Chapter 21 Meet the Princess

10.2K 189 57
                                    

Chapter 21 Meet the Princess

“Kinakabahan ako.” Kanina pa ko palakad lakad sa harap ni Kathryn habang naghihintay kami sa backstage ng studio for Kris TV.

Kauuwi lang naming kahapon from Germany at ito yung unang interview namin. Sigurado matatanong kami tungkol sa pinalabas naming balita na officially kami na ni Kath. Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ko ngayong araw na toh.

“Baby, maupo ka na nga nahihilo na ko kanina ka pa pabalik balik ng lakad jan!” Pinigil na ko ni Kath. Naupo ako sa tabi nya pero napagdiskitahan ko naman ngayon na paikut-ikutin yung mic na hawak ko.

“Sino ba yung dalawa pang guest?” Tanong ko sa kanya nang maalala ko na bukod samin meron pa daw dalawang guest. Yung prinsesa ng Germany at isa sa mga Lords sa Germany.

Iniisip ko kung sino sa mga prinsesa ng Germany kasi nameet ko na sila pwera dun sa ayaw magpakita. Sa pagkakaalam ko ang may boyfriend pa lang don si Princess Beatrice Lyn.

“Princess Mara daw? Di ko pa nakikita pero parating na. Nameet mo na yata yun..diba?” Sagot nya sakin. Nag-isip ako kung may Princess Mara bas a Germany.

“Wala namang Princess Mara dun… teka baka yun yung nawawala-” Nagsasalita ako nang biglang dumating si Ms.Kris Aquino, ang host ng program na Kris TV.

“Hi Daniel, Hi Kathryn…” Nag bese-beso kami pagdating nya. Hindi nya kasama si Bimbi ngayon. Natutuwa pa naman ako sa bata nay un ang likot kase.

“Wait lang natin si Princess Mara and Lord Samuel. Nako exciting yung interview na toh. Ang topic kasi natin is about young people na sinuwerte talaga at naging malaki yung responsibilities dahil nga sa kasikatan. Kaya kayo talaga pinili ko ngayon since ikaw Daniel biglang hit yung career mo naging international actor ka tapos yung loveteam nyo ni Kath talaga namang sikat na sikat sa PIlipinas at naghahatakan kayo towards success. Sakto naman bibisita yung Princess ng Germany kasi galing pala sya dito nung times na hindi sya nagpapakita sa Germany.”Kwento ni Ms. Kris. Lalo akong napaisip….galing ng PIlipinas yung prinsesang nawawala?

“Nakakaexcite naman po ngayon lang kami haharap sa Royal personalities. Kahit nung taping ni DJ sa Germany hanggang tingin lang kami sa mga prinsesa don.” Nangiti pa si Kath mukhang excited talaga sya. Pero ako kabado talaga ko. Siguro ganito talaga pag stressed. Tapos nakakalungkot isipin na after ng mga activities ko today walang nang Julia na magpapangiti sakin kahit sobrang pagod ko pag-uwi sa bahay.

“Miss Kris cellphone nyo po si President Noy po.” Lumapit ang isa sa mga staff para iabot ang cellphone ni Ms. Kris.

“Hello Noy bakit?.... ah okay lang sige… oh basta bilisan na lang nila… hindi, ok lang kamo yun tska ikaw naman kasi eh alam mong may interview sya pinagtagal mo pa jan. Ok sige..bye.” Sa tingin ko tungkol sa prinsesa yung pinag-uusapan nila.

“hay nako si Noy, napahaba daw kwentuhan nila nung prinsesa. May meeting kasi sila before this. Ayan malalate daw ng konti pinahatid na ni Noy. Start na tayo kayo naman ang una kong iinterviewhin talaga eh sunod na lang sila princess Mara.” Sabi ni Ms.Kris nang Makita nya sa mga mukha namin ang curiosity about sa kausap nya.

“Ah cge po.” Sabi ko lang.

“Ay teka kasama mo Mama mo?” Tanong ni Ms. Kris pagtayo nya bago pumunta ng stage.

“Opo.” Napangiti ako. Last time na kasama ko si Mama sa studio sinabi kasi na wallpaper ko daw si kath sa cellphone tuloy kinakantyawan kami. Sabi ko non ayaw ko na syang kasama sa mga interviews ko dahil pinagttripan ako. But since announced naman na sa buong mundo na girlfriend ko si Kath, ok na sakin na nandito si mama.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon