chapter 44

3.1K 23 0
                                    

Nanlaki yung mata ko sobra. Akala ko pa naman si Omar yung nahila ko, siya pala. Naku po! 

“Ahh…ano…umm…hindi naman para sayo yun eh.” grabe, feeling ko talaga sobrang pula na ng mukha ko. Feeling ko nga eh mukha na akong gitna ng siopao. 

“Akala ko ba pupunta tayo sa ibang galaxy?” fine, sige ipamukha mo pa. Hay nako.

Tinignan ko lang siya ng masama. Bwisit naman oh, sa lahat pa ng pasasabihan ko ng problem ko tungkol kay KIT eh kay KIT ko pa nasabi. Asar talaga. I just hope na hindi niya nagets yung sinasabi ko.

“As if naman pwede diba. Tara na nga.” binilisan ko na yung paglalakad dahil hiyang hiya na talaga ako. Hanggang sa makarating sa bahay eh hindi ko na siya pinansin. Grabe talaga. Sana nilamon nalang ako ng lupa. Kasi naman eh, ayaw makisama. 



*****



Saturday. Training kami ngayun. Grabe, hindi ako makapaniwala na December na. Ilang weeks nalang eh magpapasko na. Ilang weeks nalang at…alam niyo na.

“Miss Ongpauco ano ba! Bakit wala ka yata sa sarili mo ngayon?!”

Nagsorry naman ako sa mga kasama ko at kay coach. Tuluy tuloy yung practice. Grabe nga eh, nakakapagod. Papaano, simula 7 ng umaga hanggang 11 ang training namin. Hindi rin naman sadista si coach no? Pero ayos lang, may game narin kasi eh, malapit na.

Ang nakakainis nga lang, pati sa class eh busy narin. Paano, exams na namin next week kaya todo habulan na naman ito. The week after kasi nun eh magkakaroon na naman ng parang festival. Basta, another pautot ng may ari ng school. Para daw naman may certain “bond” ang students ng MPU.

Pagtapos ng practice nagkayayaan pa kami sa mall. Wala lang, tambay lang. Syempre nakaligo at nakapagpalit narin kami. Hindi rin naman kami ganun kababoy na magmamall tapos amoy pawis na. 

Lakas ng trip ng mga kasama ko grabe. Todo laughtrip nga kami eh. Paano, may isa silang ginawa na maghehello sa isang stranger tapos akala nung tao eh nasa wow mali siya. Grabe talaga, tawa kami ng tawa after nun.

Bonding kami buong araw. Nag-arcades kami, kumain at syempre nung hapon eh napagplanuhang manood ng sine. Hanep, lahat yata kami crush si Captain Jack kaya pirates yung pinanood namin.

“Ako na bibili ng food.”

“Naks! Si Andypot kuripot manlilibre!”

“Tungaw! Sabi ko ako bibili, hindi ko sinabi ako magbabayad. Sira ka talaga. Bayad niyo oy!” 

“Akala ko pa naman makakalibre ako niyan!”

“Asa pa!” nanlilibre rin naman ako, kapag may special occasion talaga. 

Pumunta na ako dun sa bilihan ng popcorn. Asar nga sila eh, masyadong nagtake advantage tapos nagpabili ng marami. Hmf, gagantihan ko yang mga yan. 

Nakapila na ako nun, medyo matagal rin kasi yung nasa harap ko, ang daming inoorder. May balak yatang magpicnic sa sinehan eh. 

“Oh talaga?”Teka, si Kat yun ah!

Napatingin naman ako dun sa nagsasalita. Andoon sila sa may entrance ng sinehan at mukhang papasok na. 

“Oo nga.” if I had known na may “DATE” pala sila dito eh sana hindi nalang ako sumama. 

“Hay, buti free ka ngayon. Feeling ko kasi tagal na nating hindi nagkakasama eh..”

“Magkasama tayo parati sa school.” 

“Oo nga pero iba parin yung hang-out talaga...” napansin ko namang ngumiti siya na parang nagdadaydream. “hay, memories..”

“Miss bibili ka ba o hindi?! bigla naman akong nagulat. Ako na pala. 

Mukhang nairita nga yung sumunod sa akin eh, paano muntik ko pang malimutan yung pinapabili nila. Hay, ang weird talaga, parang yun lang nabother na ako. Teka, nabother nga ba ako? Ah ewan! Bahal na nga!

Pagpasok ko sa loob eh medyo nahirapan pa akong hanapin yung mga kasama ko. Malamang madilim at syempre bawal sumigaw. Buti nga at hindi ako nagkamali eh…kung di..naku po. Laking kahihiyan niyan.

“Tagal mo ah!”

“Sorry po! Mahaba pila eh.” inabot ko naman sa kanila yung pinabili nila at nanood na. Grabe, ang “hot” talaga ni Johnny Depp.

“Oh my gosh! Ang cute talaga..” oh no, wag mong sabihin nasa…

“Sshh, baka pagalitan tayo.” harap namin sila. Oh gosh. Pagkaminamalas ka nga naman oh.

Hindi ko na enjoy yung movie sa totoo lang. hindi dahil sa hindi ito maganda, I assure you sobrang ganda nung movie talaga, promise, pero dahil narin siya dun sa dalawang taong nasa harap ko. Kilala niyo na siguro sila. Ewan ko nga ba eh kung bakit ako nagkaganun. Ayun tuloy, yung mga kasama ko eh sobrang saya na nakikipagkwentuhan tungkol sa movie at ako eh hindi makasali kasi hindi ko naintindihan talaga.

“ANDY!”

“EH?” 

“Kanina ka pa tulala diyan ah..”

“Aw, sorry..” nakita ko silang umiling lang pero hindi ko pinansin.

Nag-ikot ikot pa nga kami nun eh. Syempre, nagshopping yung iba at may iba naman nag-arcade. Ako? Ayun, tulala at naguguluhan. Saya kong kasama sa mall no? NOT.

“Huy, sabi ko aalis na kami. Bakit ba parang tulala ka yata ngayon?” parang lang ba?

“Ah…ano, may iniisip lang ako.” tunmango lang sila tapos yumakap na at umalis. Pinanood ko lang sila hanggang sa makalayo tapos tumalikod na. “Oh tara---” hAla! Ako nalang palang mag-isa ang natitira dito!? Grabe naman yun! 

Wala pa ako sa mood umuwi nung mga oras na yun kaya umikot nalang muna ako. Wala nga ring saysay yun kasi hindi naman ako tumitingin sa stores. Kung baga, parang ubos oras ko lang yun. Feeling ko kasi nasa bahay sina…well, kilala niyo na.

“Andy?” oh goodness, please sana hindi si Kat ito. “Uy ikaw pala! Sinu kasama mo?”

Humarap ako sa kanila tapos ngumiti. “yung mga kateam ko. Kaso umuwi na sila eh.”

“Sumama ka nalang muna samin.” nagulat naman ako dun. Tumingin ako kay Kat at halata mong nalungkot siya. 

“Naku hindi na! pauwi narin ako.”

“Tara, medyo pagod narin ako eh.” 

Ugh! Ang hirap naman makapick up nitong lalaking to! Naman eh!  “Ay sige kahit ikot muna sandali. May bibilhin rin kasi ako sa bookstore.” Pagtapos nun eh naglakad na ako. Binilisan ko nga lakad ko eh para magkaroon naman sila ng ‘alone time’. 

Pagdating ko sa bookstore eh nag-ikot kaagad ako at nagtago. Sana naman hindi nila ako muna mahanap.

Nakita ko naman silang pumasok tapos mukha silang masaya. Napasimangot ako sa hindi ko malamang dahilan. Para bang…ang sakit.

Bakit mo ba kasi ginagawa ito Andy? Bakit ka nagpupumilit na ipagsama sila kung ganito rin naman ang nararamdaman mo? Nahihibang ka na talaga!

Napalean naman ako sa wall tapos umupo. Ang weird nga ng hitsura ko nun at alam kong pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan pero wala akong paki. Niyakap  ko yung mga binti ko tapos tumungo. 

Ito ba talaga ang gusto mo Andy? Ito ba talaga ang kasiyahan na hinahanap mo? Kung ito nga, bakit hindi ka masaya? Bakit ka parating nalulungkot at namomroblema? Bakit?

Tumayo ako at umiling. Napatingin nga yung mga tao pero hindi ko sila pinansin. Hindi ko naman sila kilala eh.

Ito ang gusto ko. Ito. 

Lumakad na ako, napabilis pa nga kaya…


*TOINKS*

..siya pa ang nakabunggo ko. “Sorry.”

“nahanap mo na ba yung bibilhin mo? Dali. Gusto ko na umuwi.” 

Umiling lang ako at naglakad na ulit papunta sa malayo sa kanila. Inabot siguro kami ng mga 30 minutes dun kaya sobrang nainis si Kit.

“Ano ba talaga yung kelangan mo?! Mag-30 minutes na tayo dito tapos ikot ka lang ng ikot. May bibilhin ka ba talagA?!” 

“meron nga!” tumingin lang siya sa akin ng may pagsususpetsa tapos ako naman eh napaisip ng plano. Anong lusot mo ngayon AndY?

“Um, sa katunayan, nahanap ko na! umm..eto..” ni-stretch ko yung kamay ko tapos kumuha ng kung anong libro dun sa tabi ko. “Eto! Eto yung kelangan ko.”

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nahihibang na ako.“Sigurado ka?” 

Napatingin nga ako pati kay Kat eh pero may parang tinitignan siya dun sa gilid. “O-oo!”

“Okay, care to explain kung bakit kelangan ng isang babae ang…” 







































“..guide sa panliligaw?” oh shoot me please!

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon