chapter 58

3.1K 20 0
                                    

Pumasok ako tuluyan sa loob. Yung painting na nandoon eh yung painting pa na dati ko pang nakita. Medyo may alikabok na nga rin yun eh. halata mong matagal nang hindi binibisita itong room na ito. Ang pinagtataka ko lang, bakit?

Anong nangyari sa kanya? 

“Lately kasi eh parang ang lungkot niya. Hindi siya masyadong nagsasalita at kung hindi dahil pipilitin siyang bumaba nina mama eh hindi siya lalabas ng kwarto.” 

Tumingin ulit ako sa painting. Napabuntong hininga lang ako. What’s happening?

It’s like TINKERBELL losing her GLOW.

*****

“Andy...ikaw ba babae eh may susuotin na para mamaya?”

Tumingin lang ako kay Cheeky at nagtaas ng kilay. “Heller?! Dance na kaya mamaya!” ngumiti lang ako sa kanya.

“Tungaw, alam ko”

Yep, that’s right. Tapos na ang sports fest. Satisfied naman ako sa results kahit na may mga games kaming hindi napanalunan. Isa na dun ang basketball for girls. 

Big shocker nga para sa lahat eh. Marami ang nanghinayang, pero ang nakakagulat pa eh kaming players ang hindi nanghinayang. Why? Cause we had fun. Yung game namin with the sophies ang best game na naexperience ko nitong high school. They’re worth it. Tama lang sa kanila na matawag na CHAMPIONS.

Sa ibang larangan naman, cheerdance, kami ang panalo. Sobrang hiyawan kasi parang nakuha ulit namin yung title namin. Sa cheering? Ganun din, kami rin yung champs. Ang nakakagulat para sa iba eh nagsecond sa amin yung freshies. I admit, magaling sila. Akala pa nga namin nung una eh matatalo nila kami. 

So Ang overall ranking? 

1st – Seniors

2nd – Sophies

3rd – Freshies (dahil sa cheering)

4th – Juniors (naglast kasi sila sa cheering)

Ang pinakamalungkot lang talaga nitong sports fest eh yung juniors. Pero they didn’t become bitter. Inaccept nila yung defeat and swore to be better next year. Yan ang tunay na sportsman.

“What’s the big deal? Parang dance lang yun eh.”

“Andy, babae ka ba talagA?” tinignan ko lang siya ng masama tapos nun eh nagsalita na ulit siya. “Alam ng lahat ng babae na ANY dance is not just SOME dance. Hindi mo ba alam na girls should always look at their best. Rule yun.” 

“Tss. That’s stupid.”

“Basta Andy, magshoshopping tayo ngayon. Tara!” at ayun, pinaghihila ako nung dalawang shopaholic queens! Hay naku! Sasakit na naman ang paa ko nito eh!

Pagdating namin sa mall eh maraming tao. Malamang, Friday eh. diretso naman kami sa may bench tapos  naghanap na sila ng mga skirts dun. Casual dance lang naman siya so hindi kailangan ng gowns.

“Hoy! Bakit skirt hinahanap niyo? Pwede namang shorts o kaya pants diba?!”

“Shut up ka nalang Andy.” awts, nashut up tuloy ako. O siya, sige na nga. Hayaan na ang marunong na maglead. I just hope na ako parin ang Andy Ongpauco na pinalaki ng nanay ko after this shopping spree.

After 1 hour…

“Gosh! Hindi pa ba kayo pagod? Ako oo! Gusto ko na umupo! Gusto ko na kumain! Gusto ko na umuwi!!”

“You can do that sa dance no! well, except for the umuwi part. Basta, tama na reklamo! We’re doing you a favor here!!”

Favor? FAVOR?! Favor na ba ang tawag nila sa pagpudpod ng talampakan ko sa kakahatak nila sa akin? Favor na ba ang tawag nila sa pagsusuot sa akin ng kung anu anong damit na para bang manika ako?! I think not.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon