Chapter 30 Breaking News

8.5K 158 38
                                    

Chapter 30 Breaking News

“Good morning mga Kapamilya! Isang bagong araw, bagong kwentuhan, bagong karanasan! Ako po si Kris Aquino and you’re watching, Kris TV…” nagsimula ang taping ng Kris TV pagkatapos ng ilang minutong preparations ng cameraman at crews.

Naghihintay kami nina Kathryn at Julia sa backstage para tawagin kami ni Ms.Kris Aquino. Ewan ko ba kinakabahan ako ulit. Ilang beses na kong pabalik balik sa show na toh pero ngayon lang ako ulit kinabahan na parang first time ko nanaman. Siguro kasi, dahil nandito si Julia….at this time, hindi bilang PA ko…bilang co-star.

Kanina pa ko kinakausap ni Kath pero parang walang pumapasok na maayos sa utak ko sa mga sinasabi nya. Abo tang tingin k okay Julia na tahimik naman sa isang sulok at may bunubutingting sa laptop nya. Palagay ko nagttrabaho tong or may sinasagutang module para sa home-based na pag-aaral nya.

Minsan naisip ko hirap nga siguro ng sitwasyon mo kung sa murang age mo pineprapare ka na para mamahala ng isang malaking bansa. Siguro kung ako yun, baka hindi ko kayanin…pakiramdam ko tuloy kahit sikat na sikat na ko hind ko pa rin mapapantayan ang nag-iisang prinsesa ko.

“Punung puno nanaman ang studio ko! Grabeh na ito…marami pang hindi nakapasok kasi di na kaya iaccommodate ng studio naten. Kasi naman mga kapamilya napaka-big-time ng guests ko ngayon. At their young age, naabot nila kagad ang tagumpay sa showbiz… naging inspirasyon sila ng mga kabataan at patuloy na nagiging modelo ng maraming Pilipinog kabataan ngayon…at take note, mga crush ng bayan at universe daw ang level nila! Hindi ko na pagtataglin alam kong excited na kayong lahat…please welcome, the main casts of the first Filipino International Series at first Warner Bros. Philippines Franchise, Rose Blood, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, ang your Highness, Princess Mara Schnittka!” Halos mabingi ako sa sigawan nang pumunta na kami sa entrance from backstage.

Sunud-sunod kaming nakipagbeso-beso kay Ms. Kris Aquino. Nagrereflect din sa attire namin yungmga characters namin  sa Roseblood dahil promotional interview talaga kaya kami nasa kris tv. As usual, nakablack jacket ako n prang rakistang vampire, si Kath naka fit na black wet look suit na parang ninja/soldier at si Julia naman nakadress ng white na mukhang angel…suot din nya ang isang maliit na korona na parang headband na nya halos.

“Bakit may crown ka Julia, is it…part of the costume or..” unang tanong ni Ms. Kris pag-upo naming tatlo. Nakapagitna ako sa dalawang babae. >.<

“Ahm, hindi po. Ano kasi…required po akong isuot yung crown pag may public appearances ako..representing Germany po.” Polite na sagot ni Julia. Ganun pala pag crown princess ka, pag nagpapakita ka sa tao klngan suot mo yung korona para madistinguish nila at Makita kaagad na mataas na tao ka. She really looks like a princess kahit wla yung korona naun.

Pagkatapos ng ilang kumustahan at kulitan nagsimulang nang maginterview si Ms. Kris tungkol sa work namin.

“Eversince your big break sa growing up, ito yung first time na magkasama si Daniel at Kathryn sa isang project…pero hindi sila ang loveteam… alam naman natin diba nakikilala na sa buong mundo yung teamup nila at parang sanay na yung tao na pag may Kathryn may Daniel, pag may Daniel may Kathryn…so how do you feel about that Mara? Paano tinatanggap ng tao ngayon yung pair up nyo ni Daniel?” parang nagulat pa si Julia nang sya ang tanungin ni Ms. Kris.

“Ahm..di kop o kasi iniisip yun…I mean, ineexpect ko na may bad feedbacks lalo na sa loyal fans ng Kathryn-Daniel pair up-” nagsasalita si Julia nang sumagot si Kathryn.

“KathNiel yun sis..” sagot ni Kathryn. Napatingin si Julia sa kanya at parang may nabuong tension sa kanilang dalawa. Sa tingin ko confident si Kath dahil mostly ng mga nanonood KathNiel fans…lalo tuloy akong nag-alala dahil mukhang hindi comfortable si Julia. Sana walang sagutang magnyari.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon