chapter 46

3.1K 23 0
                                    

“I really think so,” ilang days rin ang nakalipas. 1 week to be exact since the incident at ngayon ko lang nasabi sa mga kaibigan ko ang realization ko.

Tapos narin yung exams namin at salamat sa Diyos at nakaraos naman ako. Feeling ko naman na papasa ako kasi may mga parts naman dun na sure talaga akong mapeperfect ko. Parts lang ah, hindi whole exam. 

Ngayong Monday at Tuesday naman eh walang pasok kasi nagpreprepare yung school para sa 3 day Christmas festival namin. Gusto kasi nila na surprise na nila yun sa mga students kaya teachers and staff lang ang nag-ayos.

“Sigurado ka na ba diyan Andy?”

Tumango lang ako. I’m sure. Hindi naman kasi ako ganoon magrereact kung friend lang ang turing ko sa kanya. There must’ve been something more. At ayun nga, nakuha ko rin siya.

“Just take care of yourself Andy.” nagsmile naman ako sa kanila at nag group hug kami. Grabe, namiss ko yung mga ganito. Feeling ko kasi ang tagal na naming hindi nagkakaroon ng parang open forum kung saan lahat ng feelings mo ilalabas mo. Ibig sabihin, no secrets talaga. Kung may sama ka ng loob, sabihin mo. 

“So, ibig sabihin ba nun eh titigil ka na sa pagmamatch make mo?

“Why would I?” pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ba ayokong tumigil. May part parin sa akin na gustong makatuluyan ni Kit si Kat.

“Ano ka ba Andy, eh di parang niloko mo ang sarili mo kung gusto mo na siya tapos nilalapit mo parin sa ibang girl” 

“Hindi yan.” I hope.

Nag-ikot ikot pa kami nun. Asa mall kasi kami eh. Wala lang, tambay lang. pastarbucks starbucks lang at syempre, christmas shopping narin kahit slight lang.

Nabilhan ko naman na kaagad yung family ko ng gift. Yung para sa friends ko siguro eh kapag mag-isa nalang ako. Ayoko ngang makita nila yung bibigay ko sa kanila.

Nagbowling pa kami pagtapos ng konting pamimili. Ang saya nga eh, yung natalo eh nanlibre ng ice cream. Muntik na nga ako matalo eh, buti nalang may mas bano pa sa akin. Wahaha joke! Basta ayun, partners kasi kami pagdating sa gutterball eh.

“Better luck next time nalang talaga Marla.” 

Pagtapos namin dun eh nagkayayaan ng umuwi. Si Vince kasi may dala ng transpo kasi siya naman yung may pinakalast na house na madadaanan kaya ayun. Hinatid narin niya kami. Mga 7 siguro nung makauwi ako. Hay, sabi nga nila, time flies when you’re having fun.

Naligo lang ako nun tapos natulog na. kekelanganin ko kasi ng energy para bukas eh. For sure paguran na naman bukas. 


*****



“Dali Andy! Mauubusan tayo ng ticket!” 

Ang pagsabi na kakaiba yung pinresent ng teachers sa amin is an understatement. SOBRANG KAKAIBA talaga. Isipin niyo nalang, nagmukhang theme park yung school namin, minus the rides. Yung pool nga namin eh, parang dinesign nila na parang “lovers’ tunnel”, how they managed to do that? I have no freaking idea.

“Wait lang! sina Cheeky ba meron na?.” 

“Yeah, kanina pa. Tayo nalang hinihintay!” 

Excited nga naman. Paano, nagtayo sila ng parang fun house dun na kakaiba daw sabi ng iba. Siguro parang tulad nung Alice in Wonderland nina Kit at yung haunted house. In short, magkahalo siya.

Pagpasok namin eh napangiti kaagad ako. Design palang astig na. Sobrang realistic kasi eh. Alam niyo yung mga haunted mansion type? Well parang ganun yung design dito. 

“Andy wag kang lalayo, baka ka mawala.” binatukan ko naman siya.

“Ano ako? 5 years old?!?” tumuloy na kami ulit nun. Grabe, ang cucute talaga ng mga designs. 

Napunta kami dun sa part na maraming tao. Ay, kaya naman pala eh. Andito pala yung mga pagkain. hay, no wonder crowded dito. 

“Vince kain muna tayo?” pero paglingon ko eh wala na si Vince. Hala naman. Tama bang mang-iwan?!

Lumakad nalang ako nun. Dumaan sa may sandwitch stand tapos naglakad na ulit. Napunta nga ako sa weird na room eh. Paano, puro kung anu-anong pananakot. Infareness yung dugo mukhang realistic. Hahaha.

Sumunod naman na room eh yung parang cute and cuddly room. Paborito ko nay un simula ngayon. Paano, yung room eh punung puno ng bears at parang pilows. Saya siguro matulog dun.

*ALERT SOUND*

Hala, ano kaya yun?!

Bigla namang may nagsalita sa intercom tapos sinabi na kelangan daw naming umalis. Ano kaya nangyari?

May mga ibang tao naman na nagkulitan pa. meron naman mga nagpanic. Hay naku, kakasabi lang kanina na don’t panic eh. Asus.

*Bam!*

Ouch! Loko yung taong yun ah! Palibhasa kasi naghaharutan eh! Aray, ku naman. Ang sakit ng pwet ko. Tatayo na sana ako nun ng biglang may nakita akong kamay sa harapan ko. Pagtingala ko…

“Kit?” 

“Ang lampa mo naman” tinago ko yung mukha ko kasi medyo nagblush pa ako nun. Hay nako, asar naman.

“Ang yabang mo!” at ayun, tumayo na ako. Sabay naman kaming naglakad papunta dun sa may exit. Si Kit nauna kaya siya na bahala magbukas ng pinto. Nagulat nga ako nung tinitigan lang niya eh. “A little hint Kit, baka gusto mong hawakan yung knob at i-turn?” 

“It’s locked.” nanlaki yung mata ko at agad akong pumunta dun. Tinwist ko yung knob, schocks, locked nga! Oh my gosh! 

“Waaa! Paano na tayo niyan!? Huhuh, gusto ko pa mabuhay!” 

“Wag ka nga magpanic. Wala naman naitutulong yan eh.”napalean ako sa wall. Hay, kelan pa kaya kami makakalabas nito?


*****



“Kit.” walang galaw. Ano ba ito, tulog? Tama bang tulugan ako?! “Kit.” ay sus naman oh! “Kit!” 

“ANO?!” meron siguro siya ngayon.

“Ano pwedeng gawin? Bored na ako eh.” tumingin lang siya sa akin na para bang nahihibang na ako.

“Matulog ka.” at ayun. Yumuko ulit siya. Hay, mag iisang oras narin siguro kaming stuck dito at feeling ko eh mamamatay na ako sa sobrang kaboringan. Wala talagang magawa tapos itong si Kit pa eh hindi naman masalita. 

Tumayo ako nun. Hay, mag-eexplore na nga lang ako kung ayaw niya kong kausapin. 

Lumakad naman ako at pumasok dun sa isang pintuan. Madilim dun kaya kinuha ko naman yung phone ko para may ilaw. Hay, sayang naman at naputol yung activity na ito, maganda sanang i-explore siya. Ano nga kaya nangyari?

Lumakad pa ako nun. Tinatakot ko pa nga sarili ko eh, wala lang, for fun lang. iniisip ko, paano kaya kung biglang may kamay na humawak sa shoul----

“EEEEEEK!!!” shocks!!! San galing yang kamay na iyan!? Waa! Bata pa ako! Ayoko pa mamatay!

“Kung aalis ka, magsabi ka. Hindi yung basta basta kang tatayo at papasok sa kung saan saan.” napatingin ako kay Kit. Teka nga, bakit sobrang lapit niya? Umusog naman ako ng konti. Pasalamat ako at madilim kung di makikita na niya na namumula ako. Hay, ito na nga ba ang ayaw ko eh.

“Wag ka naman manggulat.” 

“Hindi ako nangguguglat. Kanina pa kita sinusundan no.”

Kanina pa? eh di nakita niya yung mga pagtawa tawa ko mag-isa? Naku po, baka isipin nito nababaliw na ako. 

Lumakad na kami nun at nag-explore narin. Marami rami rin kaming kwarto na napuntahan pero hindi nga lang ganoon ka enjoy kasi hindi mo masyado makita yung nasa paligid mo. 

“Hay, sana naman i-continue na nila ulit ito.” tumingin ako kay Kit, ayun wala parin siyang reaction. Hay, ano ba kelangan kong gawin para magsalita naman ito? Kung ganyan lang rin siya eh di sana nagdala nalang ako ng stick, at least yun pwede ko pang ipang pukpok.

10 minutes..

“Anong oras kaya nila bubuksan ito?” 

“Ewan.”

20 minutes..

“Nagugutom ka na ba?” 

“Oo.”

30 minutes..

“Hay, sana buksan na nila ito..” 

“...”

Grabe! Nakakainis na itong kasama ah! 30 minutes na ang lumilipas at ang mga sinasabi pa lang niya eh “oo” at “ewan”. Ang nice niya ah!

Dala na rin ng inis ko eh binilisan ko yung lakad ko. Wala akong pakielam na kung tinatawag niya ako. Nakakaasar kasi eh. Bwisit na---

“AHHHHH~!!!” wahh!! 

*BAM!*

Ouch…ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Bakit umiikot yung paligid ko? Bakit…bakit…bakit ako nahihilo?

“ANDY!”

Si…si Kit yun ah…bakit parang…dalawa yata siya? Huh? Ano bang nangyayari? Bakit niya ako niyuyugyog?

“Hihingi ako ng tulong. Kahit anong mangyari, promise mo sa akin wag kang matutulog okay?”

“Kit anong…?” 

Kit…bakit nawawala ka na? 

“Andy..Andy! ANDY PLEASE!”

Napapikit nalang ako bigla and then the next thing I know…










































I blacked out.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon