Chapter 17 Surprise

9.3K 123 53
                                    

Chapter 17 Surprise

Ito na yung perang kailangan mo, kapalit nang makikipaghiwalay ka sa anak ko. Julia, mas magiging Masaya ang mga buhay nating lahat kung ikaw ang lalayo. Maipapagamot ang Lola mo, matatahimik ang buhay mo, at si DJ, kung talagang mahal mo sya kaya  mo magsacrifice. Maabot nya ang pangarap nya nang hindi ka nakakasagabal. Pag-isipan mong mabuti… Maging praktikal ka.

Isang oras na kong nakatitig sa tsekeng hawak ko galing kay Ms. Karla. Ito pala yung sinasabi nyang magagawan nya nang paraan. Matagal nap ala nyang alam na girlfriend ako ng anak nyo pero ngayon lang sya nagsalita. Kaligtasan ng Lola ko kapalit ng taong mahal ko. At this age, bakit sa mga ganitong desisyon na ako humaharap? How I wish katulad ako nang isang normal na teenager na me, myself and I lang ang iniisip.

Pero ako si Julia…ipinanganak para maging kumplikado ang buhay. Kailangang magtrabaho sa murang edad, lumaki nang walang mga magulang, tanggapin lahat ng mga surpresa ng buhay, at magmahal sa isang taong mahirap mahalin. Masasabi mo bang swerte ako? Dhil para sakin, ang malas malas ko.

Bumalik ako sa realidad nang tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali akong napatalon sa higaan para kunin ito.

“Hello?” Sagot ko na hindi na tinignan kung sino ang tumatawag.

“Goodmorning sa angel ko.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na yun.

“DJ?” Gulat kong tanong.

“Oh, bakit gulat ka? Ayaw mo bang marinig yun boses ko? May inaasahan ka bang ibang tawag?” Tanong nito. Sus, duda kagad?!

“W-wala…di ko kasi nakita kung sino…Napatawag ka?” Tanong ko ulit. Im not in the mood para makipagbiruan. Besides, nagtatampo na ko, ngayon lang nya ko ulit tinawagan!

“I’m on my way to your house. Nasa pilipinas na ko.” Sabi nya. Sa pagkakaalam ko after 2 weeks pa dapat sya uuwi? Bakit napaaga?

“Ah ganon ba…Bakit di ka na lang muna magpahinga?” Ang nasabi ko na lang. Nagtatampo ako di ba?

“Hmm…bakit ganyan ka? Galit ka ba sakin? Ayaw mo ba ko Makita?” So totoo lang miss na miss ko na sya. Pero kailangan ko nang paliwanag sa kung bakit hindi nya ko tinatawagan or text man lang at kasama pa nya si Kathryn last week. Gusto ko na magselos talaga!

“Sino kaya ang may ayaw? Wala ka ngang text or tawag 2 weeks na di ba? Tapos ako pa ngayon sasabihan mo nya.” Hindi ko na napigil ang sarili ko.

“Sabi na eh…Sorry na, sobrang busy talaga non tsaka pag nadinig ko boses baka hindi ako makatiis umuwi na lang ako. Kaya nga din napaaga uwi ko, sobrang miss na miss na kita!” Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi convincing pero kinikilig ako. Bakit ba pagdating sa smooth talk talented talaga sya?!

“Magbihis ka na… aalis tayo. 5 minutes nanjan na ko.” Naalarma ko sa sinabi nya. Haggard na haggard ako kakaisip sa mga problema, baka magtaka yun pag nakita nya kong parang lukaret na ewan at ayoko ipaalam na sa kanya ang tungkol sa problema ko kay Lola.

“San tayo pupunta?” Tanong ko kaagad.

“May taping kami sa KrisTV. Punta muna tayo don, afterwards, lunch tayo okay lang?” Tanong nya ulit.

“Ah..okay, magbibihis lang ako hintayin mo ko sa sala, kabisado mo naman na sa bahay eh bahal ka na.” Sabi ko. At home na at home naman na kasi sya sa maliit naming bahay at alam naman nya pano bubuksan.

Pagtapos ng 10minutes, nakagayak na ko. Pagbaba ko papuntang sala, nandun na si DJ nanonood ng TV.

“Tara na?” Nagulat pa sya nang magsalita ako. Mukhang malalim kasi yung iniisip nya at parang tulala na lang sya sat v.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon