chapter 80

4K 46 13
                                    

"Seryoso ka talagang yan lang ang susuotin mo?! Ayaw mong magpalit?" umiling lang ako sa kanila at ngumiti. Magpapalit? Ayoko nga! Ang unique nga ng suot ko eh. Saan ka ba nakakita ng babaeng pupunta ng prom ng naka jersey jacket, pants at chucks? Oh diba?

"Makulit rin kayo eh no?"

"Naninigurado lang Andy. Malay mo, nalimutan mo lang or something..."

"Sure ako."

Nung buong trip eh todo chikahan yung team mates ko. Grabe nga eh, puro mga boys pa topic nila. Laking pasalamat ko nalang talaga nang makarating na kami sa hotel.

Nung bumaba kami eh saka lang ako nakaramdam ng hiya. Sobrang ganda kasi talaga ng suot nila tapos ako eh nakajeans at jacket lang? Si Andy Ongpauco lang yata ang ganyan.

Pumasok na kami nun pero ako eh dumiretso muna sa CR. Nagpaalam pa kasi ako kay Mama. Natawa pa nga siya eh, sabi niya nagpapakipot lang daw ako. Sabi ko, sobrang unexpected lang talaga kaya ako pumunta. Nag-offer pa nga siya na dalhan ako ng gown pero sabi ko ayos lang at wag nalang.

Sunod ko namang kinontact eh yung sina Cheeky. Napatili pa nga sila nung malaman nilang nandito ako and in no time eh sobrang takbuhan sina Marla at Cheska. Grabe ah, ang bibilis nila.

"niyak, anong gimik yan? Bakit ganyan suot mo?"

"Walang time mag-ayos eh."

"Ayusan ka namin."

"Nah. Ayos na ako ng ganito."

Sabay sabay naman kaming pumasok nun sa loob. Lahat talaga ng makakita sa akin eh napapanganga dahil sa napaka "engrandeng" suot ko. Not. Basta lahat sila eh nagtataka kung nababaliw na ba ako o kung ano mang trip meron ako.

"Whoa, as far as I can remember, wala yatang prom na nagpapasuot ng casual wear."

Pinalo ko lang siya nun tapos binalitaan ko na sila about dun sa mga nangyari kanina. Syempre, happy naman sila para sa akin dahil maayos narin finally. Sana.

"Yo! Andy, yan na ba ang bagong "in" na gown?" natawa tawa pa ako nun nung dumating si Omar at si Myka. Si Myka eh pinayagan na makisama kasi nag-aral naman siya sa MPU.

"Grabe, isang Andy ongpauco lang talaga ang kilala kong magsusuot ng ganyan." Napangiti lang ako.

Kinuhanan naman ako ng food ni Vince tapos ayun, kumain kami. Sina Marla naman, ano pa ba? Malamang nagsayawan sa dance floor.

"Ew! Nakakadiri naman yan. Ang laking kahihiyan para sa ating mga babae."Whoa, buhay pa pala tong kontrabidang ito.

"Oo nga eh, tignan mo naman, napakawalang taste. Nakakadiri. Baka isipin pa ng iba na ang mga MPU girls eh jologs."

Natawa lang ako sa mga pang-aasar nila. Ewan ko ba, kahit anong gawin kasi ng ibang tao eh hindi mawala wala yung ngiti ko.

"Kung ako kahihiyan, paano pa kaya kayo? Mukha kayong kabayo na may make-up na pang clown." nag-usok yung mga tenga at ilong nila tapos umalis na silang pareho. Ang bilis naman nilang maasar. Asus.

Umalis narin sila nun tapos naiwan na ulit ako mag-isa sa table kasi sumayaw narin yung iba naming kasama. Tumingin lang ako ng tumingin sa tao sa paligid. Sobrang saya nila nung mga oras na yun kaya napangiti rin ako. Mali pala ako. WORTH IT naman palang pumunta sa prom dahil gaya nga ng sabi nila, it MIGHT be the last time na makikita mo yung kabatch mo. Hindi mo na kasi alam kung kelan ulit kayo magkikita eh, syempre, college na nga.

"Huy, wag ka namang maging lumot diyan at tara sayaw tayo dun!"

Ayoko talaga sumayaw nung mga oras na yun pero nahila na ako nina Cheeky. Hindi talaga ako mahilig sa mga musis na lively yung pagsasayaw pero ayun, napilitan narin. Nangblackmail kasi itong baklita na ito eh.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon