chapter 57

3K 23 0
                                    

Hindi ako tinigilan sa pang-aasar nina Marla kahit na makaalis na si Kit nun. Kesyo may “food” na daw ako at sinayang ko lang daw yung pera nila sa pagpapabili ng chicken burger.

Mga 4 siguro nung hindi na ako nahilo at lumabas na ako ng clinic. Diretso uwi naman ako kaagad nun kasi syempre, baka kapag kung anong activity pa ang gawin ko eh mahilo ako bigla. Hindi rin madali ang matamaan sa ulo ng bola ng volleyball no. Lalo na yung kakaspike lang. 

Si Omar ang sumama sa akin nung papauwi na ako. Ayun, nag-usap usap lang kami tungkol sa games kanina na namiss ko. Grabe nga eh, nagulat ako kasi may mga games talaga na ang juniors yung nananalo tapos sophies. As in palaban talaga sila eh.

“Sige, uwi ka na. Baka magtaka pa sila at hindi ka pa nakakauwi. You’re still grounded right?” tumango lang siya nun tapos nagwave na paalis. Ako naman eh pumasok na sa loob ng bahay.

“Akala ko po grounded ako?” tanong ko kay mama kasi inaabot niya sa akin yung phone ko ngayon. 

“gusto mo pa ba na grounded ka?” umiling lang ako nun tapos nagsmile at naghug kay mama. Tapos nun eh umakyat na ako.

Ni-on ko naman yung phone ko pagdating ko sa taas. Sobrang daming messages nga yung pumasok eh. yung mga classmates ko na hindi alam na grounded ako at syempre, yung mga hindi ko pa nababasa na text ng barkada nung kasama ko pa si Omar sa pagrun away.

*TEET TEET* *TEET TEET*

Inopen ko naman kaagad yung new message. Nagulat ako kasi kay Kit siya galing. 

Sender: Mr. SC President

Message:

Galit ka parin ba?

Ano bang sasabihin ko? Hindi naman ako galit. 

Hindi ko siya nireplyan. Bahala nalang siya kung ano yung gusto niyang isipin. Nagtext naman siya ulit after nun.

Sender: Mr. SC President

Message:

If ur worried

Bout da thng w/ Myka

Ala na q paki dun

Nanlaki naman yung mata ko dun. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko ngayon. Sinasabi ba niya na wala siyang paki kung nagstay ako sa engagement na ito dahil kay Myka? What’s that supposed to mean?

In-off ko na ulit yung phone ko at humiga. Pagtapos nun, dahil narin sa pagod eh nakatulog na ako.

*****

2nd day ng Sports Fest. Gaya nung first, sobrang taas parin ng energy ng mga tao. Mas maraming new events ang magsisimula ngayon gaya ng ibang swimming competition. Yung mga 2 ball at 3 point shoot outs at syempre, ang cheerdance.

Yung cheerdance yung pinakahihintay ng lahat. Ang sobrang kalaban kasi namin sa cheerdance eh yung sophies. Sobrang galing nila. Kung talent ang hinahanap mo, talent talaga ang meron sila. 

Nung 2nd year kasi kami eh nagchampion kami sa cheerdance. Pero last year eh natalo kami nung sophies ngayon. Grabe no? kaya nga ba ngayon eh gustong kunin ng batch namin yung trono. Harhar!

“Andy, andoon na sila sa gym. Magsisimula na yung cheerdance competition.”

Tumango lang ako kay Vince tapos  kinuha ko na yung wallet ko. Pagdating naman namin dun eh ang ingay. Biruin mo, hindi pa nagsisimula yung competition ah. Paano pa kaya kung magstart na?

“May we request everyone to please keep quiet, we are about to begin. “

Sumunod naman yung mga tao tapos nun eh nagstart na. Syempre, the usual prayer, lupang hinirang, at yung opening remarks. 

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon