Chapter 10 Gift

10.4K 189 38
                                    

Chapter 10 Gift

“Hello Pa, kumusta po.” Kinabahan nanaman ako. Mas malakas pa ang kaba ko pag kausap ko si Papa kesa sa pag nagpeperform ako sa stage.

“Okay naman. Anong saten? Mama mo nasan?” Tanong ni Papa sa kabilang linya.

“Ahm, busy po inaayus yung schedule ko pagkatapos ng chirstmas holidays. Ahm….Pa…” Alam kong gusto ni Mama na magpasko kami na magkakasama. Alam ko ding busy si Papa pero I’ll push my luck.

“Ano yun?” Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko nang magtanong si Papa.

“Sana po sa pasko magkakasama tayo nila Mama.” Sa wakas nasabi ko din.

“Daniel. Alam mo namang hindi pwede di ba? Syempre dun ako sa Tita Pearl mo.” Taon-taon ito na lang ang natatanggap kong sagot mula sakanya.

“Pa, nagbabaka-sakali lang naman po ako.” Halos bulong na lang ang pagkakasabi ko. Alam ko nahalata ni Papa ang disappointment sa tono ng pananalita ko.

“Isa pa, busy din ako ngayon. Di ba nga tumutulong kami sa mga naapektuhan ng bagyo. Anak sa panahon ngayon unahin mo ang trabaho mo kesa sa mga personal na bagay kasi kung wala ang trabaho hindi ka naman mabubuhay. Ikaw artista ka na, sikat ka na pero wag kang magstop jan. Always struggle to be better. Make us proud. Make me proud. Tignan mo ang mga pinsan at kapatid mo. Successful lahat. Sikreto dun inuuna nila ang career before anything else.” Hayz ayan nanaman si Papa. Lagi akong pinaaalalahanan tungkol sa career. Alam kong anak lang ako sa labas.. at kahit mahal ni Mama si Papa wala nang pag-asang magbalikan at mabuo pa ang pamilya namin.

“Ganun po ba. Ahm Pa sige po mejo gabi na din po kasi, salamat po. Nangumusta lang po ako. Matutulog na po ako. Goodnight Pa. Bye.” At kahit di pa nakakapagsalita si Papa binaba ko na ang telepono.

“Daniel.” Nagulat pa ko nang tawagin ako ni Mama. Kanina pa pala sya nakikinig sa usapan namin.

“wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Hindi na pwede. PAgbutihan mo na lang. Try your best para maging sikat na sikat ka at nang maimpress mo ang Papa mo. Mapatunayan mo na maipagmamalaki ka din. At matatanggap ka din sa pamilya nila. Don’t worry anak. Lagi akong susuporta sayo.” Mangiyak ngiyak nanaman si mama.

“Ma, ano ka ba ang drama mo talaga. Sanay naman ako nirereject ni Papa. Tska wag ka mag-alala Ma. Pag sikat na talaga ko marerealize din nila na hindi ako isang kahihiyan sa mga Padilla.” May diin kong sinabi ito. Lagi kong motto simula pa nung bata ako. Balang araw maipagmamalaki at matatanggap din ako ng pamilya ni Papa.

~~~

Ilang oras na pero hindi pa di talaga ko makatulog. Buti na lang bakasyon na. Kung hindi, late nanaman ako, at si Julia nanaman ang magccover up sakin. Buti na lang nagkaayos na kami at close na kami ngayon. Alam ko mas hirap sya dahil bukod sa P.A. ko sya, tutor, minsan nagssuffer pa sya sa mga intriga pag affected ako, pati sya napapaisip kung pano ko lulusutan yung mga ganong issues.

Naisipan kong magtext na lang sa kanya hanggang sa antukin ako. Malamang gising pa yun dahil last time na nagkausap kami sabi nya ngayon nya ipprepare ang mga kailangan nya at budget nila sa noche Buena.

Gudeve Julia wat gwa mo now?Tanong ko sa kanya. After 5 minutes narinig ko nagbeep ang fone ko.

Bkt gcng k p? Xenxa l8 reply kktpos lng mgbudget Christmas eve n bukas klngn ayus n 2 lhat. Reply naman nya saken. Buti pa sila Julia mukhang Masaya yung pasko kahit mahirap lang sila ganda naman ng bonding ng family nila.

Tulungan kta bukas? Naiinip kc ako d2 hauz. Bc c Mama. Sabi ko naman. Ayaw ko nang walang magawa kasi napapaisip ako tsaka nararamdaman ko na malungkot sa bahay pag ganitong hindi ako busy. Ayoko naman masyado gumimik dahil kailangan ko ingatan yung mga galaw ko ngayong sikat na ko.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon