Chapter 9 Truce

10.4K 166 35
                                    

Chapter 9 Truce

Isang linggo ko na syang hindi kinikibo simula nung hinalikan nya ko. Siguro may pag-ka-OA ako pero importante sakin ang kiss kahit sa cheek lang yun. Isa pa, I felt harassed naman kasi bigla na lang ganon. Kaya ayan tuloy, bukod sa nasampal ko sya pagkatapos ng photoshoot na yun, hindi na din nya ko makausap ng maayos. Magkasama kami pero kung ano lang ang iutos nya gagawin ko lng ng wala syang naririnig saken. Kahit sa mga calls nya oo at hindi lang ang nattanggap nya na sagot saken.

“Bakit kasi hindi ka na lang umayaw jan sa kinuha mong raket?” For the 5th time tinanong nanaman ako ni Michael. Alam ko ayaw nya sa work n yun pero importante kasi na makaipon ako kagad. Isa pa may kailangan akong tapusin at time is gold para saken.

“Kaya nga sinusungitan ko na sya. Para kung ano ang maisip nya yun na. Kung ayaw na nya kong assistant alisin nya ko. Ibig sabihin will ni God na wag na ko sa work na toh. Pero kung hindi naman, manigas sya hindi ko sya kakausapin ng matino!” Sagot ko naman kay Michael. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa locker para makapaglunch na kami.

“Buti hindi nagsusumbong sa mommy nya yun noh?” Tanong ulit ni Michael. Ewan ko ba, pag dating kay DJ interested sya in a way na gusto nyang malaman dahil naiinis sya or ayaw nya sa tao. Sabagay ako din naman naiinis dun.

“Subukan nya magsumbong! Sya ang mapapagalitan kasi alam nyang mali yung ginawa nya.” Mayabang ko namang sabi nang marating naming ang school canteen.

“Hi Julia..” Isang senior student ang naggreet saken pagpasok namin ng canteen. Simula nang mapanood nila sa Gandang Gabi Vice at nalaman nang lahat na ako ang personal assistant ni Daniel Padilla, naging mabait na sakin ang mga tao sa school. In fact OA na sila sa pagiging friendly. Mejo huminto lang nung Makita nila na kahit anong pang-uuto nila wala sila makukuhang kahit anong confidential details sakin kahit celphone no. lang ni DJ. Kung ipapamigay ko yun lagot ako sa Mama nya!

“Hello.” Parang wala sa sarili ko namang nasabi. Ni hindi ako tumitinign nang maggreet back ako.

“Suplada sa personal.” Napapailing naman si Michael. Sa totoo lang sya lang talaga ang kinakausap ko sa school at sya lang din ang napagsasabihan ko ng mga hinanaing ko sa buhay at kung anu-ano pa.

“Kasi naman pag naging mabait ako sa kanila abuso naman, lahat na lang itatanong. Hindi naman ako yung artista bakit akong magsusuffer na humarap sa fans nya! Gusto ko din naman nang tahimik na buhay pag nasa school ako.” Naiinis kong sabi at tinignan ko na kung anong pwede makain ngayon. Kailangan ko pa din magtipid.

“Julia saglit lang ha. Mauna ka na maglunch.” Nagpaalam naman si Michael nang magring ang phone nya. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw nyang naririnig ko ang pakikipag-usap nya sa phone. Pansin ko lang. kahit gano ka ikli yung tawag ayaw nya ng malapit sken. Weird.

“Sige lang. Ahm sandwich na lang saken malapit na din kasi mag-time.” Sabi ko bago sya umalis. Sinabi ko na sa kahera na sandwich at juice lang ang saken.

“Magkano po lahat?” Tanong ko sabay kuha sa wallet ko.

“Ah bayad na po.” Nagulat pa ko sa sinabi ng babae.

“Ha? Hindi pa po. Magkano po?” Tanong ko ulit.

“Bayad na nga po.” Sabi nanaman nya sabay ngiti sakin. Mag-iinsist pa ko sana na magbayad pero umiling ang kahera kaya kinuha ko na. Siguro binayaran na ni Michael toh. Last time kasi nagbibigay na sya ng pera sa canteen tpos kukuhanin naming sa lunchtime yung order.

Pagkuha ko ng food napansin ko biglang dumami ang tao sa canteen at wala na yatang space kundi sa isang table na may nagbabasang student. Hmmm I prefer a solo seat pero mukhang puno talaga.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon