga ako natulog kagabi. Hinihintay ko lang na marinig yung pinto nyang bumukas para malaman ko kung dumating na ba sya. Nung na-feel ko na dumating na sya ay saka pa lang ako natulog. For sure pagod na pagod yun kaya hindi na ako nagpakita. Ayoko naman lokohin pa ako nun na patay na patay sa kanya kasi hinintay ko pa talaga sya. Alam nyo naman yun!

The next day..

“Magbabait ka Kiel ha? Dito ka lang sa kama ko. Pupunta kami ni Zeke sa Boracay pero babalik din naman kami agad.” Sabi ko sabay hug sa teddy bear ko. Kiniss ko pa sya bago ko sya ihiga sa kama ko.

“Ready na ang mga gamit mo?” Pumasok si Zeke sa kwarto ko.

“Ready!”

“Bye yaya Rosie! Babalik kami agad!” Niyakap ko si yaya bago kami umalis. “Mami-miss ko talaga ng bongga ang luto nyo!”

“Okay na ba yung mga gamit nyo ha? Sure ba na wala kayong nakalimutan?”

“Opo yaya. Don’t worry! Kaya na namin ang mga sarili namin dun.”

“Basta mag-iingat kayo ha?”

Nasa loob kami ng kotse ni Zeke nang mang-asar na naman ang mokong. “Huwag mo sabihin na mag tu-two piece ka dun? Pfffft!”

“Hoy! Maganda ang katawan ko ano!”

“Madaming magaganda at sexy dun. Kahit naka-two piece ka pa dyan ay magmumukha kang bata. Hahaha!”  Hindi na lang ako umimik nung patuloy lang sya sa pagtawa. Bwisit naman! Ganun lang ba talaga yung tingin nya sakin? Maganda naman ako ah? Nung high school nga eh naging Ms. Intrams ako. May curve din naman yung katawan ko. Yung dibdib ko naman eh alam kong hindi katulad nung sa iba pero hindi naman ako flat chested. Mataas lang siguro talaga ang standards ni Zeke pagdating sa babae. Haaaay..

Pagkatapos nang mahabang byahe ay nakarating na rin kami dito sa Bora. Masaya naman yung byahe namin papunta dito pero tinulugan ako ni Zeke nung nasa eroplano na kami. Siguro pagod pa rin siya sa naganap na basketball game nila kahapon.

“Tara.” Hinawakan nya yung kamay ko habang naglalakad. May binili na palang rest house si daddy para samin dito kaya wala na kaming poproblemahin. Waaah! Ang ganda ng rest house namin! Wala itong second floor pero malaki. Meron itong apat na kwarto at dalawang bathroom. Isa sa master’s bedroom at isa sa katabi ng kitchen. Nahiga ako sa mahabang sofa sa living room.

"Haaaaaaaaaay.. Nakakapagod na byahe."  Kinuha ko yung throw pillow sa sofa at niyakap ito.

"Three days lang tayo dito. Kaya enjoy yourself here."  Sabi ni Zeke na inaayos yung mga pagkain sa kusina. Malapit lang naman yung kusina kaya madali ko syang narinig. Habang nag-aayos si Zeke ng mga pagkain na dinala namin sa kusina ay tumunog naman yung cellphone ko. Sinagot ko naman agad.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon