chapter 6

4K 30 0
                                    

Nanlaki na naman yung mata nila. Lalong lalo na si Cheeky na tumayo pa mula sa kinauupuan niya. OH boy.

“Yang arrogant guy na yan ang fiance mo!??” sabay turo kay Kit.

Tumingin lang sa kanya si Kit tapos nun eh naglean dun sa wall. Kit Tasello Fact #1, he likes to lean on walls. Hey, wala rin naman masama kung makilala ko yung fiance ko diba?

“Ano naman sa iyo yun?”

Kit Tasello Fact # 2, he’s VERY moody. Tumingin ako kay Kit tapos nun eh kay Cheeky, uh-oh, I smell trouble.

“Cheeky drop it.”

Tumingin naman sa akin si cheeky tapos tumango lang. Umupo na ulit siya sa sofa. Oo nga pala, ano palang ginagawa niya rito? Diba dapat bukas pa siya maglilipat? 

“Ano palang ginagawa mo rito? Diba bukas ka pa dapat mag-aayos ng gamit?”

Inalis niya yung pagkakalean dun sa wall tapos nag-fold ng arms at pumuwesto sa may pinto, parang aalis na yata siya.

“Tutulong sana pero mukhang tapos ka na yata.”

Aww, okay naman pala siya eh kahit papaano. Yung nga lang, he just had to open that big mouth.

“Don’t get me wrong Andy, pinilit lang ako ng ate at mommy ko dahil yun daw ang “right” thing to do.”

At pagtapos nun eh umalis na siya. Kit Tasello Fact #3, maginoo pero may pagkabastos.

*****

Lumipas narin yung mga araw. Monday na ngayon, September 17, at ito narin yung unang araw na magstay kami sa bahay “namin” ni Kit. After dismissal kasi eh dun na kami kaagad didiretso sa bahay. Ngayon daw kasi ang start ng 100 days contract namin. Sosyal eh no? May contract talaga diba? Pero hindi naman siya nakasulat. Sobra na kung isulat man iyon nina mama.

“Hoy, bakit mukhang ang lalim yata ng iniisip mo ngayon?”

Tumingin naman ako kay Cheska at ngumiti. Minsan nakukuha narin niya yung ugali ni cheeky. 

“Wala, naiisip ko lang yung kung ano ba pwedeng mangyari mamaya. Pag uwian na.”

Mukhang naguluhan siya sa akin saglit pero nagets din naman niya.

“Aw, first day nga pala ngayon no? Wag mo nang masyadong isipin yun Andy. Siguro naman magiging ayos lang kayo kung hindi kayo magpansinan diba?”

You know what? May point siya. Bakit ko ba iniisip yun eh for sure naman na hindi ako papansinin nung Kit na yun eh. Kit Tasello Fact #4, he’s a snub.

Ngumiti naman ako kay Cheska tapos nagthank you sa kanya. Naguluhan pa nga siya kung bakit eh, sabi ko wag nalang niya isipin. Nakinig naman na kami nun sa teacher kasi baka kami ipadala pa sa sub-unit head at magkadetention na naman ako.

Natapos yung subject at syempre lunch na! Sa wakas! Kanina pa kasi kumukulo yung tiyan ko eh. Palabas na kami ng classroom nun ng may humarang sa akin na mga babae. At dalawa lang sa kanila ang kilala ko.

“Ano na naman kelangan niyo Keri?”

Tumingin siya kay Cheeky at umirap, pagtapos nun eh sakin naman nabaling yung tingin niya.

“I heard na engaged daw kayo ni Kit.”

Pagkasabing pagkasabi niya nun eh bigla namang umingay sa loob at labas ng classroom. Hindi pa pala gaanong nakakalabas yung mga classmates ko. Hay, teka nga muna, sinong nagsabi niyan!? Ang bilis naman kumalat ng balita.

“Sino naman nagsabi sa inyo niyan?”

“May mga taong nakarinig sa usapan nina Kit.”

Tao daw, baka mga tsismoso’t tsismosa.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon