chapter 20

3.3K 24 1
                                    

Nanlaki yung mata ko the moment na nagbukas yung ilaw. Holy…paano nila nagawang I-design ng ganito yung Gym?! Grabe talaga. Kung hindi ka taga MPU at hindi mo alam na gym ito eh aakalain mong nasa parang forest ka. 

Grabe, ang galing ng pagkakadesign. Yung mga puno eh napakarealistic. Naglakad naman na ako nun tapos nakanganga talaga ako nun. So this is Wonderland eH?

“Oh my gosh! Late na ako! naku naman! I’m pretty sure she’ll kill me!” Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita at bigla akong napanganga.

Teka, diba dapat rabbit ito??!? Hindi pa naman ganoon kalabo yung mata ko to see na hindi rabbit ang costume ng nasa harap ko kung di modern jeans tapos shirt. Ang pagkarabbit lang nun babae eh yung bunny ears sa may ulo niya. The heck, iniba nila yung story???

“Excuse me miss…diba---”

“Sorry Can’t talk! I’m soooo late!!”

At tumakbo na siya after nun. Teka, diba dapat hahabulin ko siya? Oh well, kahit hindi siya mukhang Alice in Wonderland…the story must go---OHHHHH!!

What the heck?! Kelan pa nagkaroon ng slide sa gym namin!? Kelan pa nagkaroon ng TRAP DOOR sa gym!? Grabe naman, ang galing naman talaga ng gumawa nito. Elibs ako sa kanila sobra.


*OOOMPH!*

Hala, madilim na naman. Aray ko, ang sakit naman ng pwet ko! Biruin mo eh napakalakas rin ng bagsak ko kahit na slide man yun no! Paano, tuluy tuloy kasi. Wala man lang stopper. Hay nako. 

Tumayo na ako nun tapos pinagpag yung damit ko. Pag nasira ito eh hindi ko na kasalanan kasi sila naman yung may gawa eh dahil sa slide na iyon.

Nagbukas ulit yung ilaw tapos----What the heck?! I’m in…

“Hermione Wait up!”

Hogwarts?! Teka nga…ang weird naman ng Alice in Wonderland nila. 

“Excuse me…akala ko Alice in---”

“Well, well…If it isn’t Potter Weaselbee and the mudblood. Oh, you’ve brought reinforcements too eh? A weird one too!”

Weird? Did he just say I’m weird?! “HOY! I’m not weird , you stupid little ferret!” okay fine, nagbabasa rin naman ako ng Harry Potter kaya alam ko kung ano yung pang-asar nina Hermione sa kanya. Ooops, napaghahalataan na adik.

Tumawa naman yung mga tao. Grabe, sobrang realistic talaga nitong ginawa nila. Biruin mo, mismong accent nung characters nakuha nila.

“Oh gosh I’m late!!”

“Teka Mr. Rabbit!” napatigil naman yung babae. Oops, did I just say Mr.?

“Excuse me?! Do I look like a Mr. To you?!”

“Waah…sorry pero---”

“Whatever. I’m suuuper late na!!”

At tapos nun eh tumakbo na ulit siya. Ako? Syempre ano pa bang magagawa ko kung di humabol sa kanya. Grabeng Miss Rabbit to, runner ata eh! 

“Wait Miss Rab----OOOMPF!”

Hindi ko na natuloy yung pagtawag ko kasi bigla namang may humatak sa akin na kamay. Now, where the heck did that come from?! At syempre, heto na naman ako sa isang madilim na unknown place, ni hindi ko nga alam kung anong bagong sorpresa ang makikita ko eh.

Nag-open bigla yung lights kaya nasilaw ako. “Wendy! There you are! I’ve been looking all over for you!!”

“Eh? P-P-Peter Pan?!”

“Come on Wendy! The lost boys are waiting! We don’t want them to get cranky now do we?”

Teka…lumilipad siya?! Whoa! Astig! Hinila niya yung kamay ko tapos nakaladkad naman ako. Teka, hindi ako nakakalipad! 

Nagulat ako bigla nung bumitaw siya kaya naman bigla akong napaupo. Aray! Magkakabukol yata pwet ko dito.

“I get it now! You need some pixie dust. Come on Tink! Give her some!”

Bigla naman may lumabas na maliit na parang----wait, tao pa ba yan?! 

“Don’t be selfish now Tink! Wendy needs your pixie dust!”

Hindi ko sila masyadong napansin kasi sobra naman akong na-amaze dun sa maliit na Tinker Bell. Hindi naman ako siguro nananaginip no? Imposible kasi naramdaman ko yung sakit ng pagbagsak ko eh.

“----Gotcha!”

Bigla naman ako napatingin kay “Peter Pan” At nakitang hawak niya si Tinker Bell. Inalog niya konti sa akin yung hawak niya tapos nagulat nalang ako kasi may parang glitters na nagshower sa akin and then the next thing I know…I was flying in the air, well may parang tali na nakakabit sa likod ko pero hindi siya ganoon ka kita pero…wow! Ang galing talaga nila. Saludo ako sa gumawa nito. 

“Let’s go Wendy!”

Tapos hinila naman ako ni “Peter Pan”. At yun, hindi ko alam kung saan kami napunta kasi nagulat nalang ako ng biglang dumilim tapos nung bumukas ulit yung ilaw eh ibang scenery na. Napapalibutan kami ng clouds! Grabe, astig naman nito. 

“Wendy look out!!”

Hinila ako nung kasama ko tapos nun eh may biglang parang bolang itim na muntikan na akong tamaan. Whew! That was close!

“I see Captain Hook’s spotted us already.”

Pumunta kami dun sa isang fluffy na cloud tapos nagtago. Hinawakan ko naman yung “clouds” tapos natuwa ako kasi parang cotton lang siya sa unan. Grabe, ang cute.

“Wendy!”

Nagulat ako kasi bigla akong tumilapon tapos nagblack out. Naramdaman kong parang nahuhulog ako, teka wag mong sabihin napigtas yung tali?! WaaaAA!! 

*OOMPH*

Wah, buti naman at malabot itong nalandingan ko kung di…naku bali na yung pelvis ko for sure!

Bumukas naman yung ilaw tapos nakita ko na nasa parang isang forest ako. Yung forest na parang katulad ng sa…

“Snow White! You look hungry, care for an apple?” yep, tama nga yung hula ko. This is Snow White all right. Tumingin naman ako dun sa babae at dun sa apple na hawak niya. Teka, diba dapat pangit na witch? Pero bakit parang sobrang ayos naman yata ng hitsura nitong girl na ito?

“come on now Snow White!” oo nga pala. Kelangan kong tanggapin yung apple para magcontinue yung story. 

Kinuha ko naman yung inaabot niya tapos kumagat ako. Wow ang sarap! Ang tamis nung apple infairness. Tumingin ako dun sa evil “witch” pero nawala siya. Instead…

“Gosh late na ako!!” 

“Miss Rabbit!?!”

Tumigil siya sa katitingin sa watch niya tapos tumingin sa akin.

“Can’t talk! I’m so dead!!” 

At ayun, tumakbo na ulit siya tapos ako eh humabol na ulit sa kanya at iniwan na yung apple dun sa place na iyon. Nakita kong pumasok sa isang pintuan yung si Miss Rabbit tapos siyempre, sumunod ako. ano pa bang magagawa ko diba? 

Pagpasok ko naman eh madilim dun as expected. Ilang sandali lang eh may naramdaman ako biglang may nailagay sa mukha ko tapos bumukas yung ilaw. Eh?

“Oh Dear Pinocchio. You’ve been telling lies again now haven’t you?” 

Siya yung fairy sa pinocchio ah! Whoa…teka, sa akin ba siya nakikipag-usap? That means…

“I’m not Pinocchio!!”

Nagulat nalang ako bigla nung maramdaman kong may gumalaw sa may mukha ko. Ilong ko ba yan?! 

“See? You’re lying again. I’m quite disappointed in you Pinocchio.” Hala, paano naman nila nagawa yun?!

 Ah! Alam ko na! Yung humawak sa mukha ko kanina! Mukhang may nilagay sila sa mukha ko na parang mechanical nose or something. Grabe, ang laki naman yata ng nagastos ng mga members ng event na ito. 

“As punishment, I’ll be sending you far away from this place!”

Ni-swish niya yung wand niya tapos may lumabas na parang glitters tapos nagblack out ulit tapos may naramdaman na naman akong humila sa akin. Wow, buti nalang at matibay itong damit na ito kung di, kanina pa siguro ako nakasuot ng underwear ko.

Naglanding naman ako sa parang…wait, SAND?! Bumukas yung ilaw tapos…whoa! Nasa parang beach ako tapos---teka nga! Paano sila nakalagay ng tubig dito?! 

Lalapit na sana ako dun sa water kaso bigla naman may humatak sa akin tapos…

“CAPTAIN JACK?!?”

“Well, Hello my dear Elizabeth.”

Whoa…nawiwindang yata buong mundo ko sa Maze na ito ah! Una ang astig ng designs at backgrounds nila tapos special effects…ngayon, yung cast nila! Wow, this is, by far, the best activity ngayong Halloween Festival. Actually, feeling ko matatalo nito yung mga past best activities eh.

“Elizabeth, be a dear and fetch me my rum.”

Tapos nun eh tinulak niya ako dun sa kabilang side. Nagulat naman ako kasi biglang bumukas yung parang trap door…

























oh no…






































heto na naman po tayo!!

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon