Chapter 25 Trabaho lang...na may Personalan...

9.3K 143 44
                                    

Chapter 25 Trabaho lang…na may Personalan…

“Ano bang problema mo?!” Muntik na kong mapatalon sa gulat nang biglang bumukas ang pinto sa dressing room. Paglingon, si DJ!

“What the… dressing room toh?! Baliw ka ba?! Buti na lang tapos na ko magbihis! Pano nakapasok dito?!”  Gulat, inis, at kaba ang naramdaman ko. Gulat kasi biglang bumukas yung pinto nga kasi… inis kasi hindi ko talaga alam kung anong irereact ko, iniba yung ayos ng buhok nya… at ang gwapo nya. Ok crush lang yun ah normal lang naman magkacrush sa artista diba? Argh! Ano bang sinasabi ko? Ah basta, mixed emotions.

“S-sorry..Eh kasi naman, anong palabas nanaman yang ginawa mo kanina?” Mejo umayos na sya sa pagsasalita. Ewan ko ba, prehas pa kaming napayuko na parang nagkailangan.

“Hindi palabas yun. Tama naman yung sinabi ng song ko diba?” Mabilis ko naman inayos ang sarili ko at binawi yung kung anong unstable mode ko kanina. Muntik ko nang makalimutan na galit ako sa taong toh.

“Julia… sa maniwala ka’t hindi, I’m really sorry sa mga nangyari saten… I wanna make it up to you pero pinatigas na talaga ng galit yang puso mo. Kung bibigyan mo lang ako ng isa pang chance, babawi ako sa lahat ng mga nagawa ko sayo…pati ng pamilya ko.” He sounds sincere… pero hindi ganun kadali yun. Isa pa, medaling sbihin, mahirap gawin. It’s too late…nasaktan na ko eh… ayoko nang magtake ng risk para masaktan ulit!

“Alam mo wag mo nang aksayahin ang panahon mo sakin kasi I’m so over you! Wag kang masyadong affected dahil hindi naman ako nagagalit dahil sa di mo ko pinaniwalaan non. And please lang ha, hindi na ko si Julia…. I’m Princess Mara!” With crossed arms, naglakad ako palabas ng dressing room na parang nagiinarteng model… pero paglagpas ko sa kanya, he grabbed my arm.

“Julia… Princess Mara… kahit ano pang pangalan mo, alam ko ikaw pa din yung Julia na mahal ko… At kahit anong gawin mo, ako pa din yung DJ na minahal nung Julia na yun…” Hindi ako nagsalita. Parehas kaming nakatitig sa isa’t isa. Hindi ko madecipher kung anong ibig sabihin ng mga mata nya.

Narealize ko na lang, unti-unti na syang lumalapit sakin and before I knew it, he’s kissing me…gently…slowly… at ang malala pa… I’m kissing him back!

And while we’re kissing, nagtatalo yung puso at isip ko. Gusto ko syang itulak palayo to break the kiss and at the same time para din akong adik na ayaw matapos yung moment. Parang nagtotal black out sa paligid ko, huminto yung ingay na naririnig ko. Sya lang yung nakikita ko, at heartbeat lang namin ang tinatanggap ng sound ng tenga ko…at ang nararamdaman ko lang, magkayakap na kami…na parang ayaw na maghiwalay…

And then… after a few more seconds, we both parted our lips.

“I knew it.” Di ko alam kung anong ibig nyang sabihin dun. Tatango tango pa sya at pinipigilang ngumiti habang ako naman hindi makatingin ng diretso sa kanya.

“Kung inaakala mo, na ibig sabihin yung kiss na yon, nagkakamali ka…” Pinilit ko pa ring magsalita ng firm kahit napapahiya ako pati sa sarili ko. Bakit ganon…. Bakit pag sya yung kaharap ko nag-iiba yung personality na pilit kong ineestablish.

“Mahal ko si Julia Montes…” Napakunot noo ako nang bigla ulit syang magsalita. Nakatitig pa rin sya sakin at ngayon blangko na ang expression ng mukha nya.

“Pero kung hindi mo na sya kayang ibalik… si Princess Mara Schnittka ka na talaga… then I’ll be fine with that…but I still won’t give up… kung gusto mo talagang iwan ko lahat para sayo, I’ll do it kahit mawala lahat ng pinaghirapan ko.” And with that, he walked out. Inunahan pa kong magwalk-out. Naiwan tuloya kong parang tangang napapaisip sa sinabi nya.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon