chapter 5

4K 35 1
                                    

May nakita akong babaeng lumapit kay Kit tapos umakbay. Tumingin ako dun sa babae, mukha siyang mas matanda kay Kit pero wow, sobrang ganda. 

“Hi! I’m Karla. I’m Kit’s older sister.”

Ngumiti siya sa akin tapos nakipagkamay. At yun, nagpakilala naman kami sa kanila. Si Ate Cass naman eh nakipagchikahan na kay ate Karla. Ewan ko sa kanya, bigla nalang silang nag “click” bigla. Weird. Si Herc naman, well, what do you expect from him? Malamang nag game boy na naman. Binatukan ko nga.

Umupo narin naman na kami nun kasi magseserve na sila ng pagkain. To my luck, si Kit pa yung nasa tapat ko, swerte ko no? NOT. Ang tahimik nga niya eh. At yung last time lang na nagsalita siya eh nung nagpakilala siya sa parents ko. And take note, nobela pa nga yung sinabi niya eh…

“I’m Kit.” Oh diba? Pwede nang ipa-publish sa sobrang haba.

Masarap naman yung mga pagkain na hinanda. Tama yan Andy, imbis na isipin mong ipapakasal ka na, and take note hindi basta bastang kay Vince di tulad ng akala mo pero worse kay Mr. Kit Tasello pa, eh ikain mo nalang yan. Hay, pero at least ngayon, hindi ko na poproblemahin yung friendship namin ni Vince. 

“Oh Andy, Kit, bakit ang tahimik niyo yata?”

Napatingin ako dun sa mommy ni Kit. Buti pa siya mabait, di tulad nitong lalaking to na moody. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Naku tita, nagkakahiyaan lang yang mga yan.”

Sabi ni Ate Cass. Hmf, sumingit na naman yung epal. Nakakaasar.

“Oo nga naman ma, hayaan mo na sila.”

Kaya naman pala magkavibes sila ni Ate Cass eh. Nagkakasundo sila. Pero at least itong si Ate Karla eh hindi maarte kung di talagang maiinis na ako kasi may bago na naman akong makakaaway niyan. 

Tumingin ako kay Kit tapos napansin na hindi pa niya ginagalaw yung pagkain niya. 

“Hindi ka ba kakain?”

Nagulat siya sa akin tapos tumingin lang. Aba, hindi pa sinagot yung tanong ko at tumingin lang sa baba. Hmf. Ito naman sina mama eh tuwang tuwa. Ang “cute” daw naming dalawa. Ako cute alam ko yun, pero si Kit? I don’t think so.

“Sabi na nga ba’t tama lang ang desisyon natin mare eh.”

“Oo nga. Bagay na bagay talaga silang dalawa.”

Bigla naman tumayo si Kit nun tapos ang ikinagulat ko pa eh pumunta siya sa side ko at bigla ba naman daw ba akong hilahin. Umabot kami sa labas ng restaurant. Nasa isang floor ng isang malaking building yung restaurant. Anyways, hinila ako ni Kit papuntang elevator tapos may kung anong pinindot siya dun.

“Teka saan mo ba ako dadalhin?”

At ayun, hindi na naman siya namansin kaya ako eh naiinis na talaga. Ang ginawa ko? Piningot ko yung tenga niya.

“Aray!”

“Hoy kinakausap kita!”

Tumingin siya ng masama sa akin habang hinihimas niya yung tenga niya. Mukhang napalakas yata pingot ko kasi namula.

“Masakit yun ah!”

“Eh kasi naman diba! Kinakausap ka ng maayos tapos iisnabin mo ako.”

“Bakit, hindi ka ba marunong maghintay?”

“Maghintay? Eh kanina pa nga lang nung tinanong kita dun sa restaurant eh hindi mo ako sinagot! Baka abutin pa tayo ng Apocalypse bago mo masagot mga tanong ko!”

“Oi wag ka ngang exagge. ”

Tinignan ko naman siya ng masama tapos nun eh hindi na ako nakapagsalita kasi tumunog na yung elevator. Pagkbukas naman nun eh bigla niya ako kaagad hinila dun sa may stairs. Grabe talaga tong lalaking to! Kakaiba! Medyo mahaba rin yung inakyat namin tapos nun eh may pinto sa dulo. Pagbukas niya eh biglang sumalubong sa amin yung hangin. Whoa, nasa taas na pala kami nung building.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon