chapter 38

3K 21 2
                                    

Sa bahay na namin ni Kit ako umuwi ngayon. Wala na kasi akong uniform dun sa bahay eh kaya mahirap na. Kung maglipat naman ako eh baka isipin nila na may problema. 

Ang weird siguro ng feeling na maging invisible no? Andiyan ka nga tapos hindi ka naman pinapansin. Galit pa nga siguro siya sa akin obviously. Hindi nga siya makatagal ng kasama ako sa isang place eh. Paano, nung dumating ako at andoon siya sa may sala eh bigla ba namang umakyat sa kwarto niya. Now tell me, sinong hindi maiinsulto dun?

Hindi ko na siya masyadong pinansin pa at sa kwarto ko nalang ako dumiretso. Wala akong assignment nun kaya nagonline nalang ako. Kelangan na kelangan ko ng mabubuhusan ng sama ng loob. At right timing naman si mr. Cuteboi.

cuteboi: Hey.

sassygirl: hey..

cuteboi: msta?

sassygirl: e2…naguguluhan.

cuteboi: oh bakit naman?

sassygirl: hai…ewan.

Pati ako naweirduhan sa sagot ko. Hindi narin ako nagtaka na no comment siya dun. Pwede ko kaya siyang pagkatiwalaan?

sassygirl: can I trust u?

cuteboi: of course.

sassygirl: okay..

Hindi rin naman niya ako kilala so wala rin magiging problema yun diba? Anyway, sinabi ko sa kanya ng mga lahat ng nangyari. Syempre hindi ako nagbanggit ng names. Hind rin naman niya kasi kilala yung mga taong involved eh.

The next day, Friday, wala paring pagbabago. Gusto ko siyang kausapin pero siya na mismo yung lumalayo sa akin. Diba dapat maintindihan naman niya na hindi ko alam na hindi pala siya nagcecelebrate? 

Sobrang lumipad yung utak ko buong araw. Wala na nga akong maintindihan sa mga tinuturo sa amin eh. Nung uwian, hindi ko na nakayanan kaya umalis ako ng walang nakakaalam. Dumiretso ako dun sa park na hindi pag-iisipan ng iba na pupuntahan ko. Dun sa park sa village nina Kit.

Malayo layo rin yun. Kinailangan ko magjeep at trike para makarating dun. Ayos lang, worth it naman kasi walang makakagulo sa akin.

Maghapon akong hindi umuwi. Gulung gulo talaga yung isipan ko sa mga nangyayari. Paano hindi magiging ganoon eh ilang araw na rin ang nakakalipas at hindi parin matanggal sa isipan ko yung mga nangyari nung birthday ni Kit. Pakiramdam ko eh total stranger ang dating ko sa kanila. Hindi ko nga maintindihan eh pero nalulungkot ako dahil wala man lang akong alam kay Kit. Pero…bakit nga ba gusto kong meron?

Napatingin ako sa paligid ko habang nagsiswing. Walang tao. Napabuntong hininga naman ako tapos tumingin lang sa langit.

Siguro pinaghahanap na nila ako ngayon. Hindi kasi ako nagsabi sa barkada ko or kina mama na dito ang punta ko. 

Narinig kong tumunog yung cellphone ko pero pinatay ko lang siya. Wala ako sa mood para makipag-usap nung ma oras na iyon. Gusto ko lang, mapag-isa.

*****

“uy si Ate oh!”

Ano ba naman iyan, ang ingay. Ow, ang sakit ng ulo ko, bakit ba ang tigas ng kama ko ngayon? Ano ba ito, gawa sa bakal? 

Natauhan naman ako bigla. Hindi naman ako umuwi kanina diba? Dinilat ko yung mata ko, madilim na pero buti nalang may ilaw. 

Teka, diba sina Thammy at Thor ito? “Thammy? Thor?”

“Sabi sayo kuya Thor eh maaalala pa niya tayo.”

Napangiti naman ako sa kanila tapos lumapit na sila pareho. Tinanong ko naman kung bakit gabing gabi na at lumabas pa sila. Ang sagot lang nila eh dahil may binili daw sila sa tindahan.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon