chapter 40

3.2K 22 1
                                    

Am I dreaming? Totoo ba talaga itong nakikita ko? Nilapitan ko yung painting tapos mas lalo akong nagulat. Halu halong emosyon yung mga naramdaman ko. Tuwa, pagtataka at pagkagulat. Grabe, bakit siya magpipinta ng ganito?

Nasa canvas sa harap ko eh 2 taong nakatalikod at magkaakbay. Hindi mo makikita yung mga mukha nila pero sigurado akong kami yan nung nasa sementeryo palang kami. 

Napatingin naman ako sa parang post it dun sa gilid ng canvas. May message?

“We must take risks in order for things to happen. Don’t wait for that important thing for you to disappear before you take action. Life is too short. We must not hide what we truly feel nor live on those ‘what if’s? alone’.”

Naks naman. Sosyal naman niyang message na iyan. Ano kayang gusto niyang iparating?

Umupo muna ako dun sa harapan ng painting. Kakaiba yung naramdaman ko nung mga oras na yun. Feeling ko bumalik yung hindi ko maintindihang pakiramdam. 

Lumabas na ulit ako ng art room. Hindi ko na talaga nagugustuhan itong nararamdaman ko. Hindi siya pwede. Hindi. Imposible talaga. 

Diba? :’(

Pumunta ako sa classroom namin at iniwan yung bag ko dun at lumabas muli. Dumiretso ako sa fields para makapag-isip isip rin naman. Umupo ako dun sa ilalim nung isang malagong puno at isinandal yung ulo ko. 

Hay, bakit ba ganito? Bakit ba kelangan maging kumplikado ng buhay ko? Oh baka naman ako lang ang gumagawa ng kumplikasyon? Ah ewan! Hindi ko na talaga maintindihan.

*****

May naramdaman akong biglang gumalaw sa tabi ko. Teka, anong meron? Dinilat ko yung mata ko tapos medyo nasilaw pa ako kasi ang liwanag na. 

ANO?! Maliwanag na?! Bigla naman akong napaayos ng upo at tumingin sa paligid. May mga nagsosoccer na mga lalaki dun sa fields. Whew, akala ko lagpas bell na. 

“Did you know na naghihilik ka pala?” naman, bakit ba lahat nalang nagsasabi na naghihilik ako? Baka nga totoo? No!! impossible!

“Omar?!” ngumiti siya sa akin tapos nun eh nag lean.

“Ganda naman ng extension ng bedroom mo. May touch of nature pa. Pati ako nadamay at naging unan.”

Napatawa lang ako sa kanya nun. Pero teka nga, wala naman siya kanina diyan ah?

“Wala ka naman dito nung nakatulog ako ah?!”

“Wala nga. Pero sa tingin mo ba eh hahayaan kitang tulog diyan at defenseless mula sa mga masasamang elemento sa paligid mo?” asuuu…may elemento pa siyang nalalaman. If I know ha!

“Yeah sure. Anong oras na?”

“It’s 6:30 a.m. Grabe ka ah. May pagkaearly bird ka pala. Naabutan kita dito eh mag 6 palang. Anong oras ka ba pumasok?”

“Dunno, 5:30 yata?”

Umiling iling naman siya nun tapos pinalo ko lang siya. Sabay naman kami nung umakyat kami papuntang classrooms. Nagkatinginan nga yung mga tao sa amin eh. Naku, mga tsimoso. Naghahanap na naman siguro ng itsitsismis. 

“Ge, una na ako.” aalis na sana ako nun kaya lang hinigit niya bigla yung kamay ko.

“Hep, ano ka? Ihahatid kita no.”

“ngek. As if naman may mangyayari. Wag na no! babalik ka pa dito ulit niyan. Kaya ko na,”

“Nope. Hindi ako papayag.” napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang choice ko? 

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon