chapter 37

3.1K 27 0
                                    

Hindi. Hindi pwedeng mangyari yun. Napakaimposibleng magkagusto ako sa kanya. Baka…tama! Baka nalulungkot lang ako dahil hindi ko siya ganoon kakilala at parang friend narin ang turing ko sa kanya. Tama, yun nga yun. Imposibleng mangyari talaga yung naisip ko kanina.

Dumidilim na pala hindi ko man lang napansin. Oh well, ganoon naman daw talaga diba? Kapag nag-iisip ka eh hindi mo na masyadong napapansin yung mga nasa paligid mo. 

“Sabi ko na nga ba andito ka lang eh.”

Napalingon naman ako kay Vince. Sabi ko nga eh malalaman niyang andito ako eh. Umupo siya dun sa tabi ng swing na inuupuan ko. Mukhang hingal na hingal nga siya eh.

“Pikit.” tinignan ko naman siya na parang naloloko. Ganun ba nayugyog ang mundo niya kaya nagkakaganyan siya ngayon?

“Teka ano na bang nangyayari sa iyo?!”

Tumingin siya sa akin tapos umiling iling na parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko. “Don’t tell me na nakalimutan mo na?”

Tinaasan ko naman siya ng kilay tapos nun eh tumawa siya.“Basta, pikit na.”

Sinunod ko naman yung sinabi niya tapos nun eh naramdaman kong kinuha niya yung kamay ko. Parang may hawak siyang maliit na jar tapos may naramdaman akong maliit na parang…Stars?

“Bunot ng isa.”

Sinunod ko na naman ulit yun. Naalala ko na. Dumilat na ako nun tapos nakita kong nakangiti siya sa akin. “Alala mo pa nung mga bata tayo? Nasa France pa tayo nun. Kapag may problema tayo eh bumubunot lang tayo ng isang star mula sa jar na ito tapos gagawin natin kung ano man yung nakasulat. At pagtapos nun eh makakalimutan na natin yung problema natin at magiging masaya na ulit tayo.”

Napangiti ako sa kanya. Ang tagal narin pala nung last naming ginawa ito no? “Ano nakalagay?”

Binuklat ko naman yung star tapos binasa. Nanlaki yung mata ko dun sa nakita ko. “Umm…talaga bang kelangan kong gawin to?!”

“Oo naman. It’s tradition. Bakit ano bang nakalagay??” tinry niyang silipin yung papel pero tinago ko kaagad yung papel.

“Umm…pwedeng bunot nalang ulit ako?!”

“Ano ka ba? It can’t be that bad?”

Nagbuntong hininga ako tapos tumingin sa kanya. “OH but it is…” tinaasan niya ako ng kilay tapos huminga ulit ako ng malalim at binasa yung papel. “Sabi dito…kelangan ko daw tumakbo habang sinisigaw ang… ‘DARNA!’,” 

Narinig kong tumawa ng napakalakas si Vince. Hay, not helping! “Wag ko nalang siya gawin please?”

“Nah-uh! Kelangan! It’s tradition nga diba?” ni-roll ko naman yung eyes ko tapos nun eh tumayo na. Gosh, mas gugustuhin ko pang kumain ng dirt kesa gawin ito eh. nakakahiya kaya! Tapos kilala pa ako sa village namin. Hala. 

“Sabayan mo ko ha!” 

“Of course! Paano ko malalaman kung ginawa mo talaga diba?”at ayun, natawa na naman siya. Bwisit na ito, akala siguro eh nanonood ng comedy film sa tv. 

Pumunta naman kami dun sa kalsada tapos andoon siya sa tabi ko. Alam ko na, pipikit nalang ako. 

“Ready pot?”

Tumingin ako sa kanya at tumango. Nagcount down pa siya tapos nun eh pumikit na ako. 

“…2…1, GO!”

At ayun, tumakbo na ako as nagsabi ng, “DARNA!” 

Okay na sana kung yung sasabihan lang ako na wag ako maingay. Kaso iba ang nangyari. SOBRANG nakakahiya talaga. Oo hindi nawala yung mga…

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon