Chapter 22 Evil Plans
“Baby pabayaan mo na sya!” Naririnig ko ang boses ni Kathryn Bernardo. Nasa labas sila ng dressing room kung saan ako dumerecho pagkatapos ng interview sa KrisTv. Nasa labas ang mga body guards ko at si Sam and Albie lang ang kasama ko sa loob.
“Wag nyong papasukin!” Binuksan ng konti ni Sam ang pinto at nag-utos sa mga tao sa labas.
Nakaupo at nakaharap sa salamin na napapalibutan ng mga ilaw…parang magic mirror na inirrereflect ang sarili ko. Pero sa halip na isang masayang snow white ang ipakita, isang Princess Mara na kinakabahan.
“He’s making a scene!” Naiinis kong sabi. Hindi dahil sa ayaw kong maeskandalo kundi dahil nag-aalala ko na makakasira yun sa career nya. Pero bakit ko ba iniisip pa yun? Dapat hindi na ko nag-aalala sa kanya dahil wala naman syang pakialam sakin!
“Julia alam ko naririnig mo ko. I need to talk to you please naman!” Nagsalita ulit si DJ ng mejo pasigaw na. Napatingin ako kay Albie na parang gusto kong sabihin na kausapin ko na kaya pero nagsalita si Sam.
“Mara, kung hindi ka pa ready wag kang haharap sa kanya. You’re a princess, hindi ka dapat nakikipag-usap ng bigla bigla na lang. Dapat may appointment bago ka makipag-usap. That way nakapag-isip ka na at mahinahon kana. Mapaghahandaan mo kung anuman ang mga tanong na ibato sayo.” Payo ni Sam. For the first time in history ngayon ko lang nakita sa mukha nya ang concern nya sakin.
“Pero kasi-” Mangangatwiran sana ko pero nagsalita naman si Albie na kanina pa tahimik at nakatingin lang sakin na parang naaawa na sa sitwasyon ko.
“Princess Mara, hindi ka lang kasi maapektuhan in showbiz terms sa bawat salitang manggagaling sayo. Hawak mo sa mga kamay mo yugn buong bansa natin. Isang word lang pwede maapektuhan yung buong Germany kaya dapat maging wise ka na from now on at wag pabigla bigla. Kung gusto mo, lumabas ka at sabihin mo kay DJ na sa ibang araw or oras kayo mag-usap. Para he won’t make a scene na.” Payo naman ni Albie. Napatingin ako kay Sam for approval dahil mukhang sya na ang tumatayong adviser ko. Tumango naman sya kaya tumayo na ko para harapin si DJ kahit hindi ko alam kung anong mangyayari pag nagkausap kami.
“Make way for the Princess.” Nagmamadaling pumunta sina Albie at Sam sa pinto. Kala ko nung una haharangan ako nun pala escort. Naks ang sosyal ko na dalawang gwapong escort, san ka pa! Pero teka, bago ko madistract sa kanila, yung gagawin ko muna dapat isipin ko.
Yumuko lahat ng body guards ko na nakahilera na sa gilidng dressing room paglabas ko. Nakatayo naman sa tapat ng pinto sina DJ at kath. Nainis nanaman ako sa nakita ko. Magkahawak kamay sila at oo aaminin ko nagseselos ako. Kasi mahal ko si DJ kaya lang nasaktan ako at ayoko nang mauulit pa yun.
“If you wish to speak to me you need to set an appointment.” Nagtaas ako ng mukha at nagsalita na parang professional. Napataas naman ang kilay ni Kathryn sa ginawa ko.
“What? Anong kalokohan toh Julia?” tanong ni DJ sakin.
“P-R-I-N-C-E-S-S… Mara.” Pagtatama ko sa kanya. Unti-unti nararamdaman kong nananaig na sa dibdib ko yung galit sa ginawa ng buong pamilya nya sakin kesa sa pag-aalala ko sa kanya. Iba pala talaga ang nagagawa ng tao kapag nasaktan na.
‘Julia be strong…. Be tough….’ Nirerecite ko pa sa isip ko habang nakatingin sa mga mata ni DJ. Hindi nya pwedeng Makita na apektado pa din ako sa presence nya. Hindi na ko magpapakita ng kahinaan sa harap nya dahil hindi na nila ko matatapakan ulit. At isang bansa din yung aalagaan ko in the near future kaya ngayon pa lang kailangan ko na ipractice kung pano maging matatag para sa lahat.
“DJ let’s go, hayaan mo na sya hindi mo ba nakikita? Hindi na sya si Julia na P.A. mo!” Naiinis na sabi ni Kath. Napansin na din nila siguro na pati yung ibang artista at audience kanina nakatingin na samin.
Tumingin lang si DJ sa paligid nya na parang nag-iisip kung anong susunod nya gagawin. Maya-maya biglang nag-iba na din yung expression ng mukha nya. Parang bumalik yung dating DJ na kaaway ko dahil sa kaangasan.
“S-sige. Kailangan ko ng appointment para makausap ka.” Sagot nya. I gave them a satisfying smile na parang isang malditang nakuha ang gusto nya.
“Tayong dalawa lang.” Dagdag naman nya na hindi pa din inaalis ang tingin sakin. Kinabahan nanaman ako. Kaming dalawa lang daw. Hindi pwede! Ayaw! Baka mamaya konting lambing lang mapatawad ko na tong ogag na toh! No way!
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Daniel John Ford Padilla | as DJ Padilla |
| Mara Hauttea Schnittka | as Julia Montes/Princess Mara Julia Agatha |
| Karla Estrada | as Karla Ford |
| Albie Casiño | as Albie Casiño |
| Kathryn Bernardo | as Kathryn Chandria Bernardo |
| Sam Concepcion | as Samuel John Krueger |