chapter 27

3.2K 20 0
                                    

“Argh! Darn! Bakit ba kasi hindi ko sinulat yung recipe?!?”

Grabe, mag 30 minutes narin siguro yung nakakalipas magmula nung magsimula akong magluto. Ang nagagawa ko palang eh palambutin at balatan yung kalabasa. Hay, bad trip naman oh!

“Hmm…toyo ba yun o patis??”

Patis yata…tama…patis yun. Sige, patis nalang ilalagay ko. At yun, tuwang tuwa ako sa sarili ko kasi nasimulan ko narin yung pagluluto. Hindi ko naman nilahat yung kalabasa. Kalahati lang yung niluto ko para kung may gusto silang ibang luto nun eh may natitira pa.

“Andito na kami!”

Tinago ko naman kaagad yung niluluto ko. Buti nalang at natapos na ako sa pagluluto kung di naku, mabubuko yung plano ko.

“Anu-ano binili niyo?”

“Well itong si Cheeky eh puro mga chocolate ang binili.”

“Aba! Nagrereklamo ka? Sige, wag kang makahingi sa akin mamaya ah!”

“Ito naman oh..hindi na mabiro.”

Aba, si mukhang masyado na yatang napapalapit itong si Marla kay Stephen ah. 

“Sina Myka naman eh bumili ng maiinom natin para bukas.”

Well, at least meron sa kanila na bumili ng kelangan talaga. Kung magsalita ako eh no parang hindi rin ako ganoon diba? Wahehe.

“Sige, iinit ko lang yung ulam tapos kain na tayo.”

Medyo nagpanic naman ako kasi ng diba, sa microwave ko tinago yung kalabasa. “Ako nalang mag-iinit.” tapos nun eh tumakbo na ako bago pa man sila makapagsalita.

Pagdating ko naman dun eh kinuha ko kaagad yung bowl nung kalabasa. Medyo napaso nga ako eh buti hindi ko nabitawan. Tinabi ko muna siya tapos ininit na yung adobo na ulam namin kanina. Whew.

“Andy?”

“Uy, bakit?”

“Wala naman.”

Nginitian ko lang siya tapos nung tumunog na yung microwave eh kinuha na ni Myka yung food at pumunta na sa dining area. Ako naman eh kinuha ko narin yung kalabasa na niluto ko at pumunta na roon.

Nagkatinginan nga sila sa akin nung pumasok ako eh. Nagulat pa nga sila at may hawak akong ulam. “Myka sana hindi ka na nagluto pa ng kalabasa. Ang dami pa nito oh.”

Kumunot naman yung noo niya. “Hindi ako nagluto niyan...”

“Tama siya. Ako nagluto nito.” nanlaki naman yung mga mata nila tapos nun eh nagsimulang magsalita sabay sabay. “Pwede ba, subukan niyo man lang muna bago niyo husgahan?”

Tumango naman sila, mukhang takot na takot nga eh. Si Kit naman, well normal na walang expression sa mukha. What do you expect?

Hindi muna ako kumuha at hinintay ko nalang sila matapos. Si Vince yung unang kumain at…

“*coughs*”

Sobrang inubo siya. Wah, ganoon ba talaga kapangit nung lasa nung luto ko? :’( nung nakita nilang nangyari yun kay Vince eh binalik kaagad nila yung mga kinuha nila na kalabasa. 

“Hay, bakit ganoon? Sinunod ko lang naman yung sa Tv eh..”

“Kung anu mang channel yun malamang makakasuhan sila niyan.” napatingin naman ako kay Omar nun tapos nakita kong siniko siya ni Kit. Hay, tama si Omar.

O baka naman dahil ako yung nagluto eh kaya ganyan yung lasa. Nagsimula na silang kumain nun ng walang imik. Ako naman eh nawalan ng gana kaya nakaupo lang ako dun at tinititigan yung kalabasa. Nagulat nga ako ng biglang may kamay na kumuha dun sa bowl. 

“Kit?”

Hindi naman siya umimik nun pero kinain niya lang yung kalabasa. Natouch naman ako dun sa ginawa niya. Alam kong halos masuka suka na siya sa bawat subo pero hindi parin niya tinigilan. Kit Tasello Fact #14, may good side rin pala siya.



******




“Ayos na ba pakiramdam mo?” tumingin sa akin si Kit na parang naiirita.

“Mukha ba akong ayos sa iyo?!” hay naku! Bwisit na ito.

Hindi ko naman siya pinilit na kainin yung kalabasa pero ayun, kinain pa niya at naubos pa niya! Kaya ayan tuloy, sobrang sumasakit yung tiyan niya. Hindi na nga kami nakasama sa may beach eh. Syempre, nakonsensya rin naman ako diba kahit papaano.

“Bakit mo kasi kinain lahat?”

tumingin siya sa akin ng masama na parang sinasabi, “Seryoso kang tinatanong mo ko niyan?!” tapos nun eh pumikit ulit. 

“Sabi ko naman sa iyo diba? Paborito ko ang kalabasa.”

Napangiti naman ako. Asus, yun lang ba? If I know naawa siya sa akin eh kaya niya inubos yun. 

“Yung basurahan!” agad ko naman binigay sa kanya yung trash can at ayun, nagsuka siya. Hay, grabe…kapag nakikita ko siyang ganyan eh lalo naman akong naguiguilty.

“Okay lang naman sa akin na walang kumain nun eh. Hindi mo na talaga dapat ginawa yun.”

“Masarap naman eh.” aba, nanloloko pa ito! Gusto yata nito ng sapok eh!

“Nang-aasar ka yata eh!”

Tumawa naman siya nun tapos tumahimik rin. Hay, siguro sobrang saya na nilang nagswiswimming sa beach. 

“Kung gusto mong sumunod sa kanila ayos lang.”

Umiling naman ako. “Hindi, ayos lang.”

“Dali na. Ayos lang talaga. Ikaw rin, sayang yung bathing suit na binili mo kung hindi mo rin pala gagamitin.” tumayo siya sa pagkakahiga pero tinulak ko siya ng mahina.

“Magpahinga ka na nga lang diyan. Ayos lang sa akin na hindi yun magamit. May pool naman malapit lang dito at anytime eh pwedeng puntahan. Saka may iba pa namang time para magswim eh. Kaya wag ka nang mapilit at magpahinga ka nalang kung di sisipain kita.”

At yun, hindi narin siya nagpumilit na tumayo. Lumabas naman na ako ng kwarto nun tapos nagulat ako kasi ang bilis namang bumalik nila Cheeky.

“Oh, bakit andito na kayo? Tapos na kayo magswimming?”

“Hay nako sis. Napag-isip isip kasi namin na pwede naman sa last day tayo magpunta ng beach eh para sama sama tayo.”napangiti naman ako sa kanila. Hay, dahil sa luto mo Andy hindi tuloy kayo makapag-enjoy. 

Buong umaga eh andoon lang kami sa bahay at naglaro ng baraha. Ang saya nga eh kahit simple lang yung nilalaro namin. Biruin niyo, mismong ungguy ungguyan eh naenjoy namin? 

Medyo umayos naman yung pakiramdam ni Kit nung hapon kaya nagpasya kami na magswim na kahit sa pool man lang. Masaya rin naman kasi amg night swimming eh. 

Pagdating naman namin sa may pool eh tuwang tuwa kami kasi solo namin yun. Nagtanggal naman kami kaagad ng damit at syempre nagsitalunan na yung mga lalaki.

“Hoy Andy, anong get up yan? Bakit biglang nag one piece ka yata ngayon? Wag mong sabihin na nagpapakaconservative ka na?” napatingin lang naman ako kay Cheeky nun. Teka, wag niyong sabihin ako lang pala yung naka one piecE?

Tumingin naman ako sa kanila. Hay, ako nga lang. Kahit si Myka eh naka 2 piece din. Sana pala yung 2 piece nalang pinili ko. “Wag mo kong sisihin. Hindi naman ako pumili nito eh.”

“Niyak? Sino? Lolo mo?”

At yun, binatukan ko naman siya. “May lolo bang 15 years old?!”

“eH? Eh di, sino pumili niyan?”

“Ayun oh!” tapos tinuro ko naman kung nasaan si Kit. Nakikipagbasaan siya kasama sina Omar at Myka. Napangiti naman ako tapos sumimangot rin. Ano ba itong ginagawa ni Omar?!

Lumapit ako sa kanila tapos nun eh hinila si Omar. “Hoy Omar! Nagpromise ka sa akin na may ituturo ka na dive! Wag mong sabihin nakalimutan mo yun?!”

Tumingin naman sa akin sina Myka na parang nagtataka. “Ha? Ah eh---” diniinan ko naman yung hawak sa kanya at ayun, nagets rin naman niya kaya umahon na siya at sumama sa akin.

“Finally nagets mo rin?!”

“Hihi. Sorry! O siya, tara kelangan magturo ako sa iyo kung di makakahalata si Kit…”

Tinuruan naman ako ni Omar ng dive. Nakakatuwa nga eh. Back flip siya. Una eh takot na takot ako kasi baka mauntog ako pero nung tumagal eh hindi na nila ako mapigilan. Ang saya kasi eh. 

Mga 9 na siguro nung bumalik kami sa bahay dun pero hindi pa kami pagod nun kay naglaro muna kami. At anong mahiwagang game ang nilaro namin?

“Okay guys, time for Truth or Dare!”

Wala namang umangal nun kasi wala rin naman kaming magawa para palipasin yung oras. Mukhang magiging interesting pa nga yun eh kasi think of it as this way…si Kit Tasello eh kasama sa game. Oh diba?

Umupo naman kami ng pa-circle tapos nun eh kumuha sila ng bote ng coke na wala ng laman and then the game started. 

“Okay, rules. Bawal umayaw sa dare na pinapagawa. Bawal rin magpass sa mga tanong sa iyo. And lastly, walang lalabas. Okay?”

Syempre pumayag naman kaming lahat. Para rin sa ikakabuti namin yun eh, lalo na yung last rule. Sinimulan na nilang paikutin yung bote tapos tumapat kay…



:O






:O




































“Andy, truth or dare?”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon