Chapter 13 Twin Hearts

10.7K 178 63
                                    

Chapter 13 Twin Hearts

PLEASE READ THIS: Bago nyo po basahin, ibuff nyo na yung song/video sa gilid then pag nasa part na kayo na kakanta si Julia play nyo..para mas mafeel nyo at mainternalize ang story ^_^ try nyo lng..gnun kasi ginawa ko feel na feel ko hehe

Kaya ko din ginawa ang video n yan para dito sa chapter na toh…ksi special toh.. cge po basa na! aja!

~~~

“Ah, pasensya na kayo ha pagod na kasi si DJ. Ito pala yung assistant nya. Sobrang close kasi talaga nila. Ahm…Kathryn halika muna dito.” Nagmamadaling tinakpan ng kami ng Mama nya at tinawag si Kathryn para lumapit kay DJ.

“Ngcocover-up na yung Mama mo wag mo kong yakapin, oi!” bulong ko kay DJ.

“sorry.” Nagmamadaling tinanggal ni DJ ang pagkakayakap sakin at napansin ko na nagbblush sya.

“Sige na po, bukas na lang sa conference. Salamat ulit.” Sigaw ng Mama ni DJ sa mga papalayong reporters.

Napansin naman ko na nakatingin sa akin ang tatay ni DJ na si Rommel Padilla, dating sikat na actor na ngayon ay politician na sa lalawigan ng Nueva Ecija. Hindi ko alam kung anong iniisip nito pero nakatingin lamang sya na parang may inaalala. Naiilang naman si ako na ngumiti dito at ngumiti rin ito sa akin pero hindi pa rin maalis ang kunot ng noo at iniisip nito.

~~~

“Ang point ko lang naman, ingatan mo yang mga kilos mo DJ! Lalo na ngayon, sikat na sikat ka na! Hindi lang sa Pilipinas ka sumisikat! Pati sa ibang bansa! Dapat mag-ingat ka at umiwas ka sa mga issue! Si Kathryn ang love team mo hindi si Julia! P.A. mo lang sya!” Parang nasaktan naman ako sa sinabi ni Ms.Karla.

Nasa sasakyan pa lang sila pauwi nang bahay pinagagalitan na nito si DJ dahil sa ginawang pagyakap ni DJ sakin in public sa harap pa ng reporters.

“Ma naman maiissue pa ba naman yun eh mas maiissue yung naconfirm nilang magkasama kami ni Kath sa Germany!” Naiinis na sagot naman ni DJ. Nakaupo ito sa tabi ko at nagaayos ng maleta nya. Nakayuko naman ako habang nagtatalo ang mag-ina. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

“DJ…DJ! Hindi biro ang kinapupuntahan ng career mo! Anak naman mag-ingat ka na next time. Alagaan mo yung pair up nyo ni Kathryn kung gusto mong sumikat at maimpress sayo ang tatay mo!” Napatingin ng masama si DJ sa Mama nya nang sabihin ito. Palitan naman ang tingin ko kay DJ at Ms. Karla. Mukhang nasagad na ang pasensya ni DJ at mukhang napagalit naman ni DJ ang ina.

Buti na lang nagring ang phone ni DJ na hawak ko. Mabilis ko itong sinagot para makaiwas sa nakakapasong tingin ng dalawa.

“Opo…bukas po. Ok nap o yun… hindi po, hindi po. On time po lagi si DJ. Opo. Salamat po. Sige po. Opo ako nga po yun..ako nap o bahala magsabi. Salamat po. Bye.” Dahan dahang ibinaba ko ang phone ni DJ. Nakatingin na sa akin ang mag-ina.

“Si Ms. Kris po.. bukas daw po, Kris Tv interview ni DJ. Nagconfirm lang po kung makakapunta.” Sabi ko at tumingin ako kay Ms. Karla na may takot. Pakiramdam ko kasi pati ako pinapagalitan nya at sinisisi sa nagawa ni DJ.

“10AM daw po ang taping.” Dagdag ko pa nang hindi kumibo si Ms.karla.

“Ganon ba. Sige, ikaw na bahala.” Sabi lang ni Ms. Karla at bumaling nanaman ito kay DJ.

“Ma, pahinga na po ako, mukhang full sched nanaman. Wag ka na magalit Ma.” Biglang nagging maamo ang boses ni DJ. Lumapit pa ito at niyakap ang ina.

Galing mag-uto nitong si DJ ha infairness!

“Sige na nga. Anak gusto ko lang naman magtuloy tuloy yung career mo. Alam mo naman un dib a naiintindihan mo naman ako…” sabi nito. Tumango lang si DJ at kinuha ang ilang paper bag na nasa mesa.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon