Chapter 19 VIP

9.5K 159 52
                                    

Chapter 19 VIP

“La….” Hinawakan ko sa kamay si Lola habang nagpipigil ng luha. Parang ako nahihirapan sa sitwasyon nya. Kung ano-anong aparato yung nakakabit sa katawan nya. Kita ko din na hirap syang huminga.

“Sorry po… I’ve been a bad girl.” Isang malungkot na ngiti.

“Labas muna ko Julia, tawagin ko si Doc.” Paalam ni Michael nang maramdaman nyang kailangan ko ng privacy para samin ni Lola. Tumango lang ako.

“Sabi po nila kahit daw in comatose ang tao may instances na nadidinig nya pa din at aware sya sa paligid nya…kaya alam kop o nadidinig nyo ko.” Parang ngccomfort pa ko sa sarili ko.

“Hindi ko naman kaya mawala ka Lola… kaya magpagaling ka ha. Lumaban ka…. Kasi po, kayo lang naman talaga yung natitirang pamilya ko. Ikaw na yung nanay ko, ikaw yung tatay ko, ikaw yung lolo at lola ko, minsan para pa tayong magkapatid…magkabarkada…magbest friend…kaya nga po pinili kong talikuran na lang lahat nang dapat para sakin kasi mas mahal kita.” Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Nahihirapan na din akong  huminga pero kailangan kong kausapin si Lola bago ko umalis.

“La, babalik na po ako sa Germany…wag kang malulungkot dito ha, hindi kita pwedeng isama kasi hindi kakayanin ng katawan mo. Papupuntahin ko dito yung mga doctor na gagamot sayo. Ipapadala ko dito lahat ng devices na kailngan para gumaling ka na. Basta La babalik ako kaya hintayin nyo po ako ha…” Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko para lumuwag ng konti yung dibdib ko.

“Wala na po kami ni DJ.. nakakapanghinayang noh? Kaya lang…hindi nya ko mahal… mas mahal nya yung pamilya nya pero hindi ko sya masisisi kasi pamilya nya yun….di ba nga ikaw din inaaalala ko ngayon..kasi pamilya tayo? Masakit lang kasi nga…hindi man lang nya ko pinakinggan… Kaya naisip ko, wala namang mabigat na dahilan para hindi ako bumalik sa dati diba?” Napahinto pa ko na parang hinihintay na sumagot si Lola pero alam ko wala akong makukuhang response sa kanya.

“La, para sayo…ipagpapalit ko na yung kalayaan ko.. babalik na po ako sa buhay na inilaan yata talaga para saken…kahit na alam kong gagamitin lang nila ko dun para makuha yung gusto nila, gagamitin ko na lang din sila para makuha yung gusto ko…yung mapagaling ka…sana magising ka kaagad La… I love you po..” At humalik ako sa noo ni Lola. Hindi ko na din kayang tignan sya sa ganyang sitwasyon kaya lumabas na ko ng room.

“Ms. Montes.” Tinawag ako ni Doc paglabas ko.

“Doc, hintayin nyo po, darating yung mga specialists from Germany this week. Pati yung devices ipapadala kop o dito. Idodonate ko na sa hospital nyo pagkatapos gamitin para makatulong sa iba. Inaayos na po yung bill ni Lola. Doc, gawin nyo po lahat ha…” Naiyak nanaman ako habang kausap si Doc na parang gulat na gulat naman sa sinabi ko pero tumango na lang ito nang sinenyasan ni Butler Gereon.

“Julia…tara na daw..” Bulong sakin ni Michael. Nagpaalam kami kay Doc at nagtungo na sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Butler Gereon.

“Ano po ang gusto nyong dalin sa Germany Princess Mara?” Unang tanong sakin ni Arabella pagsakay namin sa kotse. Nagtataka lang ako bakit parang hindi nagulat si Michael sa tinawag nila sakin? Pero wala ako sa mood mangulit ngayon.

“Lahat nang gamit ko sa bahay. Ilipat nyo na din lahat ng gamit namin sa bahay sa bagong magiging tirahan namin ni Lola. Bukas bibili ako ng bahay na magiging comfortable sya para maging maayos recovery nya pag nagising sya.” Mabilis namang isinusulat ni Arabella lahat ng sinasabi ko na parang reporter na nag-iinterview.

“Anywhere else you wish to go before leaving this country?” Tanong ni Butler Gereon. Natahimik ako at nag-isip.

“Wala na… pero bukas may ibibigay akong sulat kay DJ… Michael, baka naman pwedeng ikaw na magbigay please?” Pakiusap ko kay Michael na nakatingin sa bintana at pinapanood ang scene sa daan.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon