Chapter 18 Ang Epic Break Up

9.9K 154 74
                                    

Chapter 18 Ang Epic Break Up

“DJ tama na! Tama na!” Pilit akong pinipigil ni Kath habang galit kong sinusuntok yung malaking puno sa labas ng hall. Dumudugo na yung kamay ko pero parang hindi pa din mahigitan ng sakit yung nararamdaman ko. Magkakahalong sakit, inis, galit, pagkalito.

“DJ!” Natigil ako nang marinig ko ang boses ni Julia. Tumatakbo ito papunta sakin. Kasunod nya ang mga tao sa hall pati ang mga reporters.

“Bakit ka ba nagkakaganyan DJ! Hindi mo ba nakikita? Hindi ka mahal ni Julia! May boyfriend na sya!” Magsasalita sana si Julia pero nagsalita si Mama.

Napatingin na lang si Julia sa Mama ko at pumatak na ang luha nya.

“Mam Karla ano pong-” Sinubukan nyang magtanong pero hindi sya pinansin ni Mama. Humarap ito sa mga reporters. Malaking issue nanaman ang mangyayari kinabukasan.

“Psensya na kayo, I’ll explain everything, please wag nyong ilalabas toh.” Tinaas ni Mama ang kamay nya para maging mahinahon lahat.

“DJ bakit ka ba nagkakaganyan? Ano naman sayo na may boyfriend na ang P.A. mo? Don’t tell me may gusto ka sa P.A. mo? Helow! DJ you’re not just a nobody. Isa kang Daniel Padilla, pull yourself together nga! Kung kelan tanggap ka na namin tska ka pa ba magaakyat ng kahihiyan sa pamilya?” Lalong nanaig ang galit sakin nang magsalita si Ate Roanna.

Ito na yung pinapangarap namin ng Mama ko, Ang matanggap kami ni Dad at magkaroon ng maipagmamalaki sa lahat. Pero anong nangyayari ngayon? Napapahiya ako sa maraming tao dahil kay Julia. Sya ba ang magiging kasiraan ko? Sya ba ang hahadlang sa pangarap ko? Sino ba ang dapat kong ipaglaban? Sya na hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang gusto sakin o ang pamilya ko na matagal ko nang gustong makasama?

“DJ mabait lang sayo si Julia pero hindi ka nya mahal! Mabait sya dahil kailangan ka nya. Kailangan nya ng pera para maipagamot ang lola nya!” Humarap ulit sakin si Mama. Malaks na bulungan ang umalingawngaw sa paligid habang paulit ulit na flash ng camera ang sumisilaw samin.

“DJ, wag mong sirain ang pangalan mo ng dahil lang dito.” Yumakap sakin si Kathryn at umiyak.

“Hindi po totoo yan!” Sigaw naman ni Julia sa Mama ko na umiiyak na din. God knows how much I want to hug her pero nalilito ako, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Malinaw ang nakita ko sa video, at si Julia…hindi ko naman talaga sya kilala…ni Hindi ko alam kung anong pagkatao nya? Kaya ko bang igive up lahat para sa kanya?

“Alin Julia? Na hindi mo kailangan ang pera ng anak ko? Di ba nga nasayona ang tseke para maipagamot mo ang lola mo, kapalit nang pag-iwan mo sa anak ko? Nang pagreresign mo bilang assistant nya?” Hindi ko alam pero parang nagulat si Julia sa sinabi ni Mama pero hindi sya nakasagot.

“Totoo ba?” galit pa din akong nagtanong kay Julia. Napailing na lang sya at napapikit ng madiin.

“Isosoli ko nga ngayon yung pera!” sabi nya sakin matapos huminga ng malalim.

“See? Dahil nagkaipitan na isosoli na nya. Pero kung hindi nangyari toh sa tingin mo isosoli nya?” Natawa naman si Mama. Nagtinginan lahat kay Julia pati si Dad masama ang tingin sa kanya.

Lalong namatay ang pag-asa sa puso ko na hindi totoo ang nakita ko. Bakit nangyayari toh? Kung kelan malapit na ko sa pinaka-aasam ko. Ganun ba talaga? Kung san yung kahinaan mo dun ka sisirain? Akala ko si Julia ang naging tulay para maabot ko yung pangarap ko, pero in the end sya pala yung sisira.

“DJ! Wala ka bang gagawin man lang? This girl is ruining everything! Wag mong sabihin pipiliin mo pa syang paniwalaan kesa samin na pamilya mo?!” Sigaw ulit ni Ate Roanna.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon