chapter 22

3.3K 28 1
                                    

Paglabas ko dun eh nakita kong nasa parang garden na ako. Napatingin naman ako sa mga nakatayo dun sa may bush. Pinipintahan nila yung white roses ng red. At last! Nakahanap rin ng scene na pang Alice in Wonderland talaga. Yun nga lang, ang iba yung costume nila. Imbis kasi na cards sila eh naka shirt sila tapos nandoon yung sign ng heart or clover.

Tinanggal ko na sa isip ko yung last na sinabi ni Kit kasi alam ko naman na part yung ng pagiging si Beast niya. Yeah, tama. Yun nga yun. Impossible naman na may iba pang meaning yun diba? Diba? 

“Miss Rabbit wait!!”

Tapos biglang napatigil ako kasi may nakita akong mga taong paparating. Yan na siguro yung queen. 

“YOU! WHAT ARE YOU DOING HERE IN MY PRECIOUS GARDEN?!”

Teka, parang iba yata yung sinasabi niya ah?! Napatingin naman ako sa queen…yup! Kaya naman pala eh. Yung queen eh walang iba kung di si…

“Keri?! Ikaw yung queen? WAHAHAHA!!” halata mong namula siya sa galit tapos nun eh kumuha pa yata ng parang stick dun at handa yata akong paluin kaya naman kumuha rin ako ng akin. We ended up having this weird sword fight.

“I’m not afraid of you!!”

“Neither am I! I’m the queen and you’re just a lowly spec of dust in my territory! I can make you vanish anytime I want!!”

Naglaban pa kami nun tapos nun eh biglang parang may clock tumunog. Yung tunog ng pang mga grandfather clocks. Oh, signal na siguro yun na tapos na yung maze. Nakita ko naman na initsa ni Keri yung stick niya sa isang side tapos nagsimula nang tumakbo palapit sa akin. Okay! That’s my cue. RUN!

Tumakbo naman ako at minsan eh lumilingon sa likod. Grabe, ang dami siguro ng members dito kasi ang dami nilang humahabol sa akin! Hindi pa kasama yung mga characters kanina no! Feeling ko talaga bibigay na yung paa ko kaya nga ba nung may makita akong ilaw sa end nung tinatakbuhan ko…

“SAFE!” Finally! Nakalabas din! Lumingon ako sa likod ko tapos nakita ko na sinarado na nila yung pintuan tapos nun eh nakangiti yung parang student guards nila sa akin. 

“Thanks for coming to Alice in Wonderland. We hope that you enjoyed your stay.” Sabi nila eh pwede ko daw itago yung damit as a souvenir ko daw. Astig nga eh. 

Tinuro naman nila yung dressing room kung saan pwede akong magpalit. Syempre no, hindi naman ako tanga para magsuot ng Pang Alice buong araw no. Pagtapos kong magbihis eh lumabas na ako. Grabe, ang saya talaga nun! That was one hell of an experience!

“Hey Andy!”

Nakita ko naman si Myka na mukhang kakalabas palang. How they managed to have multiple customers at once? I have no freaking idea.

“Myka! Enjoy no?”

“Oo sobra as in! Nakakatuwa yung mga Characters nila. Nakita ko pa nga sina Cheska at Cheeky eh. Grabe ang hirap nun. Naloko nila ako dun sa ginawa nila.”

Napaisip naman ako. Hmm, nakasayaw rin kaya niya si Kit?

“Tapos yung sa beauty and the beast part, and weird nung guy na nakasayaw ko. Panay ang tapak niya sa paa ko. Hindi nga yata marunong sumayaw eh..” whoa, sayang naman at hindi niya naabutan. Hay, kung siya siguro napauna ko eh makakasayaw sana silang dalawa. Tanga mo naman Andy!

“Andy? Okay ka lang ba?”

“HA? Eh oo! Masyado lang akong na-amaze sa mga special effects at designs nila. Lalo na kay Peter Pan.”

“Hehe, oo nga. Pero grabe, nakakapagod din yun! Gusto mong kumain muna? Nagutom kasi ako eh.”

Tumango lang naman ako sa kanya tapos ayun, nagpunta na kami sa food street at bumili ng makakain namin. Dun kami sa vacant fields nagstay para kumain. Nagtext rin naman ako sa mga kabarkada ko in case na hanapin nila ako. 

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon