Chapter 6 Early Call

10.9K 158 24
                                    

Chapter 6 Early Call

Sender: DJ P.

Recepient: Julia M.

Message: 2morow @6am sharp. Is2ama ko n c Basha direcho praktis aftr guesting. Don’t b l8! Reply ASAP!

Kahahatid pa lang sakin ni DJ nang magtext kagad. Unang utos! Ang aga naman! 6 AM! Ibig sabihin dapat mga 4:30 gising na ko kasi gagayak pa ko, magcocommute pa papunta sa kanila! At sino nmn kaya si Basha? Aga-aga naman mambabae nung loko na yun! Mamaya ko na ipapaliwanag kay lola ang bago kong trabaho. Replyan ko muna si kumag. Bakit kasi kelangan pa ng reply! Ano ba rereply ko?

Sender: Julia M.

Recepient: DJ P.

Message: Ang aga nmn ng 6 pwde b 6:30? Bka trafik bukas weekend kc.

Kulang na nga ako sa tulog di pa ko makakabawi ngayong sabado. Kainis naman! Mukhang seryoso tong pahirapan ako ah! Nako kung hindi lang maganda offer at kung hindi lang mabait Mama ni DJ hindi ko naman talaga tatanggapin.

“La, may bago po akong trabaho, permanent po. Pero kailangan nyo po ng pirma. Explain kop o sa inyo pano ang agreement.” Unang bati ko kay Lola pagkita ko sa kanya sa sala habang nanonood ng tv.

“Ganun ba. Sige bukas nay an at gabi na magpahinga ka na muna. Di mo naman kasi kailangang masyado magtrabaho bakit pinahihirapan mo sarili mo?” Tanong nya. Ayan nanaman kami. Ilang beses ko ba ipapaliwanag!

“Ayokong humingi ng tulong sa tatay ko. Patutunayan ko po sa kanilang lahat na deserving ako. At kaya ko po kahit wala sila! Isa pa kailangan ko din po matutong humarap sa  buhay nang mag-isa para Makita nila na pwede ako at maging handa din ako kung sakaling tatanggapin ko yung responsibilities ko.” For the millionth time inulit ko nanaman kay lola. Ang hirap talaga…Pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.

“Sige ikaw ang bahala, nag-aalala lang naman ako sayo. Sige na pahinga ka na.” Sabi na lang ni Lola dahil alam nyang hindi naman sya mananalo saken sa topic na yun.

“Wag po kayo mag-alala. Kaya kong pagsabayin ang school at work. Multitasker yata ito! At kailangan talaga multitasker pag nandon na ko ulit. Sige po La akyat na ko. Goodnight Lola.” At umakyat na nga ako. Pagkatapos maligo direcho na ko sa kama para magpahinga. Hindi naman din ako gutom tska ngmerienda na ko kila DJ.

Sender: DJ P.

Recepient: Julia M.

Message: Nagre2klamo kgad? Wala ka pla eh! Don’t wori s transpo mo db nga su2nduin nmn kta!

Ay nako naman! Kahit sunduin ako masyado pa ding maaga ang 6AM! Hayz isang reply na “Ok” at log-tu na ko.

Ang sarap na ng tulog ko nang bigla nanaman akong binulabog ni DJ! Hindi ko alam kung vampire sya, or hindi sya marunong matulog. 3am tumatawag! Ayaw ko sana sagutin pero ang kulit mukhang hindi titigil hanggat di ko sinasagot!

“Hello…” Inaantok kong sabi. Mejo ng-aagaw pa nga yung diwa ko between reality at dreamland.

“Goodmorning…” Parang nag-aasar pang sagot ni DJ. Naririnig ko pa parang may mga nagpipigil ng tawa sa kabilang linya. May nag-high five pa yta sa background at mukhang tuwang tuwa. Nakaloudspeak yata yung fone ni DJ sa kabilang line.

“Kala ko ba 6 am pa….” Halos di na ko makapagsalita sa sobrang antok. Por favor! Patulugin nyo ko.. gusto ko sanang isigaw nang marinig ko na nagtawanan ng malakas sa kabilang linya.

“Grabeh ka pare lakas ng trip mo.” Nadinig ko pang sabi ng isa.

“Shhhh, wag kayo muna maingay ako muna.” Sabi naman ni DJ sa mga kasama nya. Mukhang ako pa napagtripan. Bakit ba gising pa mga toh? Parang mga adik! Ngddrugs siguro tong mga toh!

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon