chapter 67

3K 22 0
                                    

Isang araw siguro akong nagkulong sa kwarto ko nun. Maybe more. Basta alam ko lang, after nung encounter with Kit eh parang nawalan na ako ng buhay. Para bang ayoko nang lumabas, ayoko nang makipag-usap sa iba. 

“Andy, hindi mo parin ba kayang pumasok?”

Tumingin lang ako kay Mama. Sobrang naging supportive niya nung mga huling araw. Pinayagan niya muna akong makapagpahinga mula sa mga hinaharap ko sa school. Grabe nga eh, akala ko talaga nung una eh pipilitin niya akong pumasok hindi pala.

“Feeling ko ma, kapag pumasok ako eh anytime pwede akong magbreak down.”

Totoo yan. Minsan sa isang araw, bigla nalang akong maiiyak. Nakakaasar nga eh, bakit ba kasi nahantong sa ganito ito? Sana hindi ko nalang nakilala si Kit. Sana, iba nalang ang minahal ko.

“Bibisita raw sina Vince mamaya…pinapasabi nila.”

“Thanks ma.” ngumiti lang sa akin si mama nun tapos niyakap ako.

“Alagaan mo sarili mo Andy…”

Tumango lang ako nun tapos siya eh lumabas na ng kwarto. Buong araw naman eh sa kwarto ko lang ako. Lalabas lang ako kapag gutom ako. Alam kong mali yung ginagawa ko, na sinisira ko yung buhay ko, pero hindi ko pa talaga kaya.

*****

“Kamusta ka na?”

“Medyo hindi parin okay.”

“Gusto ko lang paalam sa iyo Andy, hindi na ikaw yung Guinevere. Si Marla nalang. Naintindihan naman ng iba yun so walang problema.”

Ngumiti naman ako kay Cheeky at nagthank you. Ilang sandali lang rin eh dumatin na sina Marla at Stephen kasama si Omar. 

“Grabe Andy, mukha kang kinuhanan ng napakaraming dugo...”

“Hello rin sa iyo Omar..” umupo siya nun sa tabi ko tapos tumingin lang na parang awang awa sa akin. “Don’t look at me like that..”

Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang naging awkward bigla kasi sobrang tahimik. Buti nalang at nagsalita na si Cheeky at nabasag na yung katahimikan. 

*****

5 days na akong absent. Hanggang ngayon hindi parin ako makatayo ulit. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh. kung bakit ba kasi hinayaan ko siyang umabot sa ganito. Siguro nga tanga na ako para gawin yun. 

“Ate, kakain na daw.”

Tinignan ko lang si Herc na hawak hawak yung gameboy niya at umupo sa tabi ko. “Hindi ako kakain Herc, pasabi nalang kay Mama..” sabi ko sa kanya tapos pumikit na.

Hindi ko naman naramdaman na gumalaw siya kaya tinignan ko ulit siya. Nagulat nga ako kasi nakaextend yung kamay niya tapos parang inaabot niya sa akin yung gameboy niya. Anong gimik nito?

“Sayo muna to.” hinawakan ko naman yung gameboy niya at tinaasan siya ng kilay. Eh dati nga halos magpatayan kami para lang mahiram ko ito tapos ngayon…? “Baka sakali lang na bumalik yung dating Ate Andy ko…” 

Nangilid naman yung luha ko nun at hindi ko narin napigilan yung sarili ko kaya yumakap nalang ako sa kanya habang umiiyak. Hindi ko talaga inakala na si Herc eh magiging ganito yung reaksyon. Akala ko wala siyang magiging kinalaman pero pati pala siya nasasaktan narin.

“S-Salamat Herc. Sorry ha…pati ikaw naapektuhan sa pagiging ganito ko...”

Yumakap lang siya ng mas mahigpit nun tapos ako naman eh lalo lang napaiyak.

Ilang sandali lang rin eh kumalas na kami tapos natawa sa hitsura ng isa’t isa.

“Alagaan mo yan Ate ah…”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon