Previous Page of 4Next Page

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]

Dedicated to
dVampirePrincess
spinner.gif

Chapter 11 Warner Brothers

Lalong nabawasan ang pangbbwisit sakin ni DJ simula nung mag-open sya saken tungkol sa family nya. Ako naman naaawa sakanya kaya kahit minsan toxic na iniintindi ko pa din. Alam ko na hindi lang sya sa trabaho hirap. Sa pag-aartista nga, katawan lang ang napapagod sa kanya, pero pagdating nya sa bahay nila, pati utak at emosyon nya napapagod pa kaya alam ko na kung bakit napaka-moody nya. Infairness magaling pa nga sya dahil nakukuha pa nya magpretend na “cool” kahit na malaki pala ang frustrations nya sa buhay. Mataas ang ineexpect sa kanya ng father nya at matindi din ang kagustuhan nya na maabot yon para matanggap at maipagmalaki sya.

Mula noon tinutulungan ko talaga si DJ sa mga bagay bagay sa buhay nya. Lagi ako nag-aadvice sa kanya kung ano ba dapat ang pakikitungo nya sa tao, kung paano ba manamit nang hindi nagmumukhang trying hard and at the same time nagmumukhang katangi tangi sa ibang artista. Ako din ang nagpapaalala pag nagiging masungit nanaman sya minsan pati sa fans nya na. Sa ganitong paraan lalo kaming nagkakakilala. I mean, lalo ko syang nakikilala..kasi ako hindi naman ako nag-oopen up sa kanya talaga.

Alam ko darating yung time na iiwan ko din yung trabaho na toh kaya I’m making the most out of it na din muna. Gusto ko kahit hindi na ako yung P.A. nya malaki naman ang naicontribute ko sa tagumpay nya. Kaya nga eto pati damit na isusuot nya sakin na pinagkatiwala dahil mas alam ko daw “kumilos sa mundong ibabaw” sabi pa nya. If I know minsan tinatamad lang talaga yun.

“Ayan.. mas ok yan kesa sa sinukat mo kanina.” Sa wakas nakapili din ako nang bagay sa kanya. Kanina pa kami palipat lipat sa department store para humanap ng isusuot nya sa formal dinner ng mga Padilla mamaya.

“Buti naman! Pang 17 na sukat ko na toh! Pagod na ko. Baka mamaya mukha akong lupapay na gulay sa party ni Papa. Lalo lang ako magiging katawa-tawa.” Kahit sinabi nya na hindi naman talaga sya interesado, alam kong excited tong mokong na toh sa pag-attend.

“Di ko na natanong si Kath kung may isusuot na sya.” Napakunot ang noo ko sa kanya. Bakit nasama si Kathryn Bernardo?

“Kamag-anak mo ba si Kathryn?!” Gulat kong tinanong. Parang family reunion ang aattend-an ni DJ bakit nasama si Kathryn?

“Hindi. Eh ito kasing si Mama kailangan daw may date ako para hindi ako mahuli sa mga pinsan ko na ang gaganda ng mga girlfriend mga modelo daw. Since ka-love team ko naman si Kath isama ko daw para lalo kaming mapag-usapan tska sya kasi pinakasikat na teenage actress sa Pilipinas ngayon kaya hindi na ko masyadong huli sa mga model na girlfriend ng mga pinsan ko. Ayos di ba?” At tinaas taas pa nya yung kilay nya na parang nang-aasar lang.

“Ah.. ok. Eh si Mama mo sino kadate?” Tanong ko nanaman. Lately kasi napapansin ko masyadong bugnutin yung Mama nya pagdating sakin. Parang may pinagkakaabalahan itong something…or someone?!

“Di daw sasama.” Biglang naging seryoso ang mukha ni DJ. Umikot pa sya ng minsan sa harap ng salamin at nagpaalam para hubarin na ang sinukat nyang damit.

Nanatili na lang akong tahimik baka kung ano pa masabi ko magtalo nanaman kami.

Sa pagkakaalam ko, may iba nang asawa at pamilya ang tatay ni DJ pero hanggang ngayon nagsstruggle pa din si Mam Karla na kilalanin ng mga Padilla bilang parte ng pamilya nila. Ganun din si DJ. Parang lahat ng naachieve nila ginagawa nila para sa pangarap na yon.

Seryoso akong nag-iisip at tulala sa waiting area ng store nang biglang magring ang celphone ni DJ na hawak ko dahil nga nagsusukat sya ng damit kanina.

“Hello po. This is DJ’s assistant. How may I help you?” Naks..para talaga kong professional pag ganito. Feeling ko ang porma porma ko! Hehe

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (42)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 11 Warner Brothers

Cast

Daniel John Ford Padillaas DJ Padilla
Mara Hauttea Schnittkaas Julia Montes/Princess Mara Julia Agatha
Karla Estradaas Karla Ford
Albie Casiñoas Albie Casiño
Kathryn Bernardoas Kathryn Chandria Bernardo
Sam Concepcionas Samuel John Krueger

Who's Reading

Recommended