Chapter 31 Trip Ni Vice Ganda Part 2

9.4K 190 73
                                    

Chapter 31 Trip Ni Vice Ganda Part 2

“Princess Mara we can cut this off if you want. Pwedeng si Kathryn at Daniel na lang muna magtuloy ng interview.” Nag-aalalang sabi ni Ms. Kris habang hinihimas ang braso ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari, basta gusto kong umiyak, gusto ko lang mumiyak muna.

“Ms. Kris, kami na lang po muna..” narinig kong sabi ni DJ. Nun ko lang napansin na sya pala yung yumakap sakin at nagccomfort.

“Julia, umuwi ka na..” he gently told me at inangat pa nya yung  mkuha ko para magtama yung mga mata namin.

“Hindi…tuloy lang po natin yung interview.” Alam ko dapat umuwi na lang ako at umiyak ng umiyak pero dahil sa mga mata na yun, I found strength. Naalala ko, anong magagawa kung iiyak ako? Di ba I was trained to be tough?

‘Paano ka hahawak ng isang malaking bansa kung yan lang di mo na kinakaya?’ parang nag-echo pa sa utak ko yung laging sinasabi sakin ni Sam twing pinanghihinaan ako ng loob.

“Are you sure?” nag-aalilangan si Ms.Kris.

Inabot ko yung tissue sa table sa harap namin at inayos ang sarili ko bago pa tumulas yung make-up ko. Huminga ako ng malalim  at uminom ng tubig na inabot ng isa sa mga crews bago ko nagsalita ulit.

“Kaya ko po. Pag trabaho, trabaho muna wala munang personal matters.” Matapang kong sabi. Alam ko nagulat si DJ sa naging desisyon. Hindi pa yata makapaniwala pero kailangan wag akong magpapakita ng kahinaan ngayon. Yan ang kabilinbilinan sakin ng mga mentors ko sa Germany dahil ngayon lang ako umalis ng bansa na ako lang mag-isa at wala sila to guide me.

Itinuloy namin ang interview nang hindi binabanggit ang tungkol sa balita kanina on air. Sabi ko sa kanila I’ll clarify things out in a separate interview at magfocus lang sa project promotion. Hindi ko na pinapansin ang mga tira ni Kath at mejo naging ‘gently’ na din sya knowing na may pinagdadaanan ako ngayon. I don’t mind DJ being sweet to her at ang focus ko lang, stay composed at alisin sa isip ko yung balita kanina na alam kong pagoff ng cam haharapin ko.

How does it feel knowing your parents’re dead? Hindi ko pa masyadong mainternalize kasi ilang taon akong nahiwalay sa tatay ko at nung ngkita-kita kami, ilang sandali lang kaming nabuo bilang pamilya. Umalis ako dahil alam kong ayaw sakin ng mga kapatid ko sa ama. Pinili ni Mama na sumama pa rin kay Papa at simula non si Lola na lang ulit ang pamilya ko. Pagbalik ko sa Germany para magtraining sa pagiging prinsesa, hindi ko pa rin nakasama ang parents ko dahil pinapaniwala nila ko na nasa ibang bansa at busy, nun pala nawawala na sila at hindi ipinalabas sa media na nakidnap or may kumuha sa kanila. Ngayong pinapahanap ko, mababalitaan ko na lang patay na..hindi ko alam kung anong mararamdaman ko…malungkot, oo pero pano ba ko magluluksa dapat? Kung hindi ko naman talaga naranasan na may parents ako?

Yun ang iniisip ko during the interview para massure ko yung sarili ko na kaya ko pa. Pagkatpos ng interview with Ms.Kris, Gandang Gabi vice naman…

“Itutuloy mo pa din?! Julia baka naman di mo kayanin..” hindi makapaniwala si DJ nang sabihin ko sa kanya na tatapusin ko lhat ng sched ko ngayon.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon